Makipag-video call o makipag-voice call sa Google Meet

Mahalaga: Ang artikulong ito ay tungkol sa legacy na pagtawag sa Google Meet (na dating tinatawag na Duo). Magagamit mo ang legacy na pagtawag para gumawa ng:

  • Mga 1:1 na video call
  • Mga panggrupong tawag
  • Mga voice call

Matuto pa tungkol sa pagtawag sa Meet at mga alok sa meeting.

Mga Tip:

  • Kailangan mo ng mobile data plan o koneksyon sa Wi-Fi.
  • Hindi gumagamit ng mga minuto sa mobile ang mga tawag na ginagawa sa pamamagitan ng mga mobile data plan. Posibleng may mga nalalapat na singil.

Bago ka magsimula

Alamin kung paano magsimula sa legacy na pagtawag sa Google Meet.

Mahalaga: Puwede mong gamitin ang Google Meet para tumawag sa iyong computer nang hindi naka-on ang telepono mo o kahit wala ito sa malapit.

Magsimula ng video o voice call

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa meet.google.com/calling/.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Mga Tawag Camera.
  3. Pumili ng opsyon:
    • Kung naka-save na contact ang numero:
      1. Piliin ang contact.
      2. I-click ang Makipag-voice call  o Makipag-video call Camera.
    • Kung hindi naka-save na contact ang numero:
      1. I-click ang Magsimula ng tawag Camera.
      2. Maglagay ng numero ng telepono o email.
      3. I-click ang Makipag-voice call  o Makipag-video call Camera.

Magsimula ng panggrupong video call

Puwede kang magkaroon ng hanggang 32 kalahok sa isang panggrupong video call.

Mahalaga: Sa Google Chrome M86+ at Microsoft Edge v79+ ka lang puwedeng gumawa ng mga panggrupong video call.

Magsimula ng video call sa maraming contact

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa meet.google.com/calling/.
  2. I-click ang Gumawa ng link ng grupo.
    • Tip: Puwede mong pangalanan ang grupo. Lalabas ang pangalan para sa lahat ng nasa grupo.
      1. Sa tabi ng pangalan ng grupo, i-click ang I-edit .
      2. Maglagay ng pangalan.
      3. I-click ang I-save.
  3. I-click ang Magdagdag ng mga tao at pagkatapos ay Pumili ng mga contact.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Magdagdag at pagkatapos ay Magsimula ng tawag Camera.

Magbahagi ng link para makapagsimula ng panggrupong tawag

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa meet.google.com/calling/.
  2. I-click ang Gumawa ng link ng grupo.
    • Tip: Puwede mong pangalanan ang grupo. Lalabas ang pangalan para sa lahat ng nasa grupo.
      1. Sa tabi ng pangalan ng grupo, i-click ang I-edit .
      2. Maglagay ng pangalan.
      3. I-click ang I-save.
  3. Sa ibaba, i-click ang Kopyahin  o Ipadala sa pamamagitan ng email .

Umalis sa isang grupo

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa meet.google.com/calling/.
  2. Sa ilalim ng "Kamakailang aktibidad," i-click ang grupo.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pang opsyon  at pagkatapos ay I-delete ang history ng pagtawag sa Meet.
Mga kahina-hinalang grupo
Kung makakatanggap ka ng imbitasyon sa isang grupong may mga naka-block na account o taong hindi mo contact, mamarkahan ito ng Google Meet bilang kahina-hinala. Hindi ka bibigyan ng Google Meet ng anumang impormasyon tungkol sa mga na-block mong miyembro ng grupo.

Puwede kang sumali o tumangging sumali sa grupo. Kung sasali ka, hindi ia-unblock ng Google Meet ang mga na-block mo nang tao.
Mag-alis ng miyembro ng grupo
  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa meet.google.com/calling/.
  2. Sa ilalim ng "Mga Grupo," mag-click ng grupo.
  3. Sa kanang ibahagi sa itaas, i-click ang Higit pang opsyon  at pagkatapos ay Tingnan ang mga miyembro ng grupo.
  4. I-click ang miyembro ng grupo na gusto mong alisin.
  5. Sa kanan, i-click ang Higit pang opsyon  at pagkatapos ay Alisin.

Tip: Puwede mo ring i-block ang miyembro ng grupo. Kung iki-click ng taong na-block mo ang orihinal na link para sumali ulit sa grupo, makakatanggap siya ng mensaheng walang ganoong grupo. Mare-refresh ang link ng grupo para sa lahat ng nasa grupo. Matuto tungkol sa mga naka-block na numero sa mga panggrupong tawag.

Mga Tawag sa Meet mula sa Messages para sa web

  1. Pumunta sa messages.google.com.
  2. Sa kaliwa, pumili ng pag-uusap o i-click ang Simulang makipag-chat.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Makipag-video call o Makipag-voice call Camera.
  4. Sa bubukas na bagong tab, i-click ang Makipag-voice call  o Makipag-video call Camera.

Tip: Kung wala ka ng icon ng video call Camera, hindi available ang mga video call para sa pag-uusap na iyon.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16658584552345199574
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false