I-download ang bagong Google Meet app

Pinagsama ang Google Duo at Google Meet sa isang bagong Meet app para sa pakikipag-video call at mga meeting. Alamin ang mga pagbabago sa Google Duo.

  • Maa-access mo ang iyong mga meeting sa bagong Meet app  . Puwede mong i-uninstall ang Meet (original)  pagkatapos mong mag-migrate sa bagong Meet app .
  • Ni-rename at ginawang Meet (original) ang orihinal na Meet app.
  • Google Meet na ngayon ang pangalan at icon ng Duo app.

Sa iyong mobile device, i-download ang bagong Meet app .

Tukuyin kung nasa aling experience ka

Ang bagong Google Meet app : Ang updated na Duo app

Kung hindi ipinapakita sa app mo ang iyong history ng tawag o mga mensahe

Para makita ang history ng tawag at mga mensahe, dapat mong gamitin ang bagong Meet app.

Para malaman kung aling bersyon ng app ang ginagamit mo:

  1. Sa iyong app, sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu at pagkatapos ay Tulong.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pang opsyon at pagkatapos ay Impormasyon ng bersyon.
    • Kung nagsisimula sa “2022” ang bersyon mo:Ikaw ay nasa Meet (orihinal) app na wala ng iyong history ng tawag sa Duo. Para makita ang iyong history ng tawag at mga mensahe, buksan ang iyong updated na Duo app.
    • Kung nagsisimula sa “17” ang iyong bersyon:Ikaw ay nasa bagong Meet o updated na Duo app at matitingnan mo ang iyong history ng tawag at mga mensahe.

Kung hindi lumalabas ang mga meeting sa iyong updated na Duo app

  • Para ma-access ang mga feature ng meeting, dapat kang mag-sign in gamit ang isang Google Account. Hindi magagawa ng mga account na na-set up gamit lang ang numero ng telepono na i-access ang mga feature ng meeting.
  • Kung nakarehistro ka gamit lang ang numero ng telepono, hihilingin sa iyong kumonekta sa Google Account para makagawa o makapag-iskedyul ng mga meeting, o makasali sa mga ito.
    1. Sa kanang sulok sa itaas ng iyong telepono, i-tap ang Larawan sa profile .
      • Sa Android: Makikita mo ang mga Google Account na nakarehistro sa iyong device.
      • Sa iOS: Makikita mo ang mga Google Account na naka-sign in sa iba pang Google app sa iyong device.
      • Kung hindi mo makikitang nakalista ang isang Google Account: I-tap ang Magdagdag ng iba pang account.
    2. Pumili ng ikokonektang Google Account.
      • Pagkatapos mong ikonekta ang Duo sa iyong Google Account, magagamit mo ang Duo sa iba't ibang device.
      • Matatawagan ka ng mga taong nakakaalam sa impormasyon ng iyong Google Account, gaya ng Gmail address mo, gamit ang updated na app.
  • Tingnan kung naka-sign in ka sa tamang Google Account. Ang mga meeting lang na nauugnay sa Account kung saan ka naka-sign in ang matitingnan mo.
  • Kung dati mo nang nagamit ang Duo sa isang pangnegosyong account o EDU account, kinokontrol ng iyong admin ang functionality sa pagtawag sa pamamagitan ng toggle na “Mga Karagdagang Serbisyo ng Google." Alamin kung paano pinapamahalaan ng mga admin ang access sa mga serbisyo.

Tip: Para makuha ang mga feature at update sa hinaharap, tiyaking io-on mo ang mga awtomatikong pag-update. I-update ang iyong app sa mga Android device.

Google Meet (orihinal)
  • Kapag na-update mo na ang iyong Google Meet app, magiging Meet (orihinal) ang nasabing app.
  • Para makuha ang mga pinakabagong update, i-download ang bagong Meet app  at i-uninstall ang Meet (orihinal)  app.
Google Duo Duo: Ang legacy na Duo app

May access ka sa mga feature ng Meet kung natanggap mo ang update para sa Hulyo 2022. Alamin kung paano gamitin ang mga feature ng Google Meet sa Google Duo app.

Tip: I-update ang iyong Duo appDuo para makuha ang:

  • Bagong pangalan at icon .
  • Mga bagong feature sa meeting kasama ang mga effect sa background, pakikipag-chat habang nasa tawag, at mga caption.
Google Meet  sa Web

Google Meet na ngayon ang pangalan at icon ng Duo.

Mga user ng meet.google.com:

Puwede kang patuloy na mag-iskedyul at magsimula ng mga meeting at sumali sa mga meeting gaya ng dati.

Mga user na dating nagparehistro sa Duo:

Para magamit ang pagtawag sa Google Meet, pumunta sa meet.google.com/calling/.

Mga bagong user na gustong gumamit ng pagtawag sa web: Puwede mong iparehistro ang numero ng iyong telepono sa 2 paraan:

  • Sa iyong computer, pumunta sa meet.google.com/calling/.
  • Sa iyong mobile device, i-download ang bagong Meet app  at magparehistro doon.

Magsimula sa pagtawag sa Google Meet.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5581239538240900823
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false