Mahalaga: Nagbibigay lang ng impormasyon ang mga speedometer na ipinapakita sa Google Maps app. Tiyaking ginagamit mo ang speedometer ng iyong sasakyan para makumpirma ang aktwal na bilis ng pagmamaneho mo.
Kapag nagdagdag ka ng speedometer sa iyong navigation, makikita mo kung gaano kabilis ang iyong pagmamaneho sa kalsada.
Makakuha ng mga alerto sa Speed Limit
Kung available sa iyong lokasyon ang feature ng Mga Speed Limit, ipapaalam sa iyo ng speedometer sa app kung masyadong mabilis ang pagmamaneho mo. Magbabago ang kulay ng indicator ng bilis kung lalampas ka sa speed limit.
Tip: Dahil sa mga external na salik, posibleng mag-iba ang nasa Speedometer ng Maps kumpara sa iyong aktwal na bilis.
I-on o i-off ang Speedometer
- Sa iyong Android device, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal
Mga Setting
Mga setting ng navigation.
- Sa ilalim ng "Mga opsyon sa pagmamaneho," i-on o i-off ang Ipakita ang speedometer.
Tip: Kung available sa iyong lokasyon ang feature ng Mga Speed Limit, puwede mong i-on o i-off ang speedometer sa pamamagitan ng pag-tap sa Speed Limit /
habang nagna-navigate.