Gamitin ang Live View sa Google Maps

Nag-aalok ang Google Maps ng dalawang uri ng mga view para sa direksyon sa paglalakad: ang karaniwang 2D na mapa at Live View. Sa Live View, makikita mo ang mga direksyong nakalagay sa totoong mundo pati na rin ang isang maliit na mapa sa ibaba ng iyong screen.

Magsimula sa Live View

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Google Maps.
  2. Sa search bar, maglagay ng patutunguhan o i-tap ito sa mapa.
  3. I-tap ang Mga Direksyon Asul na Icon ng Mga Direksyon.
  4. Sa itaas ng mapa sa toolbar ng travel mode, i-tap ang Paglalakad Naglalakad.
  5. Sa gitnang bahagi sa ibaba, i-tap ang Simulan ang Live View AR ng Maps.
  6. Sundin ang mga tagubilin sa screen para tulungan ang Maps na malaman kung nasaan ka.
    Tip: Itutok ang camera ng iyong telepono sa mga gusali at karatula sa kalye sa halip na sa mga puno at tao.
  7. Kapag alam na ng Maps kung nasaan ka, makakakita ka ng mga direksyon sa pamamagitan ng camera view sa iyong screen.
    Tip: Para sa kaligtasan at baterya, iminumungkahi naming huwag mo nang gamitin ang telepono mo kapag alam mo na kung saan pupunta.
  8. Magba-vibrate ang iyong telepono kapag nakarating na sa susunod na hakbang sa navigation o destinasyon.
  9. Kapag gusto mong bumalik sa Live View, i-tilt ang iyong telepono sa patayong posisyong o pindutin ang button na Live View.
Mahalaga: Hindi nilayon ang Live View sa paggamit sa isang umaandar na sasakyan.

Magbigay ng feedback

Sabihin sa amin ang tungkol sa iyong karanasan sa paggamit ng Live View para direksyon sa paglalakad.
  1. I-tap ang Feedback Asul na Icon ng Feedback.
  2. Sagutin ang tanong tungkol sa uri ng isyu na naranasan mo.
  3. Ilagay ang iyong feedback.

Availability ng feature

Makikita mo ang Simulan ang Live View AR ng Maps kung ikaw ay nasa isang na sakop na ng Street View.

Mga karagdagang kinakailangan

Kapag sinubukan mo ang Live View sa unang pagkakataon, may magpa-pop up na mensahe sa iyong telepono na humihingi ng pahintulot mo para i-access ang iyong camera.

Paano malalaman kung gumagana ang Live View

Kapag na-tap mo ang Simulan ang Live View AR ng Maps, may magpa-pop up na mensahe sa iyong screen. Sasabihin sa iyo ng mensahe na itutok ang camera ng telepono mo sa mga gusali, karatula sa kalye, o sa anumang elemento ng tanawing nasa iyong paligid na makikilala ng Google Maps ayon sa data ng Street View sa lugar na ito. Kapag nakilala na ng Google Maps kung nasaan ka, magpapakita ito ng mga tagubilin sa pag-navigate sa screen ng iyong telepono.

Kung hindi pa rin gumagana ang Live View

Tiyaking ginagamit mo ang Live View:

  • Sa maliliwanag na lugar
  • Sa labas
  • Kapag itinututok mo ang camera ng iyong telepono sa mga gusali at karatula sa kalye
  • Sa mga lokasyon kung saan available ang Street View

Lumipat sa karaniwang 2D na map view

Puwede kang magpalipat-lipat sa Live View at sa 2D na map view sa pamamagitan ng paglipat sa iyong telepono sa pahalang na posisyon mula sa patayong posisyon. Naka-on bilang default ang feature na pag-tilt pero puwede mong sundin ang mga hakbang na ito para baguhin ang setting:

  1. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menuat pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Navigation.
  2. Mag-scroll sa AR na Direksyon sa Paglalakad.
  3. I-off ang opsyon sa pag-tilt.

Iwasan ang paglalakad nang mahabang panahon gamit ang Live View

Inirerekomenda naming gumamit ka lang ng Live View kapag nalilito ka, tulad ng kapag sinimulan mo ang iyong paglalakbay, kapag may narating kang pagliko, o kapag malapit ka na sa patutunguhan mo.

Mahalaga: Para sa iyong kaligtasan, ibaba ang iyong telepono kapag alam mo na kung saan ka pupunta.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?