Tumuklas at mag-navigate ng mga lugar sa tunay na buhay sa tulong ng Lens sa Maps.
Tingnan ang availability ng Lens sa Maps
Makikita mo ang Lens sa mga lugar na saklaw ng Street View.
- Available lang ang feature na ito sa mga piling bansa.
- Dapat tugma sa ARKit/ARCore ang iyong device.
- Dapat may mahusay na sakop ng Street View ang nilalakaran.
Tip: Kapag ginamit mo ang Lens sa Maps sa unang pagkakataon, may lalabas na mensahe at hihilingin nito sa iyong payagan ang pag-access sa camera.
Magtanong tungkol sa mga lugar gamit ang Lens sa Maps
Para sumagot ng mga tanong na nauugnay sa lugar gamit ang Gemini, puwede mong gamitin ang Lens sa Maps.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- Sa search bar, i-tap ang Lens
.
- Itapat ang iyong device sa isang tindahan, restaurant, landmark, o iba pang gusali.
- Kapag ginamit mo ang Lens sa Maps, siguraduhing nasa labas ka.
- I-tap ang Mic
.
- Para matuto pa tungkol sa lugar bago ka magtanong, i-tap ang Maghanap
.
- Para matuto pa tungkol sa lugar bago ka magtanong, i-tap ang Maghanap
- Kapag lumabas ang “Nakikinig,” magtanong, tulad ng:
- “Bakit sikat ang lugar na ito?”
- “Tumatanggap ba sila ng mga walk-in?”
- “Gaano kataas ang gusali?”
Gumawa ng higit pa gamit ang Lens sa Maps
Mag-navigate gamit ang LensMahalaga: Hindi nilayong magamit ang Lens sa Maps sa gumagalaw na sasakyan.
May 2 view ng direksyon sa paglalakad sa Google Maps:
- 2D map
- Lens sa Maps
Sa Lens sa Maps, makakakuha ka ng mga direksyon sa totoong mundo. Puwede mong gamitin ang navigation sa Lens sa Maps para sa bahagi ng anumang biyahe kung saan kailangang maglakad.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- Sa search bar, maglagay ng destinasyon o i-tap ito sa mapa.
- I-tap ang Mga Direksyon
.
- Sa itaas ng mapa sa toolbar ng travel mode, i-tap ang Paglalakad
.
- Sa ibaba, i-tap ang Mag-navigate.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen para tulungan ang Maps na hanapin ang iyong lokasyon.
Tip: Itutok ang camera ng iyong telepono sa mga gusali at karatula sa kalye sa halip na sa mga puno at tao. - Kapag alam na ng Maps kung nasaan ka, makakatanggap ka ng mga direksyon sa pamamagitan ng camera view sa iyong screen.
Tip: Para sa kaligtasan at para mapatagal ang iyong baterya, iminumungkahi naming itabi mo ang iyong telepono kapag alam mo na kung saan ka pupunta. - Magva-vibrate ang iyong telepono kapag nakarating ka na sa susunod na hakbang sa navigation o destinasyon.
- Para bumalik sa Lens sa Maps:
- I-tilt ang iyong device sa patayong posisyon.
- I-tap ang Mag-navigate.
Lumipat sa 2D map view
Kapag na-tilt mo ang iyong device, puwede kang magpalipat-lipat sa Lens sa Maps at sa 2D map view. Naka-on bilang default ang feature na pag-tilt.
Para baguhin ang setting:
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal
Mga Setting
Navigation.
- Sa ilalim ng "Mga opsyon sa paglalakad," i-off ang Live View.
Maging ligtas habang ginagamit mo ang Lens sa Maps
Gamitin lang ang Lens-assisted na direksyon sa paglalakad kapag kinakailangan, halimbawa, kapag sinimulan mo ang iyong pagbiyahe, kapag may narating kang pagliko, o kapag malapit ka nang makarating sa destinasyon mo.
Tip: Kapag hindi mo na kailangan ng mga direksyon, itabi ang iyong telepono.
Maging pamilyar sa paligid mo at sa mga kalapit na landmark gamit ang Lens sa Maps. Puwede mo ring malaman kung gaano kalayo ang ilang partikular na landmark sa iyo at kung paano pumunta roon. Puwedeng kasama sa mga landmark na ito ang mga iconic na lugar, tulad ng Empire State Building sa New York City, o mga madaling makilalang lugar, tulald ng mga lokal na parke at atraksyong panturista.
Para i-orient ang iyong sarili sa Lens sa Maps gamit ang mga landmark:
- Maghanap ng lugar o i-tap ito sa mapa.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Tingnan.
Kapag nasa Lens sa Maps ka:
- Para tulungan ang Maps na mahanap ang iyong lokasyon, sundin ang mga tagubilin sa screen.
- Tip: Itutok ang camera ng telepono mo sa mga gusali at karatula sa kalye sa halip na sa mga puno o tao.
- Kapag alam na ng Maps kung nasaan ka:
- Makukuha mo ang distansya papunta sa iyong destinasyon.
- Puwede kang pumasok sa direksyon sa paglalakad sa Lens sa Maps.
Habang nasa labas ka sa isang lugar kung saan available ang Street View:
- Sa iyong Android phone o tablet, habang nasa labas ka, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang asul na tuldok
I-calibrate.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Mga Tip:
- Itutok ang camera ng iyong telepono sa mga gusali at karatula sa paligid mo, sa halip na sa mga puno at tao.
- Tinutukoy ng availability ng Street View kung sa Maps ba bubukas ang Lens.
- Nagiging mas tumpak ang iyong posisyon sa Maps kapag nakakuha na ng mas maraming data tungkol sa lokasyon mo.
Kapag may nag-share sa iyo ng lokasyon niya, magagamit mo ang Lens sa Maps para i-visualize ang lokasyon niya sa tunay na buhay.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal
Pag-share ng lokasyon.
- Sa listahan ng mga taong nag-share sa iyo ng kanilang lokasyon, i-tap ang taong gusto mong hanapin ang lokasyon.
- I-tap ang Tingnan.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen para tulungan ang Maps na hanapin ang iyong lokasyon.
- Itutok ang camera ng iyong telepono sa mga gusali at karatula sa kalye sa halip na sa mga puno at tao.
- Kapag alam na ng Maps kung nasaan ka, puwede mo nang i-orient ang sarili mo sa direksyon ng taong nagbahagi ng kanyang lokasyon sa iyo. Makakakita ka ng pin na kumakatawan sa lokasyon niya pati na ng ilang karagdagang impormasyon tungkol sa distansya at mga clue tungkol sa direksyon.
- Puwede ka ring pumasok sa direksyon sa paglalakad sa Lens sa Maps.
Alamin ang dapat gawin kung hindi gumagana ang Lens sa Maps
Siguraduhing gamitin ang Lens sa Maps:
- Outdoors
- Sa maliliwanag na lugar
- Sa mga lugar kung saan puwede mong itutok ang camera ng iyong telepono sa mga gusali at karatula sa kabilang bahagi ng kalye
- Sa mga lugar kung saan available ang Street View
Magpadala ng feedback para sa Lens sa Maps
I-share ang iyong experience sa Lens sa Maps.
- I-tap ang Feedback
.
- Sagutin ang tanong tungkol sa uri ng isyu na naranasan mo.
- Ilagay ang iyong feedback.