Bago ka magsimulang magmaneho o mag-commute pauwi, papunta sa trabaho, o papunta sa ibang lugar, planuhin ang iyong biyahe at maghanap ng kapaki-pakinabang na impormasyon. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung kailan dapat umalis, ano ang dapat asahang trapiko, anong ruta ang dapat daanan, at kung may anumang abala sa daraanan.
Maghanap ng mga paraan para makarating sa mga nauugnay na lugar
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps. Tiyaking naka-sign in ka.
- Sa kaliwa, pumili ng opsyon:
- Kumuha ng mga direksyon papunta sa mga nauugnay na lugar: Mag-click ng lugar sa listahan. Makakakuha ka ng mga lugar batay sa history ng iyong Gmail, Calendar, at kamakailang paglalakbay.
- Kumuha ng mga direksyon papunta sa mga naka-save na lugar: Kung na-save mo ang iyong address ng trabaho o bahay sa Google Account mo, i-click ang Bahay o Trabaho. Puwede mong i-edit ang iyong mga address ng bahay o trabaho sa Google Account mo. Alamin kung paano itakda ang iyong mga address ng trabaho at bahay.
- Para baguhin kung paano ka makakarating doon, i-click ang Mga Direksyon, at pumili ng opsyon sa transportasyon sa itaas, tulad ng Pagmamaneho o Pampublikong sasakyan .
Tip: Para itago ang panel sa gilid, sa ibaba, i-click ang Itago .
Matuto pa tungkol sa iyong paligid
- Maghanap ng mga kawili-wiling lugar: Mag-click ng opsyon, gaya ng Mga Restaurant, Mga Hotel, o Higit pa.