Maghanap ng impormasyon tungkol sa trapiko at pampublikong sasakyan
Magagamit mo ang Google Maps para mabilis na mahanap ang lahat ng madadalas mong biyahe sa isang pag-tap lang. Makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa iyong ETA, mga ulat sa trapiko, at mga aksidente sa daraanan.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app .
- Sa ibaba, i-tap ang Pumunta .
Tip: Para ipakita ang mapa, mag-tap kahit saan sa mapa o i-drag ulit pababa ang mga tab.
Baguhin ang paraan ng pag-commute mo
Makakakuha ka ng access, mga direksyon, iba't ibang ruta, at mungkahi para sa madadalas mong biyahe sa pamamagitan ng pag-pin sa mga biyahe sa tab na Pumunta .
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app .
- Sa ibaba, i-tap ang Pumunta .
- Hanapin ang iyong destinasyon sa search bar sa itaas.
- Sa ibaba, i-tap ang “Mga Direksyon.”
- Sa itaas, piliin ang iyong transportation mode.
- Piliin ang gusto mong ruta.
- Sa ibaba, i-tap ang I-pin .
Puwede mong i-pin ang iyong biyahe at mahanap ulit ito sa tab na Pumunta sa susunod na kailanganin mo ito.
Tip: Gumagana lang ang pag-pin sa “Pagmamaneho” at “Pampublikong sasakyan.” Matuto pa tungkol sa tab na Pumunta .
Magtakda ng paalala para sa iyong biyahe
Magplano para sa iyong susunod na biyahe gamit ang iPhone o iPad mo para matiyak na darating ka sa oras.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app .
- Sa itaas, mag-type ng destinasyon.
- Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Direksyon . Magpapakita ito ng kotse, bus, bisikleta, taong kumakaway, o taong naglalakad.
- Piliin ang iyong transportation mode.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Magtakda ng paalala para sa pag-alis.
- Pumili ng opsyon:
- Kailan aalis: I-tap ang Aalis.
- Kailan darating: I-tap ang Darating.
- Magtakda ng oras.
- I-tap ang Tapos na.
Baguhin ang paraan ng transportasyon para sa isang bahagi ng iyong biyahe
Tip: Available lang sa mobile at sa ilang lokasyon.
Puwede mong pagsama-samahin ang iba't ibang paraan ng transportasyon, gaya ng pagmamaneho, ride-sharing, o pagbibisikleta sa pampublikong sasakyan sa iisang biyahe.
Kapag napili mo na ang iyong ruta at nakikita mo na ang mga direksyon, posible mong baguhin kung paano ka bibiyahe para sa isang bahagi ng biyahe mo. Maa-update ang ibang bahagi ng ruta, gaya ng oras ng pag-alis ng mga sasakyan at kabuuang tagal ng biyahe, kapag binago mo ang paraan ng transportasyon.