Maghanap ng impormasyon tungkol sa trapiko at pampublikong sasakyan
Magagamit mo ang Google Maps para mabilis na mahanap ang lahat ng madadalas mong biyahe sa isang pag-tap lang. Makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa iyong ETA, mga ulat sa trapiko, at mga aksidente sa daraanan.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app .
- Sa ibaba, i-tap ang Pumunta
Tip: Para ipakita ang mapa, mag-tap kahit saan sa mapa o i-drag ulit pababa ang mga tab.
Baguhin ang paraan ng pag-commute mo
Puwede kang makakuha ng access sa mga direksyon para sa madadalas mong biyahe sa pamamagitan ng pag-pin ng mga biyahe sa tab na Pumunta .
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app .
- Sa ibaba, i-tap ang Pumunta .
- Hanapin ang iyong destinasyon sa search bar sa itaas.
- Sa ibaba, i-tap ang “Mga Direksyon.”
- Sa itaas, piliin ang iyong transportation mode.
- Piliin ang gusto mong ruta.
- Sa ibaba, i-tap ang I-pin .
Puwede mong i-pin ang iyong biyahe at mahanap ulit ito sa tab na Pumunta sa susunod na kailanganin mo ito.
Tip: Gumagana lang ang pag-pin sa “Pagmamaneho” at “Pampublikong sasakyan.” Matuto pa tungkol sa tab na Pumunta .
I-off ang iyong mga regular na ruta
Kung naka-on ang iyong History ng Lokasyon, puwede kaming magpakita sa iyo ng mga direksyon para sa mga regular mong ruta. Kung ayaw mong maugnay sa iyong Google Account ang mga rutang regular mong dinaraanan, puwede mong i-off ang iyong History ng Lokasyon.
Tandaan: Ikaw lang ang makakakita sa iyong mga regular na ruta.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app .
- I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Mga Setting Personal na content.
- Mag-scroll sa “Mga setting ng lokasyon.”
- I-tap ang Naka-on ang lokasyon.
- Sa itaas, i-off ang History ng Lokasyon.
Tingnan ang trapiko ngayon at sa ibang pagkakataon
Para marating ang iyong destinasyon nang mabilis hangga't posible, suriin ang karaniwang trapiko bago ka magmaneho. Puwede mong maiwasan ang mga pinakaabalang oras ng araw.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app .
- Maghanap ng destinasyon, o mag-tap ng lugar sa mapa.
- Sa ibaba, i-tap ang Mga Direksyon.
- Sa itaas, i-tap ang Pagmamaneho .
- Sa ibaba, i-tap ang puting bar para ipakita ang:
- Ang kasalukuyang trapiko sa iyong ruta
- Ang karaniwang trapiko ayon sa oras at anumang pagbagal sa daraanan
Baguhin ang paraan ng transportasyon para sa isang bahagi ng iyong biyahe
Tip: Available lang sa mobile at sa ilang lokasyon.
Puwede mong pagsama-samahin ang iba't ibang paraan ng transportasyon, gaya ng pagmamaneho, ride-sharing, o pagbibisikleta sa pampublikong sasakyan sa iisang biyahe.
Kapag napili mo na ang iyong ruta at nakikita mo na ang mga direksyon, posible mong baguhin kung paano ka bibiyahe para sa isang bahagi ng biyahe mo. Maa-update ang ibang bahagi ng ruta, gaya ng oras ng pag-alis ng mga sasakyan at kabuuang tagal ng biyahe, kapag binago mo ang paraan ng transportasyon.