Notification

Naghananap ka ba ng tulong para sa Google My Business? Kung oo, bisitahin ang Google My Business Help Center.

Magdagdag, mag-delete, o magbahagi ng mga larawan o video sa Google Maps

Para mapahusay ang Google Maps at maibahagi ang mga paborito mong larawan at video hanggang 30 segundo ang haba, idagdag ang mga iyon sa Google Maps. Puwede mong idagdag o alisin ang mga iyon anumang oras. Hindi ka puwedeng magdagdag ng mga larawan o video sa mga address o coordinate.

Kapag nag-post ka ng mga larawan, makikita rin ng iba ang:

Tip: Kung isa kang Local Guide, puwede kang makakuha ng mga puntos kapag nagdagdag ka ng mga larawan at video sa Google Maps. Alamin kung paano magbigay ng mga de-kalidad na review at larawan.

Magdagdag ng mga larawan o video sa Google Maps

Puwede kang magdagdag ng media gaya ng mga larawan at video ng mga kawili-wiling lugargaya ng mga negosyo o parke. Hindi ka puwedeng magdagdag ng media sa:

  • Mga Address
  • Mga Coordinate
  • Mga pribadong tirahan
  • Mga geographical na lugar

Matuto pa tungkol sa mga photo update para sa mga lugar

Tip: Para magbigay-proteksyon laban sa mga pagtatangkang mang-abuso, may mga pansamantalang paghihigpit sa pag-post ang ilang kawili-wiling lugar. Matuto pa tungkol sa mga paghihigpit sa pag-post.

Magdagdag ng mga larawan o video mula sa "Mag-ambag"

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Mag-ambag Mag-ambag.
  3. Sa tab na “Mag-ambag,” i-tap ang Magdagdag ng larawan.
    • Para mag-post ng larawan o video: I-tap ang isa o higit pang larawan o video.
    • Para mag-edit ng lokasyon ng larawan o video: I-tap ang pangalan ng lugar, pagkatapos ay pumili ng ibang lugar.
  4. I-tap ang I-post.

Tip: Para makakuha ng mga suhestyon para sa mga larawan o video na idaragdag sa Google Maps, tiyaking na-install mo na ang Google Photos app at naka-on ang pag-back up at pag-sync at History ng Lokasyon. Para mag-alis ng suhestyon, i-tap ang I-clear.

Magdagdag ng mga larawan o video mula sa page ng lugar

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Maps Maps.
  2. Para makapunta sa page ng isang lugar, pumili ng isa:
    • Sa field ng paghahanap, ilagay ang pangalan ng lugar.
    • Sa mapa, i-tap ang lugar.
  3. Sa ibaba, i-tap ang pangalan o address ng lugar.
  4. Sa menu bar sa ibaba, hilahin pakaliwa.
  5. I-tap ang Mga Larawan at pagkatapos ay Magdagdag ng larawan.
  6. Piliin kung ano ang gusto mong gawin:
    • Para pumili ng larawan o video mula sa iyong gallery, i-tap ang Folder.
    • Para kumuha ng bagong larawan o video, i-tap ang Camera.

Magdagdag ng mga larawan o video mula sa Google Photos o sa iyong Gallery app

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos o ang iyong Gallery app.
  2. I-tap ang larawan o video na gusto mong idagdag.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Ibahagi at pagkatapos ay Idagdag sa Maps.
  4. Sa itaas, i-tap ang Pumili ng lugar.
  5. Piliin kung saan kinunan ang larawan.
  6. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-post.

Hanapin ang iyong mga larawan o video sa Google Maps

Para makita ang iyong ibinahagi sa Google Maps:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Mag-ambag Mag-ambag at pagkatapos ay Tingnan ang mga kontribusyon.

Mag-delete ng mga larawan o video sa Google Maps app

Awtomatiko ring nade-delete sa Google Search ang mga larawang ide-delete mo sa Google Maps.

Para mag-delete ng larawan o video:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Mag-ambag Mag-ambag at pagkatapos ay Tingnan ang mga kontribusyon.
  3. Piliin ang larawan o video na gusto mong i-delete.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Alisin Alisin at pagkatapos ay I-delete.

Ang mga larawan o video na ide-delete mo sa Google Maps ay hindi awtomatikong made-delete sa:

Magdagdag o mag-delete ng mga larawan o video sa Profile ng Negosyo

Kung isa kang may-ari ng negosyo at na-verify mo na ang iyong negosyo, alamin kung paano magdagdag ng larawan o mag-delete ng larawan ng negosyo mo.

Markahang kapaki-pakinabang o hindi kapaki-pakinabang ang mga larawan o video

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Maghanap ng lugar o i-tap ito sa mapa.
  3. Sa ibaba, i-tap ang pangalan o address ng lugar.
  4. Sa itaas, i-tap ang Mga Larawan.
  5. Pumili sa mga sumusunod:
    • Para markahan bilang kapaki-pakinabang ang larawan o video, i-tap ang Kapaki-pakinabang . Posibleng abisuhan ang may-akda pero hindi ipapakita ang iyong pangalan at impormasyon. Hindi ibabahagi ang kabuuang bilang ng mga boto sa pagiging kapaki-pakinabang.
    • Para markahan bilang hindi kapaki-pakinabang ang isang larawan, i-tap ang Hindi Kapaki-pakinabang . Hindi aabisuhan ang may-akda, at hindi ibabahagi ang kabuuang dami ng mga botong hindi kapaki-pakinabang.
Mga Tip:
  • Para alisin ang iyong boto, i-tap ulit ang icon.
  • Kung ilegal o lumalabag sa patakaran ng Google ang larawan o video, puwede mo itong iulat.

 I-on o i-off ang pag-autoplay ng video

  1. I-tap ang icon ng profile Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga setting ng video.
  2. Para i-on o i-off ang autoplay, i-tap ang toggle.

Mag-ulat ng mga larawan o video sa Google Maps

Mahalaga: Para mapigilan ang mga lumalabag sa patakaran na gumamit ng Google Maps, mino-moderate namin ang content ng user. Susuriin at aalisin ang anumang paglabag na mahahanap namin. Matuto pa tungkol sa patakaran sa content na binuo ng user ng Google Maps.

Kung may makita kang kahit ano sa Google Maps na hindi naaangkop o hindi tumpak, puwede mo itong ipaalam sa amin.

  1. Maghanap ng lugar o i-tap ito sa mapa.
  2. Mag-scroll papunta sa seksyong mga larawan, pagkatapos ay piliin ang larawan o video na gusto mong iulat.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Iulat Iulat.
  4. Piliin o isulat ang dahilan para sa iyong ulat

Matuto pa tungkol sa Patakaran sa Content na Mula sa User ng Maps.

Tip: Puwede mong hilinging mag-alis ng mga larawan kung isa kang may-ari ng negosyo. Matuto pa tungkol sa mga kahilingan sa pag-delete ng larawan.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9952793769816948443
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false