Para mapahusay ang Google Maps at maibahagi ang mga paborito mong larawan at video hanggang 30 segundo ang haba, idagdag ang mga iyon sa Google Maps. Puwede mong idagdag o alisin ang mga iyon anumang oras. Hindi ka puwedeng magdagdag ng mga larawan o video sa mga address o coordinate.
Kapag nag-post ka ng mga larawan, makikita rin ng iba ang:
- Pangalan mong lumalabas sa iyong page na Tungkol sa akin
- Iba pang larawang idinagdag mo sa Google Maps
- Mga review na isinulat mo sa Google Maps
- Impormasyon ng lokasyon sa iyong mga larawan at video
Tip: Kung isa kang Local Guide, puwede kang makakuha ng mga puntos kapag nagdagdag ka ng mga larawan at video sa Google Maps. Alamin kung paano magbigay ng mga de-kalidad na review at larawan.
Magdagdag ng mga larawan o video sa Google Maps
Puwede kang magdagdag ng media gaya ng mga larawan at video ng mga kawili-wiling lugar, gaya ng mga negosyo o parke. Hindi ka puwedeng magdagdag ng media sa:
- Mga Address
- Mga Coordinate
- Mga pribadong tirahan
- Mga geographical na lugar
Tip: Para magbigay ng proteksyon laban sa mga pagtatangkang mang-abuso, may mga paghihigpit sa pag-post ang ilang kawili-wiling lugar. Matuto pa tungkol sa Mga Paghihigpit sa Pag-post.
Magdagdag ng mga larawan o video mula sa page ng isang lugar
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Maghanap ng lugar.
- Pagkatapos mong pumili ng lugar, mag-scroll pababa.
- I-click ang Magdagdag ng mga larawan at video
Google Photos.
- Piliin ang mga larawan o video na gusto mong i-upload.
- I-click ang Piliin.
Mga Tip:
- Puwede kang magdagdag ng mga larawan at video para sa mga kawili-wiling lugar, tulad ng mga negosyo o parke.
- Puwede ka lang mag-upload ng mga video mula sa tab ng Google Photos.
Magdagdag ng mga larawan o video mula sa “Ang iyong mga kontribusyon”
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu
Ang iyong mga kontribusyon.
- Sa ilalim ng tab na “Mag-ambag,” i-click ang Idagdag ang iyong mga larawan sa Maps. Makukuha mo lang ang opsyong ito kung kumuha ka ng mga larawan o video sa iyong telepono at mahanap namin ang kanilang lokasyon.
- Para mag-post ng larawan o video: I-click ang isa o higit pang larawano video.
- Para mag-edit ng lokasyon ng larawan o video: I-click ang pangalan ng lugar, pagkatapos ay pumili ng ibang lugar.
- Sa itaas, i-click ang I-post
.
Tip: Siguraduhing na-on mo ang Timeline.
Hanapin ang iyong mga larawan o video
Para mahanap ang mga larawan o video na ibinahagi mo sa Google Maps:
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu
Ang iyong mga kontribusyon.
- Piliin ang Mga Larawan.
Tip: Makikita ng ibang tao na gumagamit ng Google Maps ang iyong mga larawan, video, at review sa “Iyong mga kontribusyon.” Mayroong link sa “Iyong mga kontribusyon” sa lahat ng review at larawan o video na isinumite mo.
Magbahagi ng mga larawan at video
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu
Ang iyong mga kontribusyon.
- Piliin ang Mga Larawan.
- Hanapin ang larawan o video na gusto mong ibahagi.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa
Ibahagi.
Mag-delete ng mga larawan o video
Ang mga larawan o video na idinagdag mo sa Google Search ay puwedeng i-delete sa Google Maps.
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu
Ang iyong mga kontribusyon.
- I-click ang tab na "Mga Larawan" para tingnan ang iyong mga iniambag na larawan o video.
- Para mag-delete ng larawan o video, i-click ang Higit pa
I-delete ang larawang ito.
Kung magde-delete ka ng mga larawan o video sa Google Maps, aalisin din ang mga iyon sa Google Search. Ang mga larawan at video na ide-delete mo sa Google Maps ay hindi inaalis sa:
- Gallery sa iyong telepono o tablet
- Google Photos, kung naka-on ang pag-back up at pag-sync
- Google Drive, kung naka-on ang pag-sync
Tip: Puwedeng tumagal nang ilang minuto ang pag-delete ng mga larawan o video. Kung hindi mag-a-update kaagad ang iyong mga pagbabago, isara ang "Iyong mga kontribusyon" at buksan ulit ito.
Magdagdag o mag-delete ng mga larawan o video sa Profile ng Negosyo
Kung isa kang na-verify na may-ari ng negosyo, puwede kang magdagdag o mag-delete ng mga larawan ng iyong negosyo
I-on o i-off ang pag-autoplay ng video
- I-tap ang icon ng profile
Mga Setting
Mga setting ng video.
- Para i-on o i-off ang autoplay, i-tap ang toggle.
Mag-ulat ng mga larawan o video sa Google Maps
Mahalaga: Para mapigilan ang mga lumalabag sa patakaran na gumamit ng Google Maps, mino-moderate namin ang content ng user. Susuriin at aalisin ang anumang paglabag na mahahanap namin. Matuto pa tungkol sa patakaran sa content na binuo ng user ng Google Maps.
Kung may makita kang kahit ano sa Google Maps na hindi naaangkop o hindi tumpak, puwede mo itong ipaalam sa amin.
- Maghanap ng lugar o i-click ito sa mapa.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang malaking larawan para buksan ang photo gallery.
- I-click ang larawan o video na gusto mong iulat.
- Sa kaliwang bahagi, i-click ang Higit pa
Mag-ulat ng problema.
Matuto pa tungkol sa Patakaran sa Content na Mula sa User ng Maps.