I-troubleshoot ang mga paulit-ulit na notification na "Nawala ang Signal ng GPS" sa Google Maps

Sa panahon ng navigation, sinusubaybayan ng Google Maps ang iyong lokasyon para magbigay ng mga direksyon sa bawat pagliko. Gayunpaman, puwede kang makatanggap ng mensaheng "Nawala ang Signal ng GPS" kung hindi matukoy nang tumpak ang iyong lokasyon.  Kung minsan, inaasahan ito, dahil hindi available ang mga signal ng GPS sa loob o sa underground. Gayunpaman, kung natatanggap mo ang mensaheng ito nang masyadong madalas, posible itong magpahiwatig ng problema, tulad ng paubos na baterya, o sira sa telepono o GPS unit.

Tip: Ipapakita lang ng Google Maps ang "Nawala ang Signal ng GPS" pagkatapos magkaroon ang iyong device ng pagkakataong makakuha ng signal ng GPS.

Tingnan kung partikular sa Google Maps ang problema

  • Subukang mag-install ng third-party na application para sa status ng GPS.
  • Kung hindi makakuha ng signal ng GPS ang iyong device kapag puno ang charge at nasa labas na may maaliwalas na langit, posibleng kailangan na nitong i-repair.
  • Inirerekomenda namin ang isang application para sa status ng GPS sa halip na ibang app sa pag-navigate, partikular na sa mga Android device, dahil posibleng may isa pang app sa pag-navigate na gumagamit ng mga signal ng lokasyon na hindi GPS.

Tip: Kung ipinapakita ng Google Maps ang iyong lokasyon kapag hindi ka nagna-navigate, hindi ibig sabihin nito na may signal ng GPS ang iyong telepono. Ang mga modernong telepono ay may ilang paraan para matukoy ang iyong lokasyon, pero kailangan ng Google Maps ng lokasyon ng GPS/GNSS para sa aktibong pag-navigate.

Alamin ang iba pang dahilan kung bakit nawawalan ka ng signal ng GPS.

  • Kung may mga itinakda kang pahintulot sa lokasyon para makuha lang ng Google Maps ang iyong lokasyon sa mga partikular na kundisyon, posible itong mag-ulat ng "Nawala ang Signal ng GPS" sa ibang panahon.
  • Ang ilang partikular na uri ng mga film ng bintana ng sasakayan na nagbabawas ng glare ay may metallic base na nagba-block sa mga signal ng GPS para hindi makarating sa iyong telepono sa loob ng sasakyan mo.
  • Ang ilang telepono ay may feature na pantipid ng baterya, na nag-o-off sa GPS kapag paubos na ang baterya.
    • Ginagawa lang ito ng ilang telepono sa mga partikular na sitwasyon, tulad ng kapag paubos na ang baterya at naka-off ang screen, o kapag nasa background ang Google Maps.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3784977973478910380
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false