Puwede kang makinig sa mga binibigkas na direksyon habang nagna-navigate papunta sa isang lugar. Matutunan kung paano ayusin ang mga problema sa voice navigation sa iyong mga mobile device.
Hakbang 1: I-on ang volume ng iyong device.
- Tiyaking naka-on at hindi naka-mute ang volume ng iyong telepono o tablet. Pagkatapos mong simulan ang navigation, taasan ang iyong volume.
Hakbang 2: Tiyaking naka-on ang voice navigation sa Maps app
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app .
- Simulan ang navigation.
- Sa kanang bahagi sa itaas, makikita mo ang Tunog . Kung hindi mo ito makita, i-tap ang I-mute Tunog . Magsisimula nang magsalita ang Google Maps.
Hakbang 3: Lakasan ang volume sa Maps app
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app .
- I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Mga Setting Mga setting ng navigation Antas ng boses.
- Piliin ang Mas Malakas.
Hakbang 4: Piliin kung aling mga speaker ang gagamitin
- Sa iyong telepono o tablet, i-on ang Bluetooth.
- Ipares ang iyong telepono o tablet sa kotse mo.
- Itakda sa Bluetooth ang source ng audio system ng iyong kotse.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app .
- I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Mga Setting Mga setting ng navigation.
- Pumili ng opsyon:
- Para makarinig ng navigation mula sa mga speaker ng iyong kotse, i-on ang I-play ang boses sa pamamagitan ng Bluetooth.
- Para makarinig ng navigation mula sa speaker ng iyong telepono o tablet, i-off ang I-play ang boses sa pamamagitan ng Bluetooth.
- Mga Paalala:
- Sa bersyon 9.13 at mas bago ng Google Maps para sa Android, puwede kang mag-play ng pansubok na tunog. Para mag-play ng pansubok na tunog, buksan ang Google Maps app iyong larawan sa profile o inisyal Mga Setting Mga setting ng navigation I-play ang pansubok na tunog. Maririnig mo ang "Ganito ang magiging tunog nito kapag nagna-navigate gamit ang Google Maps."
- Kung gusto mong i-charge ang iyong telepono o tablet, gumamit ng USB cable o power adapter na para lang sa pag-charge. Ikonekta ito sa isang outlet o lighter ng sigarilyo.
- Mga Paalala:
Hakbang 5: I-download ang mga binibigkas na direksyon
- Kung minsan, hindi naka-download o kailangang i-update ang mga binibigkas na direksyon sa iyong telepono o tablet. Sa ganitong sitwasyon, makakarinig ka ng chime sa halip na mga binibigkas na direksyon.
- Tiyaking nakakonekta ka sa internet. Kung malakas ang koneksyon mo sa internet, mas mabilis na mada-download ang mga binibigkas na direksyon.
- Kumuha ng mga direksyon.
- Gamitin ang Google Maps app gaya ng karaniwan mong ginagawa. Dina-download ang mga binibigkas na direksyon habang nakabukas ang Maps app.
- Kapag tapos na ang pag-download ng mga binibigkas na direksyon, makakarinig ka ng mga direksyon sa halip na mga chime kapag nagna-navigate patungo sa isang lugar.