Gumamit ng mga eco-friendly na ruta sa iyong Google Maps app

Mahalaga: Available lang ang mga feature na ito sa mga piling bansa o rehiyon.

Matatantya ng Google Maps tipid sa paggamit ng gasolina o enerhiya para sa iba't ibang uri ng sasakyan, kasama ang mga electric at combustion engine na kotse, pati na rin mga gas-powered na motorsiklo. Kapag mas matipid sa gasolina o enerhiya ang ruta, mas mababa ang konsumo ng gasolina o enerhiya at mga CO2 emission ng sasakyan mo.

Para matukoy ang pinakamagandang ruta, kung naka-on ang feature na ito, isasaalang-alan ng Maps ang tipid sa paggamit ng gasolina bukod pa sa mga salik na gaya ng:

  • Real-time na trapiko
  • Kasimplehan ng ruta
  • Mga kundisyon ng kalsada

Batay sa mga ito, bukod sa pinakamabilis na ruta, palaging iha-highlight ng Maps ang pinakamagandang ruta, kung maraming ruta papunta sa destinasyon mo.

Kung naka-off ang feature na ito, makukuha mo ang pinakamabilis na ruta at hindi isasaalang-alang ng Google Maps ang tipid sa paggamit ng gasolina o enerhiya para sa mga rekomendasyon sa ruta. Gayunpaman, batay sa uri ng makina mo, iha-highlight nito ang rutang pinakatipid sa paggamit ng gasolina o kuryente sa mga pagpipilian sa pamamagitan ng berdeng dahon.

I-on o i-off ang mga eco-friendly na ruta

Mahalaga: Hindi kasama sa mga energy efficient na ruta para sa mga EV ang mga paghinto para mag-charge.

  1. Sa iyong mobile device, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng navigation.
  3. Mag-scroll papunta sa Mga opsyon sa ruta.
  4. I-on o i-off ang Piliin ang mga rutang mas nakakatipid sa gasolina.

Piliin ang uri ng makina mo sa Google Maps app

Mahalaga: Nalalapat lang ang setting na ito sa mga kotse. Para sa mga motorsiklo, ipapagpalagay ng Google Maps na mayroon kang gas-powered na motorsiklo.

  1. Sa iyong mobile device, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng navigation.
  3. Mag-scroll papunta sa Mga opsyon sa ruta.
  4. I-tap ang Uri ng makina.
  5. Batay sa sasakyang gamit mo, piliin ang uri ng iyong makina.
    • Sasakyang may internal combustion engine: Piliin ang Gas o Diesel.
    • Sasakyang gumagamit ng Natural Gas (CNG) o Liquefied Petroleum Gas (LPG): Piliin ang Gas.
    • Hybrid o plug-in hybrid na mas pinapatakbo ng gasolina: Piliin ang Hybrid.
    • EV o plug-in hybrid na mas pinapatakbo ng kuryente: Piliin ang Electric.
  6. I-tap ang Tapos na.

Puwedeng mag-iba ang rutang pinakatipid sa gasolina o kuryente batay sa uri ng makina. Halimbawa, kadalasang pinakamalaki ang nauugnay na bentahe sa ekonomiya ng gasolina ng mga sasakyang pinapatakbo ng diesel sa pagmamaneho sa highway. Kadalasang mas matipid ang mga hybrid at electric vehicle sa stop-and-go na pagmamaneho sa lungsod at pagmamaneho sa maburol na lugar kung saan mas makikinabang ang mga ito sa regenerative na pagpepreno.

Kung hindi ka pipili ng uri ng makina, ang gasolina o petrolyo ang magiging default na opsyon dahil ito ang pinakakaraniwang uri ng makina sa karamihan ng mga bansa. Para sa mga motorsiklo, mga uri ng makinang gumagamit ng gas lang ang kasalukuyang sinusuportahan.

Baguhin ang iyong mga setting ng eco-friendly na pagruruta kapag nakakuha ka na ng mga direksyon sa pagmamaneho

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Higit pa at pagkatapos ay Mga Opsyon.
  2. I-on o i-off ang Piliin ang mga rutang mas nakakatipid sa gasolina.
  3. I-tap ang makinang pinakamalapit na tumutugma sa iyong mga pangangailangan.
  4. I-tap ang Tapos na.

Kalkulasyon ng Google Maps sa tipid sa paggamit ng gasolina at kuryente

Tinatantya namin ang tipid sa paggamit ng kuryente at gasolina batay sa mga insight mula sa National Renewable Energy Laboratory ng US Department of Energy at data mula sa European Environment Agency. Kasama sa kalkulasyong ito ang mga salik na nakakaapekto sa iyong paggamit ng gasolina at enerhiya at mga CO2 emission, tulad ng:

  • Average na konsumo ng gasolina o kuryente para sa mga sasakyan sa iyong rehiyon
  • Pagiging matarik ng mga burol sa iyong ruta
  • Mga pattern ng stop-and-go na trapiko
  • Mga uri ng mga kalsada, tulad ng mga lokal na kalsada o highway

Inirerekomenda ng Maps ang rutang pinakatipid sa paggamit ng gasolina o kuryente kapag ang oras ng pagdating ay halos kapareho lang ng sa pinakamabilis na ruta. Sa mga sitwasyon kung saan masyadong maliit ang matitipid sa gasolina o kuryente o masyado nitong mapapahaba ang oras ng pagmamaneho, magpapakita ang Maps ng mga nauugnay na impormasyon tungkol sa matitipid na gasolina o kuryente sa pagitan ng mga ruta para matulungan kang magkumpara.

Matuto pa tungkol sa teknolohiya ng eco-friendly na pagruruta.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11418039439489042195
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false