Pamahalaan ang iyong pamilya sa Google

Bilang manager ng pamilya, puwede kang mag-imbita ng hanggang 5 tao para sumali sa iyong grupo ng pamilya. Puwede ka ring mag-alis ng mga tao sa iyong grupo ng pamilya, o puwede mong i-delete ang grupo ng pamilya.

Magdagdag ng mga miyembro ng pamilya

Puwede kang magdagdag ng mga miyembro ng pamilya na:

  • Nakatira sa bansa kung saan ka nakatira.
  • May edad na hindi bababa sa 13 taon (o sa naaangkop na edad sa iyong bansa). Puwede lang idagdag ang mga batang wala pang 13 taong gulang kung manager ng pamilya ang gumawa sa kanilang Gmail account.
Tip: Kapag may sumali sa iyong grupo ng pamilya, makakatanggap ka ng notification sa email.
Play Store app
  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Pamilya at pagkatapos ay Pamahalaan ang mga miyembro ng pamilya.
  4. I-tap ang Mag-imbita ng mga miyembro ng pamilya at pagkatapos ay Ipadala.
Family Link app
Mahalaga: Posibleng limitado ang availability ng Family Link sa ilang bansa. I-download ang Family Link app.
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Family Link Family Link.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Pamahalaan ang pamilya at pagkatapos ay Magpadala ng mga imbitasyon.
Google One app

Magagawa ng sinuman sa isang grupo ng pamilya na bumili ng membership sa Google One at ibahagi ito sa kanyang buong pamilya, hanggang sa 6 na miyembro sa kabuuan, nang walang dagdag na bayad.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google One app Google One.
  2. Sa itaas, i-tap ang Menu at pagkatapos Mga Setting.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang mga setting ng pamilya.
  4. I-on ang Ibahagi ang Google One sa iyong pamilya. Para kumpirmahin, sa susunod na screen, i-tap ang Ibahagi.
  5. I-tap ang Pamahalaan ang grupo ng pamilya at pagkatapos Mag-imbita ng mga miyembro ng pamilya.
  6. Sundin ang mga tagubilin para tapusin ang pag-set up.
Google Assistant app
  1. Sa iyong Android phone o tablet, sabihin ang "Hey Google, buksan ang mga setting ng Assistant" o pumunta sa mga setting ng Assistant.
  2. I-tap ang Ikaw at pagkatapos ay Iyong mga tao at pagkatapos ay Magdagdag ng tao.
  3. Piliin ang contact na gusto mong idagdag.
  4. I-on ang Grupo ng pamilya.
  5. Kumpirmahin ang kanyang email address at i-tap ang Gamitin ang email na ito at pagkatapos ay I-save.

Mag-alis ng tao sa iyong grupo ng pamilya

Kung ikaw ang manager ng pamilya, puwede kang mag-alis ng mga tao sa iyong grupo ng pamilya sa ilang paraan.
Ang mangyayari kapag may inalis ka sa iyong grupo ng pamilya
  • Ang taong aalisin mo sa iyong grupo ng pamilya ay:
    • Magkakaroon ng kakayahang panatilihin ang kanyang Google Account at ang anumang content sa kanyang device na binili gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.
    • Hindi makakagawa ng mga bagong pagbili gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya, o hindi makaka-access ng anumang serbisyo na ginagamit ng iyong grupo ng pamilya.
    • Makakatanggap ng alerto sa email kapag inalis siya.
    • Mawawalan ng access sa anumang bagay na nasa iyong Family Library.
    • Mawawalan ng access sa iyong naka-share na storage kung may membership sa Google One ang pamilya mo. 
    • Mawawalan ng access sa mga karagdagang benepisyo ng miyembro at eksperto sa Google.
  • Kung ang taong aalisin mo ay:
    • May binili gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya at pinoproseso na ito: Sisingilin ka pa rin, pero puwede kang humiling ng refund para sa mga hindi gusto o hindi sinasadyang pagbili.
    • May idinagdag na content sa Family Library: Kung nag-set up ka ng Google Play Family Library, aalisin ang anumang content na idinagdag niya at mawawalan ng access ang iba pang miyembro ng pamilya sa content na iyon.
    • May edad na 13 taon pataas (o nasa naaangkop na edad sa iyong bansa), at pipiliin mo at ng iyong anak na pamahalaan ang kanyang account gamit ang Family Link: Hindi na susubaybayan ang kanyang Google Account at anumang device kapag inalis mo siya sa grupo ng pamilya.
Mag-alis ng sinusubaybayang bata sa iyong grupo ng pamilya

Para mag-alis ng sinusubaybayang bata sa grupo ng pamilya: 

Mobile o web browser

Mag-alis ng sinusubaybayang bata

  1. Pumunta sa g.co/YourFamily.
  2. Piliin ang batang gusto mong alisin.
  3. Piliin ang Impormasyon ng account at pagkatapos ay Alisin ang miyembro.
    • Posibleng kailanganin mong ilagay ang iyong password.
  4. Piliin ang Alisin.

Alisin ang ibang miyembro ng pamilya 

  1. Pumunta sa g.co/YourFamily.
  2. Piliin ang miyembro ng pamilya na gusto mong alisin.
  3. Piliin ang Alisin ang miyembro at pagkatapos ay Alisin.
Play Store app
  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Pamilya at pagkatapos ay Pamahalaan ang mga miyembro ng pamilya.
  4. I-tap ang pangalan ng miyembro ng iyong pamilya.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Alisin ang miyembro at pagkatapos ay Alisin.
Family Link app
Mahalaga: Posibleng limitado ang availability ng Family Link sa ilang bansa. I-download ang Family Link app.
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Pamahalaan ang pamilya.
  3. I-tap ang miyembro ng pamilya na gusto mong alisin at pagkatapos ay Alisin ang miyembro.
Google One app
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google One Google One.
  2. Sa itaas, i-tap ang Menu at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang pamilya at pagkatapos ay Pamahalaan ang grupo ng pamilya.
  4. I-tap ang miyembro ng pamilya na gusto mong alisin at pagkatapos ay Alisin ang miyembro.
Google Assistant app
  1. Sa iyong Android phone o tablet, sabihin ang "Hey Google, open Assistant settings (Ok Google, buksan ang mga setting ng Assistant)" o pumunta sa mga setting ng Assistant.
  2. I-tap ang Ikaw at pagkatapos ay Ang iyong mga tao.
  3. I-tap ang miyembro ng pamilya na gusto mong alisin.
  4. I-off ang Grupo ng pamilya.
  5. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang I-save.
  6. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

I-delete ang iyong grupo ng pamilya

Kung ikaw ang manager ng pamilya, puwede mong i-delete ang iyong grupo ng pamilya sa ilang paraan.
Ang mangyayari kapag na-delete mo ang iyong grupo ng pamilya
Mahalaga: Kapag na-delete mo ang isang grupo ng pamilya, hindi mo na ito mare-restore.
  • Mapapanatili ng lahat ng nasa sa iyong grupo ng pamilya ang kanilang mga Google Account at ang anumang content sa kanilang device na binili nila gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.
  • Kung may binili ang mga miyembro ng iyong pamilya gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya at pinoproseso na ito, sisingilin ka pa rin, pero puwede kang humiling ng refund para sa mga hindi gusto o hindi sinasadyang pagbili.
  • Kung nag-set up ka ng Google Play Family Library, ang lahat ng nasa iyong grupo ng pamilya ay mawawalan ng access sa content ng Family Library na idinagdag ng ibang miyembro ng pamilya.
  • Kung nag-subscribe ka sa isang plan ng pamilya gaya ng YouTube Music o Google One, mawawalan ng access ang iyong pamilya sa serbisyong iyon.
  • Kung magkakahati ang iyong pamilya sa isang membership sa Google One, mawawalan ng access ang pamilya mo sa naka-share na storage. 
    • Kung mauubusan ng storage ang mga miyembro ng iyong pamilya, mananatiling ligtas ang kanilang mga file pero hindi sila makakapag-store ng anumang bago. Alamin ang mangyayari kapag naubusan sila ng space.
    • Mawawalan ang lahat ng nasa iyong pamilya ng access sa mga karagdagang benepisyo ng miyembro at eksperto sa Google.
  • Kung ang isang miyembro ng pamilya ay 13 taong gulang pataas (o nasa naaangkop na edad sa iyong bansa), at pipiliin mong pamahalaan ang kanyang account gamit ang Family Link, hindi na susubaybayan ang kanyang Google Account at anumang device kapag inalis mo siya sa grupo ng pamilya.
  • Kung ide-delete mo ang iyong grupo ng pamilya, isang beses ka lang puwedeng gumawa ng o sumali sa ibang grupo ng pamilya sa susunod na 12 buwan.
I-delete ang iyong grupo ng pamilya na may sinusubaybayang bata
Para ma-delete mo ang isang grupo ng pamilya na may sinusubaybayang bata, kailangan mong i-delete ang kanyang Google Account kung siya ay wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa) at ginawa mo ang Google Account para sa kanya.
Mobile o web browser
  1. Pumunta sa g.co/YourFamily.
  2. Piliin ang Menu Menu at pagkatapos ay I-delete ang grupo ng pamilya.
Play Store app
  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Pamilya at pagkatapos ay Pamahalaan ang mga miyembro ng pamilya.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete ang grupo ng pamilya at pagkatapos ay I-delete.
Family Link app
Mahalaga: Posibleng limitado ang availability ng Family Link sa ilang bansa. I-download ang Family Link app.
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Pamahalaan ang pamilya.
  3. Sa "I-delete ang grupo ng pamilya," piliin ang I-delete ang grupo ng pamilya.
  4. Ilagay ang iyong password.
  5. I-tap ang I-delete.
Google One app
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google One Google One.
  2. Sa itaas, i-tap ang Menu at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang mga setting ng pamilya at pagkatapos ay Pamahalaan ang grupo ng paamilya.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete ang grupo ng pamilya at pagkatapos ay I-delete.

Mga kaugnay na resource

true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1374606983404448425
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false