Bumili ng higit pang storage ng Google

May libreng 15 GB na cloud storage ang iyong Google Account. Magagamit ang storage sa:
  • Google Drive
  • Gmail
  • Google Photos

Kumuha ng higit pang storage sa:

Tandaan: Kung para sa trabaho o paaralan ang account mo, hindi ka puwedeng bumili ng higit pang storage para sa iyong sarili. Kung kailangan mo ng higit pang storage, makipag-ugnayan sa taong nagbigay sa iyong account.

Mga subscription sa storage

  • Anumang oras, puwede mong gawing buwanan o taunang bayarin ang iyong plan ng storage.
  • Hindi nag-e-expire ang subscription sa Google One -- awtomatiko itong mare-renew maliban na lang kung babaguhin mo ang iyong mga setting.
  • Kapag lumipat ka sa ibang iskedyul ng pagbabayad, puwedeng abutin nang hanggang 24 na oras bago mailapat ang mga pagbabagong ito.
  • Bukod sa presyong retail, posibleng singilin ka rin ng mga lokal na buwis o bayarin. Puwedeng singilin ng mga lokal na entity ang mga rate na ito nang walang abiso mula sa Google. Presyong retail lang ang sinisingil ng Google, at hindi ito naniningil ng iba pang bayarin. Kung nakatira ka sa European Economic Area o Morocco, sisingilin ka ng Value-Added Tax (VAT) sa mga pagbili sa Google Play. Para sa mga pagbiling ito, puwede kang humingi ng invoice ng VAT o resibo.
  • Sa ilang bansa lang available ang pagbili ng storage ng Google. Maghanap ng mga bansa kung saan ka makakabili ng storage.
Makakakuha ka ng karagdagang storage para sa iyong mga produkto ng Google.

Kung may binabayaran ka nang plan sa Drive, awtomatiko kang maa-upgrade sa Google One nang libre. Matuto pa tungkol sa kung paano gumagana sa Google One ang iyong kasalukuyang storage.

Kung wala kang plan sa Drive, puwede kang maging miyembro ng Google One para makakuha ng higit pang storage, tulong mula sa mga eksperto, at mga karagdagang benepisyo ng miyembro.

I-upgrade ang iyong storage ng Google

Mahalaga: Tiyaking up to date ang iyong paraan ng pagbabayad bago mo i-upgrade ang storage mo.

Kapag nakapag-upgrade ka na, papalitan ng iyong membership sa Google One ang kasalukuyan mong plan ng storage ng Drive. Makakakuha ng higit pang storage space ang mga miyembro ng Google One, pati na rin ng mga eksklusibong benepisyo at pagbabahagi ng plan ng pamilya. Kung gusto mo ng higit pang storage space bilang miyembro ng Google One, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

Bumili ng storage sa pamamagitan ng Google One app

  1. Sa iyong iPhone o iPad, i-download ang Google One app.
  2. Tiyaking naka-sign in ka sa iyong Google account.
  3. Sa Google One app, sa ibaba, i-tap ang I-upgrade.
  4. Piliin ang pagpepresyo at petsa ng pagbabayad ng bago mong plan.
  5. Kumpirmahin ang iyong pagbabayad.

Mahalaga: Kung binili mo ang iyong membership sa Google One sa labas ng Google One iPhone app, posibleng hindi ka makakita ng opsyon sa pag-upgrade.

Bumili ng storage sa pamamagitan ng Google Drive app

Mahalaga: Tiyaking up to date ang iyong Google Drive app. Pagkatapos mag-update, puwedeng abutin nang ilang minuto bago lumabas ang binili mo. I-update ang iyong Google Drive app.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Drive app Drive.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Storage.
  3. I-tap ang Kumuha ng higit pang storage.
  4. Piliin ang bago mong limitasyon sa storage.
  5. Kumpirmahin ang iyong pagbabayad.
  6. I-tap ang Tapos na.

Matuto pa

Ayusin ang mga problema sa pagbili ng storage

Kapag bumili ka ng storage ng Google Drive gamit ang App Store, posibleng nakaranas ka ng problema, tulad ng:

  • Nag-expire na ang binili mo

  • Hindi ka makabili ng storage para sa higit sa isang Google Account

  • Hindi mo mahanap kung saan dapat bumili ng higit pang storage

Para maayos ang iyong problema:

  1. Kung hindi mo pa ito nagagawa, kanselahin ang iyong subscription sa Apple App Store Drive. Alamin kung paano baguhin ang iyong mga subscription sa Apple.

  2. Makipag-ugnayan sa Google Support para ma-credit para sa iyong pagbili sa Apple. Alamin kung paano makipag-ugnayan sa Google Support

  3. 3. Gumawa ng bagong subscription gamit ang Google Play o mula sa iyong computer.

Alamin ang tungkol sa pagpepresyo para sa Google One

Makakakuha ang mga miyembro ng Google One ng higit pang storage space, mga eksklusibong benepisyo, pagbabahagi ng plan ng pamilya, at higit pa. Alamin kung magkano ang Google One sa iyong lokasyon.

Tungkol sa mga Google One plan na iniaalok ng ibang kumpanya

Mahalaga: Kung iniaalok ng ibang kumpanya ang iyong Google One plan, kakailanganin mong direktang makipag-ugnayan sa kumpanyang iyon para i-upgrade, i-downgrade, o kanselahin ang iyong plan.

Mamahala ng Google One plan na iniaalok ng ibang kumpanya

Lumipat sa Google One plan sa site at app ng Google One

Kung binili mo ang iyong kasalukuyang plan sa ibang kumpanya, at gusto mo na lang ng plan na available lang bilhin sa site o app ng Google One, kailangan mong:

  1. Kanselahin ang kasalukuyan mong Google One plan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kumpanyang nagbenta sa iyo ng plan.
  2. Mag-subscribe sa isang Google One plan na available sa site at app ng Google One.

Kung mauubusan ka ng storage kapag nagkansela ka, kakailanganin mong mag-subscribe sa bagong plan kaagad para maiwasan ang mga abala sa mga serbisyo ng Google. Alamin ang mangyayari kapag lumampas ka sa iyong limitasyon sa storage.

Ayusin ang mga isyu sa pagbabayad

Para ayusin ang mga isyu sa pagbabayad, makipag-ugnayan sa kumpanyang nag-aalok sa iyo ng plan at tiyaking hindi pa nag-expire ang paraan ng pagbabayad mo at wasto ang mga detalye. Makakakita ka ng link sa mga setting ng Google One para makipag-ugnayan sa kumpanya.

Tandaan, hindi mo maa-update ang iyong paraan ng pagbabayad sa site o app ng Google One.

Mga isyu sa pagbabayad

Puwede itong mangyari kung nag-expire ang iyong paraan ng pagbabayad o hindi wasto o outdated ang mga detalye nito. Para ayusin ang mga isyu sa pagbabayad, makipag-ugnayan sa kumpanyang nag-aalok sa iyo ng Google One plan.

Access sa benepisyo

Kung may isyu sa pagbabayad, patuloy kang magkakaroon ng access sa iyong mga benepisyo sa Google One sa loob ng limitadong panahon. Kung hindi mo malulutas kaagad ang isyu, magtatapos ang Google One plan at magiging 15 GB ang limitasyon ng iyong storage. Kung lumampas ka sa halagang ito, makakaranas ka ng mga abala sa Gmail, Google Photos, Drive, at iba pang serbisyo ng Google. Alamin ang mangyayari kapag lumampas ka sa iyong limitasyon sa storage.

Maging mas produktibo sa Drive Enterprise

Kung gumagamit ka ng Drive kasama ng isang maliit na team sa iyong kumpanya pero kailangan mo ng higit pang storage, sumubok ng Drive Enterprise account. Para mag-sign up, gamitin ang email address ng iyong negosyo.

Sa Drive Enterprise account, makakakuha ka ng:

  • Espasyo sa shared drive na magagamit mo kasama ng iyong mga katrabaho
  • Mga app gaya ng Docs, Sheets, at Slides para tulungan kang mag-collaborate at mas mabilis na magtrabaho
  • Mga tool sa seguridad, privacy, at pagsunod
  • Parehong mga feature na pang-administrator na kasama ng G Suite para tulungan kang pamahalaan ang iyong negosyo
  • Machine-learning functionality na makakatulong sa iyo na mabilis na makita ang hinahanap mo

Handa ka na bang magsimula?

Tandaan: Puwede kang mag-sign up para sa libreng trial para sa maximum na 10 user.

Para matuto pa tungkol sa mga app, tool, at pagpepresyo para sa Drive Enterprise, tingnan ang website na ito.

Gamitin ang Google One sa Workspace Individual

May kasamang 1 TB na storage ang iyong Workspace Individual plan. Puwede kang bumili ng higit pang storage sa Google One. Matuto tungkol sa Workspace Individual.

Kung miyembro ka ng isang Google One plan:
  • Ang storage ng iyong Google One plan ay iba pa sa storage ng Workspace Individual mo.
  • Walang magbabago sa iyong subscription sa Google One o sa Plan ng Pamilya at Pagbabahagi ng Membership.
  • Mananatili kang naka-enroll maliban na lang kung pipiliin mong magkansela. 

Hindi lumalaki ang storage space pagkatapos ng pag-upgrade

Baka abutin nang hanggang 24 na oras bago maging available ang bago mong storage pagkatapos mong bumili ng bagong plan ng storage.

Kung hindi pa rin waston ang iyong storage pagkalipas ng 24 na oras, mag-sign in sa iyong Google Account para makita kung naging matagumpay ang pagbabayad

Kung matagumpay ang iyong pagbabayad, lumipas na ang 24 na oras mula noong nag-upgrade ka, at hindi pa rin wasto ang iyong storage, subukan ang mga hakbang na ito sa pag-troubleshoot.

Kung may singil sa iyong card sa pagbabayad, pero hindi ka nakakita ng pagbabayad sa Google Account mo, tingnan kung naka-sign in ka sa maraming Google Account. Kung sa marami ka naka-sign in, posibleng sa ibang account nabili ang Google One. Puwede mong kanselahin ang pagbili sa account na iyon at bilhin ulit ang Google One sa gustong account. Alamin kung paano magkansela ng mga pagbili sa Google One.

Lumipat sa plan na may mas maliit na storage

Kung hindi mo gagamitin ang lahat ng space na mayroon ka ngayon, o gusto mong magbayad nang mas mura para sa storage ng Google, i-downgrade o kanselahin ang iyong plan ng storage.

Baguhin ang membership sa Google One sa pamamagitan ng Pixel Pass
Puwedeng magpalit ng plan ng membership sa Google One ang mga subscriber ng Pixel Pass sa one.google.com. Kung gusto mo ng mas kaunti sa 200 GB na storage sa Google, kanselahin ang iyong subscription sa Pixel Pass at mag-sign up para sa hiwalay na membership sa Google One. Alamin kung paano Kanselahin ang iyong Pixel Pass plan.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13531473775463551160
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5044059
false
false