Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-stream ang video feed ng iyong Nest Camera sa TV gamit ang speaker o display

Tingnan ang mga feed ng live na video mula sa mga Nest camera, doorbell, o iba pang compatible na security camera gamit lang ang iyong boses. Halimbawa, sabihin ang "Ok Google, show me my backyard camera" gamit ang Google Nest speaker, display, o Chromecast voice remote.

Ang kailangan mo

  • Tugmang security camera
  • Google Nest o Home speaker o display
  • Chromecast o TV na may Chromecast built-in

Hakbang 1. I-set up ang iyong security camera

  • Kung mayroon kang Nest camera o doorbell, sundin ang mga tagubilin sa kahon at app.
  • Kung may iba ka pang tugmang camera, sundin ang mga hakbang na ibinigay ng gumawa sa device.

Tandaan: Puwedeng mag-stream ang Mga Nest Camera at Doorbell sa Chromecast na may Google TV o isang smart display screen. Alamin kung paano I-stream ang iyong security camera gamit ang display mo.

Hakbang 2. I-set up ang iyong device

Kung hindi mo pa nase-set up ang iyong Chromecast at speaker o display, sundin ang mga hakbang sa ibaba. Tiyaking ikokonekta mo ang mga device na ito sa Wi-Fi network kung saan nakakonekta ang iyong camera, at idaragdag mo ang mga ito sa iisang bahay sa Google Home app:

Hakbang 3. Idagdag ang iyong camera o doorbell sa Google Home app

Tandaan: Kung nag-set up ka ng Nest camera o doorbell, naidagdag na dapat ito sa Google Home app. Kung hindi mo makikita ang Nest camera o doorbell sa app, sapilitang isara ang app at buksan ito ulit.

Kung may iba ka pang tugmang camera, o kung hindi mo pa rin makita ang iyong Nest camera sa app, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong speaker o display. Para lumipat ng account, mag-tap ng ibang account o Magdagdag ng iba pang account.
  3. I-verify na ang ginagamit mo ay ang bahay kung saan mo idinagdag ang iyong Chromecast at speaker o display. Para lumipat ng bahay, i-tap ang expand more icon sa tabi ng pangalan ng bahay.
  4. I-tap ang Mga Device   Magdagdag   Gumagana sa Google Home Works with Google Home.
  5. Piliin ang manufacturer ng iyong camera sa listahan para tapusin ang pag-set up.

Hakbang 4. Gumamit ng mga command gamit ang boses para i-stream ang iyong security camera sa TV mo

Para gawin ito:

Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay:

Simulan ang stream

"Show [camera name] (Ipakita ang [pangalan ng camera])"

"What's on [camera name] (Ano'ng mayroon sa [pangalan ng camera]?)"

"[Camera name] on [Chromecast device name] ([Pangalan ng camera] sa [pangalan ng Chromecast device])"

"Play [camera name] on [Chromecast device name] (I-play ang [pangalan ng camera] sa [pangalan ng Chromecast device])"

"Show [camera name] on [Chromecast device name] (Ipakita ang [pangalan ng camera] sa [pangalan ng Chromecast device])"

Ihinto ang stream

"Stop [TV or Chromecast device name] (Ihinto ang [pangalan ng TV o Chromecast device])"

 
Para makatipid sa power, awtomatikong humihinto ang live na video stream:
  • Humihinto ang live na video mula sa mga de-bateryang Nest camera at doorbell pagkalipas ng 5 minuto.
  • Humihinto ang live na video mula sa mga wired na Nest camera at doorbell pagkalipas ng 12 oras.

Para simulan ulit ang live stream, ulitin ang iyong command gamit ang boses.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6515529294640598029
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false