Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Ayusin ang iyong Google Nest Wifi o Google Wifi network

May iba't ibang bagay na puwedeng magdulot ng mga problema sa network para sa iyong Google Nest Wifi o Google Wifi device. Kung hindi gumagana ang iyong Google Nest Wifi o Google Wifi network, hindi makakakonekta sa internet ang mga Wi-Fi device mo.

Sundin ang mga hakbang na ito sa pag-troubleshoot para ayusin ang:

Kung nakadiskonekta sa iyong Google Nest Wifi o Google Wifi ang iisang Wi-Fi device gaya ng telepono o computer, pero gumagana ang network mo, sumangguni sa artikulong Hindi makakonekta ang device sa aking Nest Wifi o Google Wifi network.

Hindi gumagana ang mga Nest Wifi o Google Wifi device

Hakbang 1. Suriin ang iyong mga cable at koneksyon

Kung minsan, puwedeng magdulot ng mga isyu sa koneksyon ang mga maluwag, nadiskonekta, o sirang cable.

  1. Tiyaking nakakonekta nang maayos ang ibinigay na Ethernet cable (dapat mag-click ang tab) sa iyong Google Nest Wifi router o sa WAN port ng pangunahing Google Wifi point . Dapat ay nakakonekta nang maayos ang kabilang dulo sa iyong modem.
  2. Tiyaking naka-on ang iyong modem at Wifi router at (mga) point at maayos ang lahat ng cable.
  3. Tiyaking nakakonekta ang iyong modem sa source ng internet, gaya ng cable, DSL, o linya ng Fiber provider mo na nasa iyong bahay.

Hakbang 2. I-restart ang iyong modem, router, at (mga) point

I-off at i-on ang iyong modem at mga Wifi device para maayos ang mga isyu sa koneksyon sa network mo. Para i-restart ang iyong device, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Hugutin sa saksakan ang lahat ng device mo sa network, kabilang ang iyong modem at anumang Google Nest Wifi o Google Wifi device. 
  2. Maghintay hanggang sa mag-off ang lahat ng ilaw sa mga device na hinugot mo sa saksakan. Kinukumpirma nito na wala nang power ang mga device.
  3. Isaksak ulit ang iyong modem lang.
  4. Maghintay hanggang ganap nang mag-on ang iyong modem at naka-on na ulit ang lahat ng indicator na ilaw nito. Karaniwan itong inaabot ng 2 minuto.
  5. Tiyaking maayos pa rin ang lahat ng Ethernet cable.
  6. Isaksak ulit ang iyong Google Nest Wifi router o pangunahing Google Wifi point at maghintay hanggang ganap nang mag-on ito. Inaabot ito ng humigit-kumulang 1 minuto.
  7. Isaksak ulit ang anumang karagdagang point o router.
  8. Isara at buksan ulit ang Google Home app.
  9. Magsagawa ng pagsusuri sa mesh para makumpirmang gumagana nang maayos ang iyong mga device.

Matuto pa tungkol sa ibig sabihin ng mga ilaw sa iyong Google Nest Wifi o Google Wifi device. 

Tandaan: Kung isang Wifi mesh point lang ang offline, suriin kung malapit ito sa iyong router o pangunahing Wifi point. Posibleng kailanganin mong ilipat ang point nang mas malapit sa iyong router o sa ibang mesh point.

Hakbang 3. Suriin ang iyong configuration

Kadalasan, hindi mo kailangang baguhin ang configuration ng iyong network dahil ginagamit ng Google Nest Wifi at Google Wifi ang DHCP, isang karaniwang protocol ng koneksyon sa internet, bilang default.

Posibleng kailanganin mong i-adjust ang mga setting ng WAN sa Google Home app:

Mga user ng DSL at Fiber internet

Posibleng kailanganin mong maglagay ng pangalan at password ng account sa PPPoE bago payagan ng modem ang Nest Wifi router o pangunahing Wifi point na ma-access ang internet. Magagawa mo ito sa mga setting ng WAN ng Google Home app.

Kung hindi mo alam ang impormasyon ng iyong PPPoE, makipag-ugnayan sa ISP mo. Nagkakaproblema ka ba? Alamin kung paano ayusin ang mga isyu sa PPPoE sa panahon ng pag-set up.

Static IP

Kung makatanggap ka ng static IP mula sa iyong ISP, ilagay ang impormasyon ng static IP mo sa mga setting ng WAN ng Google Home app. Maibibigay dapat ng iyong ISP ang impormasyong ito.

Hakbang 4. Tawagan ang iyong Internet Service Provider (ISP)

Kung patuloy kang nagkakaroon ng mga isyu sa koneksyon at hindi makapag-online, makipag-ugnayan sa iyong ISP. Narito ang puwedeng itanong sa iyong ISP:

  • Nawalan ba ng serbisyo sa internet sa aking lugar?
  • Nagbago ba ang mga setting ng internet (may bagong static IP o username o password sa PPPoE)?
  • May iba pa bang nagbago sa serbisyo sa network?

Hakbang 5. I-factory reset ang iyong mga Wifi device

Kung magkakaproblema ka pa rin sa koneksyon, i-factory reset ang iyong mga Wifi device. Hintaying ipahiwatig ng ilaw na puwede nang i-set up ang iyong device, pagkatapos ay i-set up ulit ang Google Nest Wifi o Google Wifi .

Hakbang 6. Makipag-ugnayan sa suporta

Para sa karagdagang tulong, makipag-ugnayan sa amin.

Hindi gumagana ang mesh point o karagdagang router

Kung naa-access mo ang internet sa kahit isang Wifi router o point, sundin ang mga hakbang na ito para maging online na ulit ang iyong iba pang device.

Mag-ayos ng offline na mesh Wifi point o karagdagang router

  1. Tiyaking naka-on ang anumang offline na Wifi device at maayos ang lahat ng cable. Kung naka-hardwire ang iyong device, suriin kung ang nakakonekta nang tama ang iyong mga Ethernet cable sa ibang Wifi point o switch. Matuto pa tungkol sa kung paano mag-set up ng mga naka-hardwire na device
  2. Hugutin sa saksakan ang offline na Wifi device at isaksak ito ulit.
  3. Buksan ang Google Home app  at pagkatapos ay i-tap ang Mga Paborito  o Mga Device  at pagkatapos ay pindutin nang matagal ang tile ng iyong device at pagkatapos ay Mga Setting  at pagkatapos ay Higit pa More menu at pagkatapos ay I-reboot.
  4. Magsagawa ng pagsusuri sa mesh para makumpirmang gumagana nang maayos ang iyong mga device.
  5. Tingnan kung ang iyong mga point ay malapit sa router o pangunahing Wifi point mo. Posibleng kailanganin mong ilipat ang point nang mas malapit sa iyong router o sa ibang mesh point.
  6. Magpatakbo ulit ng pagsusuri sa mesh.
  7. I-factory reset ang iyong offline na device, maghintay hanggang sa isaad ng ilaw na handa nang i-set up ang device mo, pagkatapos ay idagdag ulit ang iyong Google Nest Wifi point o karagdagang router o Google Wifi point.
  8. Para sa karagdagang tulong, makipag-ugnayan sa suporta.

Lumalabas na offline ang mga device sa Google Home app

Kung nagpapakita ng offline na status ang iyong Wifi device sa Google Home app habang nakakonekta pa sa internet, sundin ang mga hakbang na ito para ayusin ito.

I-disable ang Internet Protocol version 6 (IPv6)

I-disable ang IPv6 sa Google Home app:
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Wifi coin  at pagkatapos ay Mga Setting Mga Setting
  3. Mag-scroll pababa at i-tap ang Advanced na networking.
  4. Mag-scroll pababa sa IPv6.
  5. I-toggle sa off ang switch Toggle button off.

I-restart ang iyong device sa power cable

  1. Bunutin ang power cable sa iyong Wifi device.
  2. Maghintay ng 10 hanggang 20 segundo para ganap itong ma-off.
  3. Isaksak ulit ang power cable sa iyong Wifi device.
  4. Maghintay ng 1 hanggang 2 minuto para ganap itong ma-on.

Mga kaugnay na artikulo

Bridge mode
Baguhin ang iyong DNS server
I-disable ang Wi-Fi sa iyong modem/router combo
Mag-hardwire ng mga Google Nest Wifi router, Google Wifi point, at iba pang device 
I-troubleshoot ang mabagal na internet sa Google Nest Wifi o Google Wifi
Ilang Google Nest o Google Wifi point ang kailangan ko?
Hindi makakonekta ang device sa aking Nest Wifi o Google Wifi network

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15153207008502822989
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false