Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-troubleshoot ang mga device na may Seamless na pag-set up

Kung hindi mo ma-set up ang iyong smart device para gumana sa Google Nest o Google Home speaker o display mo, subukan ang mga sumusunod na hakbang sa pag-troubleshoot:

Kung hindi mahanap ng Google Home app ang iyong smart device habang nagse-set up

Tandaan: Kung hindi lumalabas ang iyong Cync (C by GE) device sa panahon ng Seamless na pag-set up, i-set up muna ang device mo sa Cync (C by GE) app. Pagkatapos, sundin ang mga hakbang para magkonekta ng iba pang smart device sa Google Home app.

  1. Isara ang Google Home app.
  2. Siguraduhing nasa iyo ang pinakabagong bersyon ng Google Home app Google Home app.
  3. I-restart o bunutin sa saksakan ang iyong smart device. Hayaang naka-off ang device sa loob ng 10 segundo bago ito i-on ulit.
  4. Buksan ang Google Home appGoogle Home app. Maghintay nang 15 segundo bago i-set up ang iyong device. Nagbibigay ito sa iyong device ng oras para makilala ng app.

Mga karagdagang hakbang kung kinakailangan

Kung hindi mo ma-set up ang iyong 2.4 GHz na Wi-Fi device

Pinapayagan ng karamihan ng mga Wi-Fi router ang mga device sa parehong 2.4 GHz at 5 GHz na network na makipag-ugnayan sa isa't isa (pag-bridge). Gayunpaman, kung nagkakaproblema ka, baka kailangan mong baguhin ang mga setting ng iyong router o ikonekta ang mga device mo sa 2.4 GHz na band lang para i-set up at gamitin ang iyong smart device.

  • Posibleng pigilan ng iyong router o wireless extender ang mga smart device mo na makipag-ugnayan sa iba pang device sa iyong network gaya ng speaker o display mo. Para ayusin ito, kailangan mong i-disable ang AP (Access Point) isolation (kilala rin bilang “Client Isolation” o “Guest Mode”) sa iyong router. Sumangguni sa manual ng iyong router para alamin kung paano i-disable ang AP isolation.

  • Kung nagkakaproblema ka pa rin, subukang i-set up o baguhin ang iyong speaker o display sa 2.4 GHz na Wi-Fi network. Pagkatapos, ikonekta ang Wi-Fi sa iyong telepono sa parehong network at i-set up ang smart device mo sa Google Home app.

Kung hindi mo ma-scan ang QR code

Posibleng hilingin sa iyo ng mga Wi-Fi device na mag-scan ng QR code habang nagse-set up.

Kung hindi tumutugon ang iyong device

  1. Siguraduhing may kuryente ang saksakan. Tingnan kung naka-on ang iyong wall switch.
  2. I-off at i-on ang device. Puwedeng umabot nang hanggang isang minuto bago makakonekta ulit ang device sa Google Nest o Home device pagkatapos nitong magkakuryente.
  3. Subukan ang device sa ibang saksakan. Kung may ilaw ka, subukan mo rin ito sa ibang lamp o bokilya.
  4. Kung hindi gagana ang mga hakbang sa itaas, baka kailangan mong i-factory reset ang iyong smart device at i-set up ulit ang device.​

Kung makukuha mo ang mensahe ng error na “Nagkaproblema”

Kung hindi mo pa rin malutas ang isyu, magbahagi ng feedback tungkol sa mga speaker o display.

I-factory reset ang iyong mga device na na-enable ng Seamless na pag-set up

  1. Siguraduhing naka-on ang lahat ng iyong device.
  2. I-factory reset ang bawat isa sa iyong mga smart device. Tingnan ang website ng iyong manufacturer para sa mga tagubilin.
  3. Alisin ang (mga) smart device mula sa Google Home app.
    • Kapag nag-factory reset ka, hindi matatanggal ang iyong mga device sa Google Home app. Dapat mo itong hiwalay na gawin.  
I-reboot ang speaker o display na ginagamit mo para i-set up ang iyong mga device. Pagkatapos, i-set up ulit ang iyong mga smart device gamit ang Google Home app.

Higit pang resource

Posibleng may karagdagang impormasyon para sa pag-troubleshoot ng pag-set up ng iyong device ang gumawa ng device mo. Tingnan ang aming mga partner na site para sa tulong:

Para sa tulong na nauugnay sa pagdagdag ng iyong device sa Google Home app, makipag-ugnayan sa eksperto ng Google Nest.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2656042392729835427
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false