Para tulungan kang maabot ang mas maraming potensyal na customer, lalabas na ngayon ang mga ad mo sa content na tumutugma sa alinman sa mga paksa, placement, o keyword sa Display/Video/Search na tina-target mo Halimbawa, kung na-target mo ang “mga bisikleta” bilang paksa at “cycling” bilang keyword sa Display/Video/Search, ipapakita ang iyong mga ad sa content na tumutugma sa alinman sa mga ito.
Mapapansin mo ring mas pinasimple ang pag-target ayon sa konteksto sa iisang page sa Google Ads, kaya puwede mong pamahalaan ang lahat ng uri ng pag-target ng content (Mga Paksa, Placement, keyword sa Display/Video, at Pagbubukod) sa iisang view. Makikita ang bagong page sa seksyong “Content” sa ilalim ng Mga Campaign sa menu ng navigation sa kaliwa.
Isang paraan ng pag-target na puwede mong gamitin para pumili ng mga partikular na website, video, channel, app, at kategorya ng app na bahagi ng YouTube at Display Network kung saan mo gustong ipakita ang iyong mga ad. Hindi tulad ng ibang paraan ng pag-target, kung saan awtomatikong inilalagay para sa iyo ang mga ad mo sa mga site (gaya ng pag-target sa keyword o pag-target sa paksa), puwede mo mismong piliin ang mga placement.
- Opsyonal na feature ang pag-target sa placement na puwedeng makatulong sa iyong magkaroon ng higit pang kontrol sa mga website, video, channel, app, at kategorya ng app na puwedeng magpakita ng mga ad mo.
- Puwede kang magdagdag ng mga placement sa seksyong “Content” habang gumagawa ng bagong campaign, at puwede kang mag-edit ng mga kasalukuyang placement sa pamamagitan ng page na Content.
- Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maraming paraan ng pag-target ng content, ita-target ng iyong mga ad ang alinman sa piniling content sa ad group mo, at makakatulong ito sa iyong abutin ang mas malawak na audience.
- Puwede mong gamitin ang pag-target sa placement para magtalaga ng natatanging bid sa isang partikular na webpage. Kung maganda ang performance ng iyong ad kapag ipinapakita sa isang partikular na webpage, puwede mo itong idagdag bilang placement at puwede kang magtakda rito ng mas mataas na bid. Sa pamamagitan ng pagdaragdag sa placement gamit ang setting na “Baguhin ang pagsasaayos ng bid,” puwede mong pataasin pa ang iyong bid para lang sa partikular na placement na iyon.