Pagtulong sa mga user na makasunod sa Lei Geral de Proteção de Dados (LGPD)

Matagal nang binibigyang-priyoridad ng Google ang mga user sa lahat ng ginagawa nito. Bilang bahagi ng pangako namin sa mga user, hinding-hindi kami nagbebenta ng personal na impormasyon at nagbibigay kami sa mga user ng transparency at kontrol sa kanilang mga karanasan sa ad sa pamamagitan ng mga tool tulad ng Aking Account, Bakit Ipinapakita ang Ad na Ito, at I-mute ang Ad na Ito. Namumuhunan din kami sa mga programang tulad ng Coalition for Better Ads, Digital News Initiative, Google News Initiative, at ads.txt para suportahan ang isang maayos at sustainable na ecosystem ng mga ad at matulungang lumago ang mga publisher naming tulad mo. 

Ang Lei Geral de Proteção de Dados (LGPD) ay isang bagong batas sa privacy ng Brazil na nakatakdang mailapat sa ika-16 ng Agosto, 2020. Nalalapat ito sa pagpoproseso ng personal na data, kung saan posibleng may kasamang mga online na identifier, ng mga user na nasa Brazil. Nakatuon kami sa pagsuporta sa mga advertiser, publisher, at iba pang partner habang nagsisikap silang makasunod sa LGPD at makikipagtulungan kami sa kanila para maging maayos ang transition na ito hangga't posible. 

Magkatulad sa maraming konsepto ang LGPD at ang Pangkalahatang Regulasyon para sa Proteksyon ng Data (General Data Protection Regulation o GDPR) ng Europe at nagbibigay na ang aming mga produkto ng mga feature na magagamit ng mga customer para suportahan ang kanilang mga pagsisikap na makasunod sa LGPD, kasama na ang kakayahang maghatid ng mga hindi naka-personalize na ad sa mga user at magbigay ng iba pang pagpipilian tungkol sa pagpoproseso ng data batay sa heograpikong lokasyon ng isang user.

Nagbibigay ang artikulong ito ng mga karagdagang detalye tungkol sa kung paano kami makakatulong sa iyong pagsunod sa LGPD.

Mga update sa kontrata

Nag-alok na kami ng mga tuntunin sa pagprotekta ng data para sa GDPR at California Consumer Privacy Act. Ipinapakita ng mga tuntunin sa GDPR ang status ng Google bilang isang processor o controller. Ia-update namin ang mga kasalukuyang tuntuning iyon sa pagprotekta ng data para maglagay ng mga karagdagang tuntuning partikular sa LGPD, na ilalapat sa ika-16 ng Agosto, 2020. Ang status ng Google sa ilalim ng LGPD bilang isang controller o processor ay magiging kapareho ng status nito sa ilalim ng GDPR. Isasama ang mga tuntunin ng LGPD sa mga kasalukuyan naming tuntunin sa pagprotekta ng data, kaya walang kailangang gawin para tanggapin ang mga tuntunin ng LGPD kung bahagi na ng iyong kontrata ang mga kasalukuyang tuntunin sa pagprotekta ng data.

Mga pagbabago sa third-party na teknolohiya ng ad

Para sa mga impression na inihatid sa pamamagitan ng Google Ad Manager, AdSense, at AdMob

Para tulungan ang mga publisher sa Ad Manager, AdSense, at AdMob sa kanilang pagsunod sa LGPD, nagpapanatili kami ng listahan ng Mga Provider ng Teknolohiya ng Ad na:

  • Nagbahagi ng ilang partikular na impormasyon na kinakailangan ng LGPD.
  • Nagbigay ng link na nagpapaliwanag sa paggamit nila ng data na maibabahagi ng mga publisher sa kanilang mga user.
  • Sumang-ayong sumunod sa aming patakaran sa paggamit ng data.

Mula noong Agosto 13, 2020, pinaghigpitan ang paghahatid sa Ad Manager, AdSense, o AdMob sa hanay na ito ng mga certified na provider ng teknolohiya ng ad para sa anumang kahilingan sa ad na may IP na nakabase sa Brazil.

Ang pagbabagong ito ay nangangahulugang maghahatid lang ang mga Google Ads at Display & Video 360 campaign ng ad impression sa Brazil kung ang Provider ng Teknolohiya ng Ad na ginamit ng advertiser ay kasama sa aming listahan ng Mga Provider ng Teknolohiya ng Ad para sa Brazil. Puwedeng makipag-ugnayan sa Google ang sinumang provider na nakikipagtulungan sa advertiser para humingi ng certification para maisama sa listahan ng Mga Provider ng Teknolohiya ng Ad, kung hindi pa sila kasama.

Kung gumagamit ka ng mga produkto sa pag-advertise ng Google, hinihikayat ka naming mag-link sa Paano ginagamit ng Google ang impormasyon mula sa mga site o app na gumagamit sa aming mga serbisyo, (hal. mula sa iyong patakaran sa privacy) na nagpapaliwanag kung paano pinapamahalaan ng Google ang data sa aming mga produkto sa mga ad. Kapag ginawa iyon, mabibigyan ang mga user ng impormasyon tungkol sa mga paggamit ng Google sa personal na data nila, at makakatulong iyon sa pagsunod sa iyong mga obligasyon sa transparency.

Mga kontrol sa pangongolekta, pag-delete, at pagpapanatili ng data

Bukod pa sa mga na-update na tuntunin ng LGPD, pinaplano naming mag-alok ng mga kontrol sa produkto para tulungan ang aming customer sa kanilang pagsunod sa LGPD. Puwede kang sumangguni sa ibaba para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga nauugnay na feature ng produkto para makatulong sa iyong pagsunod sa LGPD. Kung naniniwala kang baka nasasaklawan ka ng LGPD, inirerekomenda naming makipagtulungan ka sa iyong mga legal na tagapayo para suriin kung may kinakailangang anumang pagbabago.

Mga listahan ng audience sa Google Ads

Mga Audience ng Customer Match: Hindi namin pinapanatili ang mga file ng data na na-upload ng mga advertiser nang mas matagal kaysa sa kinakailangan para makagawa ng mga audience ng Customer Match at matiyak ang pagsunod sa aming mga patakaran (tingnan ang Paano ginagamit ng Google ang data ng Customer Match). Kapag nakumpleto na ang mga prosesong iyon, kaagad naming ide-delete ang mga file ng data na na-upload sa user interface o API. Para sa impormasyon tungkol sa kung paano mag-update o magpalit ng dati nang audience ng Customer Match, tingnan ang I-update ang iyong listahan ng customer.

Remarketing gamit ang mga tag ng Google Ads o Floodlight: Kinokontrol ng mga advertiser kung sino-sinong mga user ang idaragdag sa mga listahan ng remarketing at kung sino-sino ang hindi, pati na rin kung gaano katagal mananatili ang mga user sa listahan. Kung ginagamit mo ang tag ng Google Ads o Floodlight (sa Google Marketing Platform) para sa remarketing, maraming paraan para matiyak mong hindi aktibo ang tag para sa mga user na nagsaad na ayaw nilang makatanggap ng mga naka-personalize na ad. Inirerekomenda naming kumonsulta ka sa iyong webmaster tungkol sa mga posibleng solusyon, kabilang ang Google Tag Manager, o pangkalahatang tag ng site. Kung ginagamit mo ang tag ng Google Analytics para sa remarketing sa Google Ads, matuto pa sa seksyong data ng Google Analytics sa ibaba.

Data ng Google Analytics

Matagal nang nagbibigay ang Google Analytics ng mga feature at patakaran para matulungan kang pag-ingatan ang iyong data. Partikular dito, puwedeng makatulong ang mga sumusunod na feature habang sinusuri mo ang epekto ng LGPD para sa natatanging sitwasyon ng iyong kumpanya at pagpapatupad ng Analytics.

  • Pagpapanatili ng data: Gamitin ang mga kontrol sa Pagpapanatili ng Data para pamahalaan kung gaano katagal pananatilihin sa aming mga server ang iyong data ng user at event.
  • Mga User: Nagbibigay-daan sa iyo ang User Deletion API na pamahalaan ang pag-delete ng data na nauugnay sa mga identifier ng indibidwal na user (hal., mga bisita sa site) mula sa mga property mo sa Google Analytics at/o Analytics 360.
  • Mga property at account: Puwede ring i-delete ng mga customer ng Google Analytics ang data para sa kanilang mga property at/o i-delete ang data para sa kanilang mga account.
  • Remarketing: Kinokontrol ng mga advertiser kung sino-sinong mga user ang idaragdag sa mga listahan ng remarketing at kung sino-sino ang hindi. Kung gumagamit ka ng Google Analytics, matitiyak mong naka-disable ang mga feature ng pag-advertise para sa mga user na nagsaad na ayaw nilang makatanggap ng mga naka-personalize na ad. Para i-disable ang mga feature ng pag-advertise para sa mga user na iyon, kasama ang mga feature ng remarketing at pag-uulat sa pag-advertise, tingnan ang I-disable ang mga feature sa pag-advertise sa gabay sa Mga Feature sa Display.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false
false