Matuklasan sa mas maraming lugar gamit ang mga Discovery ad

Mayo 27, 2020

Nagbago na ang paraan ng pamimili at pagtuklas ng mga bagong brand ng mga tao: ang mga naka-personalize na feed gaya ng balita, video, at social ay mayroon na ngayong mahalagang tungkulin sa pagtulong sa mga tao na makahanap ng inspirasyon sa bawat hakbang ng consumer. Sa katunayan, 85% ng mga tao ang nagsasabing kumikilos sila sa loob ng 24 na oras pagkatapos nilang makatuklas ng produkto, gaya ng paghahambing ng mga presyo o pagbili.1 

Noong nakaraang taon, ipinakilala namin ang mga Discovery campaign para matulungan kang abutin ang mga consumer na ito sa mga sandaling bukas silang matuto tungkol sa mga bagong produkto at serbisyo. Mula Abril, available na ang mga Discovery ad sa lahat ng advertiser sa buong mundo.


Halimbawa ng Discovery ad sa YouTube, Discover, at Gmail

Hikayating kumilos ang mga audience na lubos na nakatuon

Nakakatulong sa iyo ang mga Discovery campaign na abutin ang hanggang 2.9 bilyong tao habang nagba-browse sila ng mga feed sa YouTube, tinitingnan nila ang mga tab na Mga Promosyon at Social sa Gmail, at nagso-scroll sila sa Discover para nagbasa tungkol sa mga paborito nilang paksa. Sa pamamagitan ng pagpapares ng napakalawak na abot na ito sa machine learning at natatanging pag-unawa sa intent ng Google, nagiging mas madali para sa mga brand na kumonekta sa mga bagong kwalipikadong customer nang malawakan.

Ang eyewear manufacturer na Brillen.de sa Europe ay naghahanap ng mga paraan para dumami ang mga appointment para sa mata mula sa mga dating bisita sa website noong huling bahagi ng 2019. Pagkatapos mag-remarketing sa mga nakatuong bisitang ito at gumamit ng pagpapalawak ng audience, nakakita ang brand ng 20% pagtaas sa cost-per-lead nito at 300% mas mataas na rate ng conversion para makadagdag sa mga resulta nila sa Display.

Sabi ni Dennis Wruck, Marketing Director sa pangunahing kumpanya na SuperVista AG, "Naging madaling palawakin nang mabilisan sa mga bagong audience ang abot namin sa social media gamit ang mga Discovery ad—nagdadala ng napakahusay na performance ang aming mga ad kasama ng Search at Display."

Pinakamahusay na kagawian: Gumamit ng Smart Bidding para i-optimize ang performance ng iyong mga Discovery ad. Halimbawa, kung ang layunin mo ay magdala ng mas maraming conversion, puwede mong gamitin ang diskarteng Pag-maximize ng mga conversion. Puwede mo ring gamitin ang Target na CPA na inirerekomenda batay sa performance ng iyong account para makamit ang mga layunin mo sa marketing. Para matuto pa tungkol sa pag-optimize ng mga Discovery ad, tingnan ang aming checklist ng pinakamahuhusay na kagawian.

Bigyang-inspirasyon ang mga consumer gamit ang bagong canvas

Gamit ang mga Discovery campaign, maipapakita mo ang iyong mga produkto o serbisyo gamit ang mga ad na maganda, totoo, at may kaugnayan. Kumonekta sa mga consumer at bigyan sila ng inspirasyong kumilos gamit ang isang larawan o carousel ng larawan–na makakatulong sa pagbabahagi ng natatanging kwento ng iyong brand habang nagsa-swipe ang mga tao sa bawat card.


Halimbawang Discovery ad na gumagamit ng carousel na maraming larawan

Madaling magsimula: Kung nagpapagana ka na ng mga media campaign para sa social o video, puwede mong gamitin ulit ang iyong mga may pinakamagandang kalidad na larawan at mensahe. Kapag live na ang iyong mga ad, hahanapin ng machine learning ng Google ang pinakamagandang kumbinasyon ng mga asset at ire-render nito ang mga iyon sa native na paraan sa bawat property sa Google.

Pinakamahusay na kagawian Pinakamahusay na Kagawian:  Mag-upload ng iba't ibang larawang may mataas na resolution sa mga inirerekomenda naming laki ng larawan: 1200x628 at 1200x1200. Matuto pa tungkol sa aming mga alituntunin sa creative sa Help Center ng Google Ads.

Mag-unlock ng mga insight tungkol sa iyong mga customer

Makakatulong din sa iyo ang mga Discovery campaign na matuto pa tungkol sa mga customer mo at malaman kung ano ang may dating sa kanila. Halimbawa, sabihin nating isa kang dealership ng sasakyan na nagpapatakbo ng espesyal na promosyon sa Tag-init. Gamit ang mga ulat sa antas ng asset, baka matuklasan mo na mas mahusay ang performance ng isang larawan ng asul na SUV ng iyong brand na nakikita mula sa gilid kaysa sa isang larawan ng parehong pulang SUV na nakikita mula sa harap. Puwede mong gamitin ang insight na ito para magsama ng mas marami pang larawan ng iyong asul na SUV na nangunguna sa performance sa lahat ng iba mo pang marketing campaign.


Pag-uulat sa antas ng asset para sa Discovery ad

Dagdag pa rito, makakatulong sa iyo ang mga ulat sa antas ng audience na maunawaan kung aling mga customer ang pinakamalamang na makipag-interact sa mga ad mo, pati na rin kung aling mga customer ang pinakamalamang na kumilos o bumili. Halimbawa, puwedeng alisin ng brand para sa pagpapaganda ng bahay na gumagamit ng mga in-market audience na “Real Estate” at “Bahay at Hardin” ang audience na "Real Estate" kung mas marami silang makikitang impression mula sa mga taong namimili ng mga tool para sa bahay at hardin.

Para sa karagdagang tulong sa paggawa ng iyong mga unang Discovery campaign, bisitahin ang Help Center ng Google Ads. At tiyaking tingnan ang buong checklist ng pinakamahuhusay na kagawian at i-download ang aming gabay sa creative para sa higit pang tip sa pag-maximize sa iyong performance.

Na-post ni Jerry Dischler, Vice President, Ads Platforms & Google Properties
 

 

 

1. Google / Ipsos Connect, Pag-aaral sa Discovery ng Consumer, U.S., Disyembre 2018, n sa 2,001 consumer sa US na edad 18-54 na nag-o-online nang kahit isang beses lang sa isang buwan.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8196586861755850893
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false