Mga Manager Account (MCC): Tungkol sa pag-link ng mga account sa iyong manager account – Isang panimula

Para simulan ang paggamit sa iyong manager account, kakailanganin mo itong i-link sa kasalukuyan o bagong Google Ads account, o sa isa pang manager account. Pagkatapos, puwede kang tumingin ng impormasyon sa maraming account at magpalipat-lipat sa lahat ng naka-link na account gamit lang ang iisang pag-log in.

Nagbibigay sa iyo ang artikulong ito ng background tungkol sa pag-link ng mga account sa manager account mo. Para sa mga tagubilin sa kung paano ito gawin, tingnan ang Mag-link ng mga account sa iyong mga manager account.

Paano ito gumagana

Makakatulong kung iisipin mo na parang isang puno ang isang manager account. Ang bawat top-level na manager account ay maaaring magsanga upang mamahala ng mga indibidwal na account o iba pang manager account. Pagkatapos, ang mga naturang manager account ay maaaring magsanga upang mamahala ng higit pang indibidwal na account o iba pang manager account, at iba pa.

Narito ang ilang limitasyong dapat tandaan:

  • Ang maximum na dami ng mga aktibong hindi manager account kung saan puwedeng ma-link ang manager account mo anumang oras ay nakadepende sa buwanang gastos ng iyong account sa nakalipas na 12 buwan. Matuto pa tungkol sa kung paano tinutukoy ang maximum na limitasyon ng account para sa iyong manager account.
  • Ang isang indibidwal na Google Ads account ay hindi maaaring direktang pamahalaan ng higit sa 5 manager account.
  • Ang isang manager account ay hindi puwedeng direktang pamahalaan ng higit sa 1 pang manager account.
  • Hindi puwedeng magkaroon ng mahigit sa 6 na level ang istruktura ng iyong account ng kliyente.
  • Hindi puwedeng i-link ang isang indibidwal na Google Ads Account sa mahigit sa isang manager account sa parehong hierarchy sa MCC.

Hierarchy ng manager account

Pag-link sa kasalukuyang indibidwal na Google Ads account

Kapag na-link mo ang iyong manager account sa kasalukuyang Google Ads account, hindi magbabago ang orihinal na account ng kliyente at mananatiling buo ang history ng account nito. Mula sa pananaw ng orihinal na user, pareho ang magiging hitsura ng account, at maa-access ito gamit ang parehong impormasyon sa pag-sign in gaya ng dati, na may parehong mga pahintulot. Halimbawa, patuloy na magkaka-access sa pagsingil ng account ang mga orihinal na user ng account ng kliyente, at hindi magbabago ang mga paraan ng pag-invoice at pagbabayad, maliban na lang kung pipiliin mong i-set up ang pinagsama-samang pagsingil.

Tandaan na kapag ni-link mo ang iyong manager account sa kasalukuyang Google Ads account, hindi ito magkakaroon ng pagmamay-aring may pang-administrator na access sa account ng kliyente bilang default. Kakailanganing i-on ang pagmamay-aring may pang-administrator na access para sa manager account sa account ng kliyente.

May opsyon ka ring gumawa ng mga bagong Google Ads account mula mismo sa iyong manager account. Awtomatikong naka-link ang mga account na ito sa iyong manager account, at puwede kang mag-imbita ng mga user sa account kung kinakailangan. Matuto pa tungkol sa paggawa ng mga bagong account mula sa iyong manager account.

Pag-link sa isang manager account

Magagawa mo ring mag-link ng isa pang manager account sa iyong manager account at pamahalaan ang account katulad ng pamamahala mo sa mga indibidwal na Google Ads account. Nagbibigay-daan din ito sa iyong mamahala at tumingin ng data para sa lahat ng Google Ads account na naka-link sa naturang manager account. Tulad ng nabanggit sa itaas, hindi puwedeng direktang pamahalaan ng mahigit sa 1 pang manager account ang isang manager account.

Kapag naka-link na ang iyong manager account sa isa pang manager account, ganito ang mangyayari sa mga user na may access sa manager account mo:

  • Kung ang iyong manager account ay nasa itaas ng iba pang manager account sa istruktura ng account (ibig sabihin, pinamamahalaan ng iyong account ang iba pang manager account), maaaring gumawa ng mga pagbabago sa iba pang manager account ang mga user na may access sa manager account mo.
  • Kung ang iyong manager account ay nasa ibaba ng iba pang manager account sa istruktura ng account (ibig sabihin, pinamamahalaan ng iyong account ng iba pang manager account), hindi makakagawa ng mga pagbabago sa iba pang manager account ang mga user na may access sa manager account mo.

Paggawa ng mga sub-manager para sa iyong manager account

Kapag na-link mo ang iyong manager account sa isa pang manager account, may kakayahan kang gawing manager para sa ilan sa mga account ng kliyente mo ang naka-link na account na iyon. Pagkatapos, magiging sub-manager ang naka-link na manager account na iyon sa iyong manager account. Tingnan ang halimbawa sa ibaba tungkol sa kung paano ka maaaring gumawa at gumamit ng mga sub-manager.

Halimbawa

Namamahala si Amy ng 5 account na naglalaman ng 2 account para sa mga direct sale at 3 account para sa mga channel sale. Gusto niyang pamahalaan ng kanyang kasosyo na si Bill ang mga account para sa channel sales. Upang magawa ito:

  1. Gumawa si Bill ng kanyang sariling manager account.
  2. Ini-link ni Amy sa kanyang sariling manager account ang bagong manager account ni Bill. Mayroon na ngayong sub-manager account si Bill na pinamamahalaan ng account ni Amy.
  3. Ginagawa ni Amy na manager account ni Bill ang manager para sa 3 account para sa channel sales.

May access na ngayon si Bill sa 3 account na kailangan niya, habang maaari pa ring tingnan ni Amy ang bawat isa sa mga account na iyon mula sa kanyang nangungunang antas na manager account.

Mga kaugnay na link

Page ng Paksa ng Mga Manager Account (MCC)

Pag-link ng Account

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Drive Revenue with Optiscore

Want to improve account health and drive business goals? Learn from industry & Google experts on how to drive revenue with the help of Optimization Score & Auto Apply Recommendations.

Register Now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8171179772515887674
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false