Paano mag-ayos ng Dsplay campaign sa Google Ads na hindi gumagana o may mababang trapiko

Paminsan-minsan, baka mapansin mong hindi nakakatanggap ang iyong mga Display campaign ng maraming impression gaya ng inaasahan mo, o hindi gaanong nagagastos ang nakatakdang pang-araw-araw na badyet ng mga ito. Sa artikulong ito, ibabalangkas namin ang mga karaniwang dahilan kung bakit posibleng hindi naihahatid ang iyong mga ad, at kung paano mo ito mato-troubleshoot gamit ang mga tool sa Google Ads.


Bago ka magsimula

Ano ang aasahan kapag naka-enable ang isang campaign

Kung na-enable mo kamakailan ang iyong Display campaign, puwedeng tumagal bago magsimulang maghatid ng mga impression ang iyong campaign. May ilang dahilan para dito:

  • Tumatagal nang 24-48 oras bago masuri ang mga kakagawa o kaka-edit na ad para matiyak na natutugunan ng mga ito ang lahat ng kinakailangan sa patakaran.
  • Para sa mga campaign na gumagamit ng mga naka-automate na strategy sa pag-bid, posibleng may mga pagbabago-bago sa performance o pagbabago sa paggastos dahil nag-o-optimize ang Google Ads para sa itinakda mong layunin.
  • Posibleng kailanganin ng Google Ads ng ilang panahon para ma-adjust ang paghahatid kung gumawa ka ng mga pagbabago sa mga setting ng iyong campaign.

Pumunta sa page ng mga audience sa iyong Google Ads account

Mga Rekomendasyon

Makakatulong ang mga rekomendasyon na ma-highlight ang mga pagkakataong mapahusay ang performance kapag hindi gumagana ang iyong Display campaign o kapag nakakakuha ito ng mababang trapiko. Halimbawa, puwede mong hanapin ang sumusunod na halimbawa ng mga uri ng rekomendasyon kapag tino-troubleshoot ang mga isyung ito.

Mga karaniwang uri ng rekomendasyon para maayos ang mga campaign na hindi gumagana:

  • Hindi nagsimula o natapos ang campaign
  • Gumawa o mag-unpause ng ad group
  • Naubos na ang badyet ng account
  • Hindi naaprubahan ang lahat ng ad

Mga karaniwang uri ng rekomendasyon para ayusin ang mababang trapiko:

  • Isaayos ang iyong mga target na CPA
  • Taasan ang iyong mga badyet

Pumunta sa page na Mga Rekomendasyon sa iyong Google Ads account

Gamitin ang mga diagnostic na insight para matukoy kung bakit hindi naghahatid ang iyong campaign

Hina-highlight ng mga diagnostic na insight ang mga isyu na posibleng naglilimita sa kakayahang maghatid ng iyong campaign. Nagbibigay rin ang mga diagnostic na insight ng mga rekomendasyon sa kung paano lutasin ang mga isyung ito. Matuto pa Tungkol sa mga diagnostic na insight

Halimbawa: Isang advertiser ang hindi pa nakakakuha ng anumang conversion o trapiko pagkatapos gumawa ng campaign. Gumamit siya ng mga diagnostic na insight para malaman na hindi naghahatid ang kanyang campaign dahil hindi naaprubahan ang mga asset niya, at tumingin siya ng rekomendasyon para ayusin ang mga hindi naaprubahang asset na ito.

Kung hindi pa rin nakakatanggap ng anumang impression ang iyong ad pagkatapos ng 2 business days, tingnan ang mga karaniwang dahilang nakalista sa artikulong ito.


11 karaniwang dahilan kung bakit hindi gumagana o bakit nakakakuha ng mababang trapiko ang iyong mga Display ad

1. Mga isyu sa account

Kung nasuspinde ang iyong account, o kung may isyu sa pagsingil sa account mo, hindi mo mapapagana ang iyong mga ad hanggang sa malutas ang problema.

Matuto pa tungkol sa Mga isyu sa account.


2. Hindi aktibo o may mga isyu sa patakaran ang mga ad group, asset, o ad

Kahit na naka-enable ang iyong campaign, tiyaking mayroon kang mga aktibong ad group, asset, o ad sa campaign mo.

Matuto pa tungkol sa Hindi aktibo o may mga isyu sa patakaran ang mga ad group, asset, o ad.


3. Mga hanay ng petsa at mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos ng campaign

Nagpapakita sa iyo ang Google Ads ng data ng performance para sa hanay ng petsa na pipiliin mo.

Matuto pa tungkol sa Mga hanay ng petsa at mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos ng campaign.


4. Dynamics ng auction

Puwedeng makaapekto sa kakayahang maghatid ng iyong campaign ang iba pang advertiser na kasama rin sa mga auction na sinalihan mo.

Matuto pa tungkol sa Dynamics ng auction.


5. Mabababang target ng bid at mga layunin sa pag-optimize

Bagama't posibleng maghatid ng mga ad na may napakababang bid, malamang na hindi makapasok o manalo ang iyong campaign sa maraming auction at baka hindi magkaroon ang mga ad mo ng anumang impression.

Matuto pa tungkol sa Mabababang target ng bid at mga layunin sa pag-optimize.


6. Mababang badyet

Kapag mababa ang badyet mo, posibleng hindi maihatid ang iyong mga ad nang madalas habang tinitiyak ng Google Ads na hindi gumagastos ang campaign mo nang mahigit sa iyong limitasyon sa paggastos.

Matuto pa tungkol sa Mababang badyet.


7. Masyadong limitado ang Pag-target ng Display

Bagama't makakatulong sa iyo ang mga setting ng pag-target na mahanap ang tamang hanay ng mga user na pinakainteresado sa iyong negosyo, sa tuwing nagdaragdag ka ng pag-target o kung nagkakaroon ka ng isyu sa mga listahan ng remarketing mo, pinapaliit mo ang potensyal na abot ng iyong mga ad.

Matuto pa tungkol sa Masyadong limitado ang Pag-target ng Display.


8. Nag-o-overlap ang pag-target sa iba pang campaign o ad group

Baka mayroon kang maraming campaign o ad group sa iyong account na kwalipikadong pumasok sa mga nag-o-overlap na auction dahil sa magkakatulad na keyword o iba pang pag-target.

Matuto pa tungkol sa Nag-o-overlap ang pag-target sa iba pang campaign o ad group.


9. Pagsubaybay sa conversion

Kung gumagamit ang iyong campaign ng Naka-automate na pag-bid para mag-optimize para sa mga conversion, pero hindi ito nakakakuha ng sapat na data ng conversion o hindi naka-set up nang tama ang iyong pagsubaybay sa conversion, posibleng limitado ang paghahatid ng ad mo.

Matuto pa tungkol sa Pagsubaybay sa conversion.


10. Mababang sakop ng asset na creative at diversity (Kalidad ng Ad)

Kung nagpapagana ka ng campaign na batay sa asset, tulad ng Mga Tumutugong Display Ad, mahalagang matiyak na mayroon kang diverse na hanay ng mga creative sa lahat ng format ng ad.

Matuto pa tungkol sa Mababang sakop at diversity ng asset na creative (Kalidad ng Ad).


11. Na-disable, inalis, o binawi ang mga segment ng audience

Kung hindi aaprubahan ang alinman sa iyong mga segment ng audience ng data (dating tinatawag na "mga listahan ng remarketing"), makikita mong magiging “Naka-disable” ang status ng iyong mga segment ng data dahil sa paglabag sa patakaran sa Google Ads account mo, at makakatanggap ka ng email tungkol sa isyu.

Matuto pa tungkol sa Na-disable, inalis, o binawi ang mga segment ng audience.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1884389622765084705
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false