Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Kailangang sumunod ng lahat ng service provider at negosyong kumikilos sa ngalan ng mga provider—gaya ng mga ahensya at mga kumpanya sa pagbuo ng lead, aggregator, at pamamahala ng lead—sa mga sumusunod na patakaran kapag gamit ang anumang platform ng Local Services. Para sa lahat ng provider, nalalapat ang mga patakarang ito sa iyong mga empleyado, contractor (kabilang ang mga subcontractor), o iba pang manggagawang nagbibigay ng serbisyo sa mga tahanan, pinagtatrabahuhan, o iba pang ari-arian ng customer sa ngalan mo. Responsibilidad mong tiyaking sumusunod ang iyong mga empleyado sa mga patakarang ito. Para sa mga negosyong kumikilos sa ngalan ng mga provider, responsibilidad mong ibahagi ang mga patakarang ito sa iyong mga provider at sabihan silang sumunod dito.
Mga lokal na batas at regulasyon
Dapat kang sumunod sa lahat ng nalalapat na batas at regulasyon sa mga hurisdiksyon kung saan ka nagbibigay o nag-aalok ng mga serbisyo sa pamamagitan ng platform ng Local Services. Dapat kang sumunod sa lahat ng may kaugnayang kinakailangan sa paglilisensya, insurance, privacy, o iba pang kinakailangan ayon sa regulasyon, at ikaw lang ang may responsibilidad sa lahat ng bayad, paglilisensya, bayarin o pagsingil ayon sa regulasyon, insurance, o anumang nauugnay na gastusin at legal na tungkuling hinihingi sa iyo bilang isang service provider.
Mga paghihigpit sa edad
Ikaw, ang mga manggagawa mo, at ang bawat isa sa iyong mga customer ay dapat 18 taong gulang pataas.
Trabaho
Hindi puwedeng magbigay ng serbisyo (o tumulong sa iyong magbigay ng serbisyo) bilang bahagi ng platform ng Local Services ang mga empleyado ng Google at ang mga affiliate nito. Hindi mo puwedeng sabihin o palabasin sa kahit sino na empleyado ka ng Google o ng mga affiliate nito, o na nagtatrabaho ka sa Google o mga affiliate nito. Sa lahat ng pagkakataon, dapat mong tiyakin na ang bawat miyembro ng iyong team ay may tamang klasipikasyon at binabayaran nang tama ayon sa mga naaangkop na batas sa pagtatrabaho ng hurisdiksyon mo.
Mga kinakailangang paghahayag at iba pang tungkulin
Mga kinakailangang paghahayagAng iyong Mga Ad ng Local Services at ang impormasyong ibibigay mo sa Google kaugnay ng Local Services ay dapat tumpak, kumpleto, at hindi mapanlinlang. Kahit na hindi ka rin nagpapagana ng mga ad bilang advertiser, dapat mong sundin ang mga patakaran ng Google Ads sa lahat ng oras.
Halimbawa: Gaya ng ipinaliwanag sa patakarang sumasaklaw sa Pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa sarili, produkto, o serbisyo, kasama dapat ang lahat ng nalalapat na bayarin, surcharge, at buwis sa anumang presyong ipapakita mo sa mga customer sa platform ng Mga Ad ng Local Services.
Kapag hiniling, dapat mong ibigay sa Google at sa mga vendor nito (kasama ang partner sa pagsisiyasat ng background (sa U.S. at Canada lang), kung nalalapat sa iyo ang Mga Minimum na Kinakailangan ng Provider na inilalarawan sa ibaba) na may kasamang patunay ng paglilisensya, insurance, pag-bond, at mga kaugnay na kinakailangan. Puwedeng i-post ng Google sa publiko ang mga dokumentong ito sa platform ng Local Services. Kapag sumasagot sa mga tanong mula sa Google o mga vendor nito tungkol sa mga isyung may kinalaman sa paglilisensya o insurance, dapat kang magbigay ng totoo, tumpak, at kumpletong sagot.
Kung minsan, posibleng may mga tanong ang Google o mga vendor nito tungkol sa iyong mga dokumento at patakaran sa privacy. Para manatiling maganda ang iyong status sa Local Services, tiyaking tumugon nang mabilis at tumpak sa mga tanong na ito.
Iba pang tungkulinDapat mong panatilihin ang lahat ng kinakailangan at naaangkop na saklaw ng insurance at lisensya para sa mga uri ng serbisyong ibinibigay mo. Sasagutin mo ang lahat ng anumang follow-up na tanong mula sa Google at mga vendor nito (kasama ang mga tanong mula sa partner sa pagsisiyasat ng background, kung naaangkop) tungkol sa mga paksa at kaugnay na responsibilidad na ito.
Dapat mong protektahan ang privacy at mga legal na karapatan ng iyong mga customer. Ikaw lang ang may responsibilidad sa personal na data na kinokolekta mo kaugnay ng iyong mga serbisyo, at dapat kang sumunod sa lahat ng nauugnay na batas sa proteksyon ng data.
Mga ugnayan sa customer
Kapag nagbigay ka ng mga serbisyo, ang mga customer mo ay hindi mga customer ng Google. Hindi mo puwedeng sabihing nagtatrabaho ka sa Google, at hindi mo puwedeng iugnay ang Google sa anumang isyu sa serbisyo sa pagitan ninyo ng iyong mga customer. Kung magkakaroon ng di-pagkakasundo, puwedeng gamitin ng customer ang platform ng Local Services para maghanap ng alternatibong service provider, o puwedeng maghain ng kahilingan sa Garantiya ng Google ang customer, pero hindi kami tutulong sa paglutas sa anumang isyu sa pagitan ninyo ng customer mo.
Hindi magrerekomenda ang Google ng mga presyo o bayarin para sa mga serbisyo at hindi ito makikipagkasundo sa iyong mga customer tungkol sa mga presyo.
Ikaw lang ang may responsibilidad sa pagdedesisyon kung aling mga referral ang tatanggapin o tatanggihan mula sa Mga Ad ng Local Services.
Ikaw lang ang may responsibilidad para sa pagsasanay, pagtuturo, pagsubaybay, pagsusuri, at pagdidisiplina sa iyong mga tauhang nakikipag-ugnayan sa mga customer. Posibleng magresulta ang malala o paulit-ulit na negatibong feedback ng customer — o ang paulit-ulit na hindi pagtugon agad sa mga kahilingan ng customer — sa mas mababang placement, pagkawala ng opsyong makatanggap ng mga kahilingan para makapagmensahe, o sa ganap na hindi pagpapakita ng iyong ad o iba pang komersyal na content. Puwedeng suspindihin o wakasan ng Google ang iyong access sa program kapag may malubha o paulit-ulit na hindi angkop na pakikitungo sa mga customer — gaya ng invalid na aktibidad, kriminal na aktibidad, matinding pinsala sa property, pag-subcontract sa mga kumpanya o manggagawang hindi certified, o kaugnay na maling asal. Puwedeng ipakita ng Google ang iyong mga ad o iba pang komersyal na content sa aming platform para matulungan ang mga customer na mahanap ka. Ikaw na ang bahala sa iba pa.
Tandaan
Hindi idinidikta ng Google kung paano mo pipiliin ang iyong mga customer, kaya hindi mo puwedeng palabasing sinabi ng Google sa iyo kung aling mga request ang tatanggapin o tatanggihan. Mag-ingat na huwag palabasing naiimpluwensyahan ng Google ang pagpepresyo ng iyong mga serbisyo o kung paano isinasagawa ang mga serbisyong iyon.
Customer service
Sumagot
Mula sa oras na makatanggap ka ng tawag ng lead o na-book na serbisyo, responsibilidad mong sumagot kaagad kapag nakipag-ugnayan sa iyo ang mga customer para sa tanong, reklamo, o kapag kailangan nila ng resolusyon. Nalalapat ito bago ibigay, habang ibinibigay, at pagkatapos ibigay ang isang serbisyo. Mahalaga ang magandang komunikasyon sa customer para makatanggap ng matataas na rating at review. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoNarito ang ilang halimbawa ng hindi pagsagot na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika:
- Pagtangging lutasin ang di-pagkakasundo sa isang customer
- Pangangakong magbigay ng quote para sa isang trabaho pero hindi ito ginawa
- Pagsasabing tatawag ang iyong negosyo pero hindi naman nito ginagawa
- Hindi pagsagot sa karamihan ng mga tawag sa telepono kahit pa tinatawagan mo naman ang customer sa ibang pagkakataon
- Pagtangging ibigay ang impormasyon ng iyong insurance kapag nagkaroon ng pinsala
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, posibleng abisuhan ang mga provider sa pamamagitan ng email. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay posibleng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, malimitahan ang mga impression sa mga ad nila, o permanenteng maalisan ng mga ad nila.
Tuparin ang mga pangako
Kung mangangako kang magbigay ng serbisyo sa isang customer, tiyaking tutuparin ng iyong negosyo ang lahat ng kasunduan. Sumang-ayon lang na magsagawa ng mga serbisyong kaya mong ibigay at saklaw ng mga kinakailangan sa lisensya para maibigay mo ang serbisyo sa kasiya-siyang antas. Dumating nang nasa oras ayon sa napag-usapan. Kung sasang-ayon kang gawin ang serbisyo, tiyakin na ang negosyo mo ang tutupad sa pangakong iyon. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoSa bihirang sitwasyon kung saan magkakaroon ng emergency at hindi ka makakapunta sa iyong appointment sa customer, tiyaking ipaalam sa customer sa lalong madaling panahon.
Narito ang ilang halimbawa ng hindi pagtupad sa mga pangako na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Pagsasabing babalik ka para tapusin ang hindi nakumpletong trabaho pero hindi nakumpleto ang trabaho
- Pagtatakda ng appointment sa isang customer at pagdating nang huli nang isang oras
- Pagkansela ng trabaho nang maraming beses
- Pagsasabing darating ang iyong technician pero ibang tao ang ipapadala para gawin ang serbisyo
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay puwedeng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, o puwedeng permanenteng maalis ang mga ad nila.
Pagpepresyo at pagbabayad ng customer
Dapat ay tumpak, kumpleto, at hindi nakakapanlinlang ang impormasyon sa pagpepresyo na ibibigay mo sa mga customer. Hindi namin pinapayagan ang pagbibigay ng mababang pagtatantya ng presyo na lilinlang sa mga user na mag-book ng mga serbisyo at saka sila sisingilin ng mga rate na hindi pangkaraniwan ang taas kapag naibigay na ang serbisyo. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoMga pagtatantya ng presyo
Kapag nag-quote ka ng hanay ng presyo sa mga customer, hindi mo dapat taasan ang presyo kapag dumating ka na para gawin ang trabaho maliban na lang kung malaki ang pinagkaiba ng kailangang trabaho kaysa sa inilarawan ng customer noong ibinigay ang pagtatantya. Dapat ihayag ang mga singil sa diagnostics at bayarin sa pagbiyahe at dapat sabihin sa customer na kakailanganin niyang bayaran ang singil na iyon, may naibigay mang mga karagdagang serbisyo o wala. Ikaw ang may responsibilidad na magbayad ng presyo ng tawag ng lead sa Local Services at hindi mo puwedeng direktang ipasa ang gastos na iyon sa mga customer.
Mga resibo at pagbabayad
Dapat kang mag-alok ng mga opsyon sa pagbabayad, at hindi mo dapat sundan sa bahay o sa ATM ang isang consumer kung cash ang hiniling mo.
Dapat kang magbigay ng mga resibo sa isang customer kapag nakumpleto na ang isang trabaho at nakasaad dapat dito ang pangalan ng iyong kumpanya at nakalista ang mga ibinigay na serbisyo.
Palaging dapat munang magpadala ng mga bill sa isang customer at saka lang dapat ito ipadala sa isang collection agency pagkatapos nang masubukan ang lahat ng magagawa para makipag-ugnayan sa customer para sa bayad.
Mga Diskwento
Hindi puwedeng mag-alok ng mga diskwento kapalit ng positibong review ng customer.
Mga Halimbawa:
Narito ang ilang halimbawa ng pagpepresyo at pagsingil na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Pag-quote ng presyo sa telepono pero paniningil ng mas mataas na presyo pagdating para sa parehong trabaho
- Paniningil sa customer para sa trabahong hindi nakumpleto
- Pagsunod sa isang consumer sa bahay o sa ATM para sa cash
- Pagpapadala ng bill sa isang credit collector bago ito ipadala sa customer
- Paniningil sa customer para sa pagtawag sa iyo sa pamamagitan ng teleponong “pangnegosyo” mo
- Pagtangging magbigay ng resibo sa customer
- Paglalagay ng mas mababang presyo sa resibo kaysa sa totoong siningil
- Pag-aalok ng diskwento sa customer kapalit ng magandang review
- Paniningil ng mas mataas na presyo dahil Garantisado ng Google ang iyong negosyo
- Pagsasabing magbibigay ka ng isang partikular na halaga ng refund sa consumer pero hindi mo naman iyon ginawa
- Paglabag sa proseso ng mga claim sa insurance
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, posibleng abisuhan ang mga provider sa pamamagitan ng email. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay posibleng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, malimitahan ang mga impression sa mga ad nila, o permanenteng maalisan ng mga ad nila.
Kawalan ng kakayahan o pinsala
Dapat ay may karanasan at kwalipikado sa paggawa ng trabaho ang lahat ng propesyonal sa serbisyo. Kung makagawa ka ng pagkakamaling magdudulot ng pinsala sa ari-arian ng isang customer, ayusin kaagad ang pinsala o ibigay sa customer ang impormasyon ng iyong insurance para mabayaran siya para sa pinsala. Gumamit lang ng mga walang depekto at naaangkop na materyales sa paggawa ng trabaho. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoNarito ang ilang halimbawa ng kawalan ng kakayahan at pinsala na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Hindi sinasadyang pagpinsala sa ari-arian ng customer
- Hindi pagkumpleto ng karaniwang trabaho nang tama dahil sa kakulangan sa kaalaman o kahusayan
- Isang tao lang ang dumating para gumawa ng trabahong pandalawang tao
- Hindi nakumpleto ang trabaho pero siningil pa rin ang customer
- Pagpapalit ng mga piyesa pero hindi pa rin gumagana ang item dahil maling piyesa ang pinalitan
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay puwedeng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, o puwedeng permanenteng maalis ang mga ad nila.
Paglutas sa mga di-pagkakasundo ng mga customer
Responsibilidad mong subukang lutasin ang anumang hindi ninyo pagkakasundo ng customer. Dapat munang subukan ng sinumang customer na hindi kuntento sa mga serbisyo ng isang provider na lutasin ang hindi nila pagkakasundo ng provider bago maghain ng kahilingan sa Garantiya ng Google. Magbibigay ito sa iyo ng pagkakataong ayusin ang mga bagay-bagay sa customer. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoKung magkakaroon ng di-pagkakasundo, puwedeng gamitin ng customer ang platform ng Local Services para maghanap ng alternatibong service provider, o puwedeng maghain ng kahilingan sa Garantiya ng Google ang customer, pero hindi kami tutulong sa paglutas sa anumang isyu sa pagitan ninyo ng customer mo.
Mga Halimbawa:
Narito ang ilang halimbawa ng hindi paglutas sa mga di-pagkakasundo sa customer:
- Hindi pagsagot sa mga tawag, email, o text ng customer kapag nagrereklamo sila tungkol sa hindi kasiya-siyang serbisyo
- Pag-aalok na i-refund ang serbisyo pero pagtangging bayaran ang gastos sa pinsala o ibigay ang impormasyon ng iyong insurance para mabayaran ng danyos ang customer
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay puwedeng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, o puwedeng permanenteng maalis ang mga ad nila.
Kaligtasan
Kagaspangan ng pag-uugali, mga pagbabanta, pananakot, at panliligalig
Dapat mong pakitunguhan ang lahat nang may paggalang at dapat kang kumilos sa propesyonal na paraan sa bawat pakikipag-ugnayan. Hindi namin kinukunsinti ang kagaspangan ng pag-uugali, pangmamaliit o pangmamata, o mga mapamilit na taktika sa pagbebenta. Hindi ka dapat magbanta, gumamit ng mga mapanirang termino, mambastos ng isang tao, mang-stalk, manghamak o mangmaliit, manakot sa pisikal na paraan, manghimasok sa privacy, mag-udyok ng karahasan, maghayag ng personal na impormasyon, o manligalig sa iba pang paraan. Puwede naming isuplong sa tagapagpatupad ng batas ang mga banta ng pananakit at iba pang mapanganib na sitwasyon. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoNarito ang ilang halimbawa ng kabastusan, mga banta, pananakot, at panliligalig:
- Paulit-ulit na paghiling sa isang customer na baguhin o alisin ang isang review na isinulat niya
- Paghiling sa isang customer na sumulat sila ng review para sa iyo habang nasa lokasyon ka nila
- Sekswal na panliligalig o mga komentong mapanghusga sa kababaihan
- Pagpapadala ng text ng mga banta ng pisikal o sekswal na karahasan
- Pakikipag-usap sa customer support representative ng Google sa hindi naaangkop na paraan
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Hinding-hindi namin kinukunsinti ang mga banta, pananakot, at panliligalig. Depende sa lala ng paglabag, puwedeng permanenteng maalis ang mga ad ng mga provider.
Pisikal na pananakit
Hindi ka dapat tumulong sa pagsasagawa o magsagawa ng pisikal o seskwal na pag-atake, sekswal na pang-aabuso o hindi mo dapat ikulong ang isang tao, o hindi ka dapat makisangkot sa iba pang marahas na gawain. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoNarito ang isang halimbawa ng pisikal na pananakit:
- Sinasadyang pananakit sa sarili sa harap ng mga customer o pananakit sa ibang tao o mga alagang hayop
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider na nag-aabiso sa kanila na nasuspinde ang profile nila. Hinding-hindi namin kinukunsinti ang pisikal na pananakit. Puwedeng permanenteng maalis ang mga ad ng mga provider.
Mga ligtas na kapaligiran
Responsibilidad mong gumawa ng ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng pagtiyak na hindi malalagay sa alanganin ang kalusugan, kapakanan, o kaligtasan ng sinumang tao dahil sa iyong mga tool, produkto, at pagkilos. Hindi dapat magtrabaho ang mga provider habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak, ilegal na droga, matapang na gamot, o anupamang substance na humahantong sa bawas na kakayahan. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoNarito ang ilang halimbawa ng mga hindi ligtas na kapaligiran na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Pagtatrabaho habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak o ng mga ilegal na droga
- Pag-iiwan ng mga matalas o mapanganib na tool sa mga bata nang walang kasama
- Isang provider ng HVAC na iniwang napakalamig o napakainit ang bahay ng isang consumer sa puntong mapanganib na
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay puwedeng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, o puwedeng permanenteng maalis ang mga ad nila.
Pagnanakaw o bandalismo
Huwag kumuha ng anumang item na hindi mo pagmamay-ari o gumawa ng bandalismo sa ari-arian. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoNarito ang ilang halimbawa ng pagnanakaw at bandalismo na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Nakakita ng nakakalat na pera at itinago ito
- Paninira ng ari-arian nang sinasadya at hindi kinakailangan
- Hindi naihatid ng mga mover ang lahat ng inempakeng kahon
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Hinding-hindi namin kinukunsinti ang pagnanakaw o bandalismo. Puwedeng permanenteng maalis ang mga ad ng mga provider.
Spam, phishing, at invalid na aktibidad
Ang mga provider ay hindi dapat magpadala ng hindi hininging pampromosyon o komersyal na content, sumubok na magdala ng trapiko sa mga karagdagang website, o manloko ng isang tao para magbigay siya ng pera o personal na impormasyon. Huwag gumawa ng invalid na aktibidad sa credit card, invalid na aktibidad sa booking, o mangulimbat ng pera. Ipinagbabawal ang pagbibigay ng mga maling pahayag laban sa ibang provider. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoNarito ang ilang halimbawa ng spam, phishing, at invalid na aktibidad na posibleng magresulta sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Pagbebenta ng impormasyon ng customer sa mga third party
- Pagpapadala ng hindi hinihinging pampromosyong email
- Maling pagpapahayag na lumalabag sa mga patakaran ang isa pang service provider
- Paggamit ng propesyonal na lisensya o lisensya ng negosyo ng ibang tao
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay puwedeng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, o puwedeng permanenteng maalis ang mga ad nila.
Pagiging patas
Nangdidiskrimanang gawi o may poot na salita
Dapat mong pakitunguhan ang lahat nang pantay-pantay at may paggalang. Hindi ka dapat magpakita ng nangdidiskriminang gawi, mang-insulto ng iba, o gumamit ng may poot na salita laban sa kahit kanino batay sa kanilang lahi, kulay, etnisidad, antas sa lipunan, bansang pinagmulan, angkan, status ng pagkamamamayan, relihiyon, edad, kasarian, sekswal na oryentasyon, kinikilalang kasarian, pagpapahayag ng kasarian, pagbubuntis, marital status, kapansanan sa katawan o pag-iisip, medikal na kundisyon, o anupamang katangiang nauugnay sa sistematikong diskriminasyon o pangmamaliit at pang-aapi. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoNarito ang ilang halimbawa ng nangdidiskriminang gawi o may poot na salita na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Pagtangging magbigay ng serbisyo sa isang tao batay sa kanyang lahi
- Pagpapatupad ng ibang tuntunin o kundisyon sa isang tao dahil sa kanyang pagkakakilanlan
- Paghahayag ng kagustuhan para sa pagbibigay ng serbisyo sa isang tao o pagsasalita nang negatibo tungkol sa pagbibigay ng serbisyo sa isang tao batay sa kanyang pagkakakilanlan
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Puwedeng permanenteng maalis ang mga ad ng mga provider.
Pagiging totoo
Misrepresentasyon at pagpapanggap
Dapat mong ipakilala ang iyong sarili at ang negosyo mo sa tumpak na paraan. Huwag manloko, manlinlang, o manlito. Kasama rito ang nakakapanlinlang na impormasyon tungkol sa mga account o pagmamay-ari ng account, mga kwalipikasyon, mga lisensya, insurance, karanasan sa trabaho, mga saklaw na lugar, mga vertical ng trabaho, mga presyo, o anupamang aspeto ng iyong sarili o ng negosyo mo. Matuto pa.
Mga paghihigpit sa lisensya
Kung pinaghihigpitan ang lisensya ng iyong negosyo ayon sa heograpiya sa isang lugar, huwag i-advertise na nagbibigay ng serbisyo ang negosyo mo sa labas ng lugar na iyon. Ang uri lang ng trabahong may lisensya at may insurance kang gawin ang tanggapin. Huwag gamitin ang lisensya ng isang taong hindi nagtatrabaho para sa iyong negosyo.
Mga saklaw na lugar
Nagsisikap ang Local Services na iugnay ang mga consumer sa mga lokal na service provider. Kapag na-target mo ang iyong mga ad sa mga lugar na malayo sa lokasyon ng negosyo mo, at/o na hindi mo mabibigyan ng serbisyo sa makatuwirang paraan, magbibigay ito ng negatibo at potensyal na nakakalitong karanasan para sa mga consumer. Dagdag pa rito, ang mga pagsubok na mag-target ng mga saklaw na lugar na may hindi makatuwirang laki mula sa isa o ilang lokasyon ng negosyo ay puwedeng mag-trigger ng pagsusuri dahil sa paglusot sa aming patakaran sa misrepresentasyon.
Content ng profile
Ang anumang content na ipo-post mo sa iyong account ay dapat tumpak na kumatawan sa lokasyon, kagamitan, mga sasakyan, at mga empleyado ng negosyo mo.
Garantiya ng Google
Bagama't posibleng nakuha mo na ang Garantiya ng Google, hindi mo puwedeng sabihing ineendorso ng Google ang iyong negosyo o nagtatrabaho ka para sa Google. Kapag nagbigay ka ng mga serbisyo, ang mga customer mo ay hindi mga customer ng Google. Sa mga ad ng Local Services lang nalalapat ang iyong Garantiya ng Google at/o status na Na-screen ng Google. Hindi mo puwedeng i-advertise ang iyong status na Garantisado ng Google o status na Na-screen ng Google sa website ng negosyo mo, sa iyong mga propesyonal na profile, o sa anumang pampromosyong materyales.
Mga review sa Google My Business (GMB)
Puwede lang i-link ang iyong mga review sa GMB sa isa sa mga Local Services account mo. Ipinagbabawal ang pag-link ng mga review sa GMB sa maraming account. Dagdag pa rito, ang mga ili-link mong review sa GMB ay para dapat sa parehong lokasyon ng negosyo na inilista mo sa Local Services.
Mga Halimbawa:
Narito ang ilang halimbawa ng misrepresentasyon at pagpapanggap na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Pagpapapanggap bilang isa pang indibidwal o negosyo
- Nagpapanggap ang isang service provider na isa siyang consumer at nagreklamo tungkol sa isa pang negosyo
- Paggamit sa propesyonal na lisensya o lisensya ng negosyo ng isa pang tao
- Pagbibigay ng serbisyo sa labas ng lugar ng lisensya ng negosyo
- Pag-target ng mga lugar na hindi mo makatuwirang mabibigyan ng serbisyo o hindi lokal sa lokasyon ng iyong negosyo
- Pagsasaad na nagtatrabaho ka sa isang kumpanya kung saan hindi ka empleyado
- Pagtangging nagtatrabaho sa iyong kumpanya ang isang empleyado kapag may customer na tumawag para magreklamo
- Pagsasaad na kaya mong magbigay ng mga serbisyong hindi ka kwalipikado o lisensyadong gawin
- Pagsasabi sa isang customer na mag-check out sa isang kumpanyang hindi naman ang kumpanyang tinawagan ng customer para sa serbisyo
Kung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay puwedeng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, o puwedeng permanenteng maalis ang mga ad nila.
Mga review ng customer
Huwag magsulat ng mga review para sa sarili mong negosyo o para sa negosyo ng mga kakumpitensya, at huwag hilingan ang mga kaibigan o kamag-anak na sumulat ng review para sa iyo maliban na lang kung kinuha ka nila para magbigay ng serbisyo. Hindi dapat tumanggap ng bayad o diskwento ang mga customer kapalit ng positibong review. Hindi dapat hilingin ng mga provider sa mga customer na baguhin o alisin ang kanilang mga review o hindi nila puwedeng pagbantaan ang isang customer dahil sa pagbibigay ng negatibong review. Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang asal na may kaugnayan sa mga review ng customer na puwedeng humantong sa nakakapanlinlang na impormasyon para sa mga consumer. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyoPinakamahalaga ang mga review ng customer kapag matapat at walang kinikilingan ang mga ito. Hindi mo puwedeng ibahin, panghimasukan, o pakialaman ang mga review ng customer tungkol sa iyong mga serbisyo o mga serbisyo ng kakumpitensya mo. Puwede kang humiling sa isang user na magsumite ng review sa Google, pero kapag na-book lang nila ang trabaho sa pamamagitan ng isang platform ng Google o kung na-book nila ang trabaho sa iyo nang direkta (halimbawa, kung nahanap ka nila sa pamamagitan ng kuwento ng iba o sa pangkalahatang paghahanap sa web). Hindi mo puwedeng hilingin sa isang user na magsumite ng review sa Google kung na-book nila ang trabaho mula sa isang platform na hindi Google. Dagdag pa rito, isang review lang ang puwede mong hilinging isulat ng isang customer sa bawat trabaho. Hindi mo puwedeng hilinging magsulat siya ng review para sa Local Services at Google My Business dahil kasama sa iyong Local Services account ang mga review sa Google My Business.
Puwedeng i-dispute ng mga service provider ang isang review sa pamamagitan ng pagsagot sa form ng Suporta sa Mga Larawan at Review ng Local Services.
Narito ang ilang halimbawa ng pakikialam sa mga review ng customer na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Pagsusulat ng review para sa sarili mong negosyo
- Pag-post ng review sa isang kasamahan o kakumpitensya para manipulahin ang mga rating niya
- Paghiling sa isang customer na sumulat ng review para sa iyo habang ginagawa mo ang trabaho at habang kasama mo siya
- Paghiling sa isang customer na magsulat ng review para sa iisang trabaho sa Local Services at Google My Business
- Pag-aalok ng diskwento o pinansyal na insentibo para sa isang customer para mag-alis ng negatibong review o magsulat ng positibong review
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay puwedeng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, o puwedeng permanenteng maalis ang mga ad nila.
Mga patakaran sa account
Pag-subcontract at pagbebenta ng lead
Inaasahan ng mga consumer na maiuugnay sila sa mga provider na nasuri ayon sa mga pamantayan sa kalidad ng Local Services. Dahil doon, dapat maging matapat ang mga negosyong sumasali sa aming platform sa pagbibigay ng mga kwalipikasyon at pagkakakilanlan ng mga field technician sa kumpanya nila. Dagdag pa rito, dapat patunayan ng bawat negosyo na may naaangkop na lisensya ang mga fieldworker at staff nito. Dahil dito, hindi mo puwedeng ibenta ang mga lead na matatanggap mo sa pamamagitan ng iyong mga ad ng Local Services. Ang mga lead na iyon ay dapat lang tugunan ng mga field technician ng iyong kumpanya na nasuri at/o nasiyasat ang background. Kung magsa-subcontract ka sa ibang service provider, puwedeng permanenteng maalis ang iyong ad. Matuto pa.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyo
Narito ang ilang halimbawa ng pag-subcontract at pagbebenta ng lead na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Pagpapasa o pagbebenta ng lead sa ibang negosyo, o sa isang taong hindi isa sa mga field technician ng iyong negosyo na nasuri o nasiyasat ang background
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay puwedeng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, o puwedeng permanenteng maalis ang mga ad nila.
Mga lugar na binibigyan ng serbisyo
Para matiyak na magiging patas ang kumpetisyon sa negosyo, kung marami kang account, isang account at uri ng trabaho lang ang puwedeng gumamit ng partikular na ZIP Code sa bawat pagkakataon. Dagdag pa rito, dapat mo lang ilista ang mga saklaw na lugar kung saan ka pinapayagang magtrabaho. Kung mayroon kang propesyonal na lisensyang naglilimita sa iyo sa isang partikular na heograpikong rehiyon, dapat kang manatili sa lugar na iyon. Matuto pa.
Mga saklaw na lugarNagsisikap ang Local Services na iugnay ang mga consumer sa mga lokal na service provider. Kapag na-target mo ang iyong mga ad sa mga lugar na malayo sa lokasyon ng negosyo mo, at/o na hindi mo mabibigyan ng serbisyo sa makatuwirang paraan, magbibigay ito ng negatibo at potensyal na nakakalitong karanasan para sa mga consumer. Dagdag pa rito, kung susubukang mag-target ng mga saklaw na lugar na may hindi makatuwirang laki mula sa isa o ilang lokasyon ng negosyo, puwede itong mag-trigger ng pagsusuri dahil sa paglusot sa aming patakaran sa misrepresentasyon.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyo
Narito ang ilang halimbawa ng pag-subcontract at pagbebenta ng lead na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Pagpapasa o pagbebenta ng lead sa ibang negosyo, o sa isang taong hindi isa sa mga field technician ng iyong negosyo na nasuri o nasiyasat ang background
Ano ang mangyayari kapag lumabag ang mga service provider sa patakarang itoKung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay puwedeng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, o puwedeng permanenteng maalis ang mga ad nila.
Mga duplicate na account
Sa pamamagitan ng mga duplicate na account, puwedeng malusutan ng mga provider ang aming sistema ng paghahatid ng mga ad sa hindi patas na paraan. Puwedeng i-flag para sa pag-follow up at/o pag-aalis ang mga account na mahigit anim na buwan nang hindi aktibo o may halos magkakaparehong uri ng trabaho at lugar na binibigyan ng serbisyo. Matuto pa.
Narito ang mga halimbawa ng mga duplicate na account na puwedeng ma-deactivate:
- Pareho ang mga uri ng trabaho at saklaw na lugar na nakalista para sa dalawang account
- Mahigit sa isang account ang nakarehistro sa iisang lokasyon ng negosyo
Kung na-disable ang isang account, makakatanggap ng email ang mga provider para abisuhan sila. Kung kailangan mong ma-enable ulit ang account sa hinaharap, puwede kang makipag-ugnayan sa amin para i-reactivate ang iyong account.
Pag-iwas at panghihimasok sa system
Huwag gumawa ng mga pagkilos na nakalaan para iwasan ang aming mga patakaran o lusutan ang mga paghihigpit na nakatakda sa iyong account. Kasama rito ang paggawa o paggamit ng maraming account o iba pang paraan na nakalaan para magsagawa ng ipinagbabawal na gawi.
Huwag subukang magdala ng trapiko sa mga karagdagang website o dalhin sa ibang numero ng telepono ang mga potensyal na customer sa unang pagkakataon para makaiwas sa pagbabayad para sa isang lead. Hindi puwedeng maging bahagi ang “.com” ng ipinapakitang pangalan ng iyong kumpanya. Matuto pa.
Narito ang mga halimbawa ng pag-iwas na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Paglilista ng pangalan ng website bilang pangalan ng iyong negosyo
- Pag-post ng mga larawan kung saan kasama ang numero ng telepono o address ng website mo
- Pagsubok na gumawa ng bagong account pagkatapos masuspinde o permanenteng maalis
Kung malalabag ang mga patakarang ito, posibleng may matanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay posibleng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, malimitahan ang mga impression sa mga ad nila, o permanenteng maalisan ng mga ad nila.
Content ng ad
Huwag mag-atubiling isama ang mga larawan ng mahusay na trabahong ginagawa mo para makatulong na ibenta ang iyong serbisyo. Dapat ay may mataas na kalidad, nauugnay sa iyong trabaho, at hindi kinopya o ninakaw ang mga larawan. Sumunod sa mga batas sa copyright at mag-upload lang ng content na may pahintulot kang gamitin. Ipinagbabawal ang sekswal na content. Posibleng may malapat na mga karagdagang patakaran kaugnay ng mga pagsusumite ng larawan sa mga Propesyonal na Service provider. Makikita ang mga karagdagang detalye rito. Matuto pa.
Posibleng lumabas na nakabinbin ang ilang content na isusumite mo hanggang sa masuri at maaprubahan ng aming team ang content. Puwede mong tingnan ang mga status sa iyong profile sa account.
Narito ang mga halimbawa ng content ng profile na puwedeng humantong sa pagkakadiskwalipika sa programa:
- Paglilista ng pangalan ng website bilang pangalan ng iyong negosyo
- Paglilista ng iyong numero ng telepono sa larawan ng negosyo
Kung malalabag ang mga patakarang ito, may matatanggap na email ang mga provider para abisuhan sila. Depende sa dalas at lala ng paglabag, ang mga provider ay puwedeng makatanggap ng babala, pansamantalang masuspinde, o puwedeng permanenteng maalis ang mga ad nila.
Mga ipinagbabawal na kasanayan
Hindi ka pinapayagan, o ang iba pang kumikilos sa ngalan mo, na gawin ang sumusunod:
Hindi awtorisadong paggamit sa pag-brand at mga trademark ng Google
Hindi mo puwedeng gamitin ang logo ng Google, Google Guarantee Badge, o iba pang elemento ng brand nang walang pahintulot. Kung gusto mong gamitin ang anuman sa mga feature ng brand ng Google sa iyong website o iba pang pampublikong materyal, basahin ang mga alituntunin sa paggamit ng brand ng Google.
Mga karagdagang patakaran na nalalapat batay sa mga tuntunin ng kontrata sa Google
Kung sumang-ayon ka o ang iyong negosyo sa mga tuntunin ng kontrata sa Google -- halimbawa, kung sumang-ayon ka sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng Google Ads, Mga Karagdagang Tuntunin ng Local Services para sa Mga Provider, o Mga Tuntunin ng Local Services sa Assistant para sa Mga Provider (tingnan ang Talahanayan sa ibaba) -- dapat ka ring sumunod sa Mga Minimum na Kinakailangan ng Provider sa ibaba:
Mga Minimum na Kinakailangan ng Provider at Pagsusuri ng Background
Mga pagsisiyasat sa entity ng negosyo, pag-verify ng lisensya, at pag-verify ng insurance
Para makapag-advertise sa platform ng Local Services, dapat mong matugunan ang Mga Minimum na Kinakailangan ng Provider na nauugnay sa pag-verify ng entity, pag-verify ng lisensya, at mga pag-verify ng mga headshot ng negosyo:
- Dapat pumasa ang entity ng iyong negosyo sa proseso ng Google para sa pag-verify ng entity na partikular sa rehiyon (sa Europe at mga piling vertical sa US) bago ka maging awtorisadong maghatid ng mga ad ng Local Services.
- Ive-verify at/o hihilingin sa iyo ng Google na magsumite ng patunay na mayroon ka ng mga nauugnay na propesyonal na lisensya kung kinakailangan. Bukod pa rito, kakailanganin mong patunayang mayroon din ng mga kinakailangang lisensya ang iyong mga manggagawa. Hindi ka makakapaghatid ng mga ad ng Local Services hangga't hindi natatapos ang pag-verify na ito.
- Para sa mga Propesyonal na vertical, kakailanganin mong magsumite ng mga headshot ng negosyo.
- Kung ang entity ng iyong negosyo ay may tumutugmang impormasyon sa isang negosyo sa Google Maps, posibleng kailanganin mo ring tapusin ang pagsusuri sa Affiliation ng Negosyo.
Para matuto pa tungkol sa mga minimum na kinakailangan sa provider ng Mga Ad ng Local Services, bisitahin ang Paano nagiging kwalipikado ang mga provider para sa mga ad ng Local Services.
Para makapag-advertise nang may badge na Garantisado ng Google, Na-screen ng Google, o Na-verify ng Google ang lisensya, kakailanganin mong makapasa sa mga karagdagang kinakailangan sa pag-verify. Matuto pa tungkol sa Pagsisimula sa Mga Ad ng Local Services.
Background Checks - U.S. and Canada Only
In the U.S. and Canada, you must satisfy Google’s Minimum Provider Requirements related to background checks:
- You and any employees, contractors (including subcontractors), or other workers who provide services in customers' homes, workplaces, or any other properties must pass third-party background checks before you may participate in the Local Services platform.
- Your company must meet the criteria for passing a background check as described below at all times.
Cooperating with the background check process
When Google’s designated third-party background check partner, see table below, conducts a background check, you and your workers must provide honest, complete, updated, and accurate information. If circumstances change after a background check has been completed, you and your workers must immediately provide updated information to the background check partner to ensure you remain eligible for the Local Services platform. You can reach the partner via the contact information listed in the table below for your country.
You must keep your background check partner informed of the number and identity of members of your team who provide services in customers’ homes, workplaces, or any other properties. Be sure to provide updated numbers and identifying information to your background check partner if you hire or use new workers - these workers must not attend Local Services call outs until they have completed the background check. Again, you can reach the partner via the contact information listed in the table below for your country.
When your background check provider requests information about the number and identity of members of your team, including any new workers hired recently, you must promptly respond within the time requested.
What's included in a background check
USA
For each worker, the background check includes inquiries about Social Security number validity and criminal history (including cross-checks against national sex offender and terrorist/sanctions registries). For some services (for example, electricians in many states), worker-level checks may also include licensing requirements. At the company level, the process also includes civil litigation history (including judgments and liens from federal and state courts).
Canada
For each worker, the background check includes inquiries about national and/or provincial criminal history (Canadian Police Information Centre, Provincial/Territorial Court of Justice). At the company level, the process also includes civil litigation history (including judgments and liens).
Who conducts the background checks
Google has engaged background check partners in your country to conduct local and/or national background checks and to help determine, based on the General Criteria described below, which businesses are eligible to use the Local Services platform. Google doesn’t see the specific background check information of any individual worker or company, and you are prohibited from sharing such information with Google.
Background check partners
Country | Background Check Partner | Contact information |
---|---|---|
USA, Canada | Pinkerton Consulting & Investigations, Inc. | pes.disputes@pinkerton.com or (800) 635-1649, Monday through Friday, from 8:00 am to 8:00 pm Eastern. |
USA | EvidentID | You may contact Evident support at the following link: Evident Support. |
Criteria for passing a background check
Adjudication decisions are based on the following general criteria (“General Criteria”):
- Full, complete, and accurate answers to all background check and related questions.
- Honest and up-to-date disclosures, including disclosures related to government documents (Examples: Passport, driver’s license, Social Security numbers, federal or state identification numbers, professional licenses, registrations, or insurance certifications).
- No criminal history that demonstrates a risk to the safety or security of persons or property.
- No civil litigation history that demonstrates negligent or substandard performance of services.
Your company also may be disqualified for any other reason consistent with the General Criteria or Minimum Provider Requirements, provided that is allowed by applicable laws and regulations.
Eligibility decisions are made at the company level, not at the individual employee, contractor, subcontractor, or worker level.
Example: You own a business with 10 workers who clean customers’ homes. You work solely in the office, not in the field. Eligibility will be based on the results of your background check, the background checks of all 10 workers who clean customers’ homes, and the company-level check of your business (for valid licensure, insurance, and civil litigation history).
If you have questions about the adjudication process, please direct inquiries to the background check provider’s compliance department listed in the table above.
Eligibility to provide services
Only your workers who have been properly background checked and who hold appropriate qualifications may provide services in your customers’ homes, workplaces, or any other properties that were referred through the Local Services platform.
Example: You employ one dispatcher (who doesn’t provide services in customers’ homes or workplaces) and 10 workers in the field who serve customers. Your 10 workers properly completed background checks and your company was approved to use the Local Services platform. You may not send the dispatcher to serve customers referred through Google’s Local Services platform because the dispatcher didn’t complete a background check.
If you hire additional workers (beyond the 10 who already completed a background check), you may not send those additional workers into customers’ homes until they complete background checks (and your company continues to satisfy the Minimum Provider Requirements).
Obligasyong magbigay ng updated na impormasyon
Pagkatapos maaprubahan ang iyong kumpanya na gumamit ng mga ad ng Local Services, dapat mong ipaalam kaagad sa iyong provider ng pagsisiyasat ng background kung may anumang magbabago (sa iyong kumpanya o mga manggagawa) na posibleng makaapekto sa nakaraang pagkakaapruba ng pagsisiyasat ng background. Kasama sa mga halimbawa nito ang:
- Kumuha ka ng bagong empleyado (o nagpanatili ng isang bagong contractor) para magsagawa ng mga serbisyo sa mga bahay, pinagtatrabahuhan, o iba pang ari-arian ng mga customer na na-refer sa pamamagitan ng platform ng Local Services.
- Nasangkot sa krimen ang isa sa mga kasalukuyan mong empleyado o contractor (na nagbibigay ng serbisyo sa labas).
- Kung nag-expire o nasuspinde ang isa sa mga lisensya mong ibinigay ng gobyerno, o kung hindi na ito napapanahon o aktibo.
- Kung nagwakas, nasuspinde, hindi na napapanahon o aktibo, o nagbago nang 5% o higit pa ang iyong insurance.
- Kung naging akusado ang iyong negosyo sa isang sibil na kasong nagpapahiwatig ng pabaya o hindi mahusay na performance sa serbisyo.
Para mag-ulat ng mga pagbabago, makipag-ugnayan sa provider ng pagsisiyasat gamit ang impormasyong nakalista sa talahanayan sa itaas. Tandaan din na kapag humingi ng updated na impormasyon ang iyong provider ng pagsisiyasat ng background, dapat ka ring sumagot sa loob ng hiniling na panahon.
Recertification
Privacy
Background check providers are prohibited from sharing individual or company background check information with anyone other than the individual or company whose background was checked. Google receives notification from background check providers that a company is (or isn’t) eligible for the Local Services platform based on the General Criteria described above, but Google doesn’t see the specific background check information of any individual worker or company. You can’t share the results of any individual worker’s background check with Google.
If you are an employer or business owner, also note that the background check partner is prohibited from sharing your workers’ background check results with you. If you wish to see your workers’ background check results, you’ll need their permission or you must perform your own check (the background check provider will never provide an employee’s background check performed in relation to Local Services directly to you).
Mga Pag-audit
More information
For more information about background checks, contact the background check provider for your country, listed in the table above.
Ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran
Kapag lumabag ka sa aming mga patakaran, puwede kang sumailalim sa isa sa mga sumusunod:
- Hindi pag-apruba: Posibleng hindi aprubahan ang Mga Ad ng Local Services o iba pang komersyal na content na hindi sumusunod sa aming mga patakaran. Hindi mapapagana ang mga hindi naaprubahang ad, larawan, o iba pang komersyal na content hanggang sa maayos ang paglabag sa patakaran at maging kwalipikado ang ad.
- Pag-disable ng domain: Puwede naming suspindihin ang mga website na lumalabag sa aming mga patakaran, ibig sabihin, hindi na maa-advertise ang website hangga't hindi naaayos ang problema.
- Pagsususpinde ng account: Posibleng masuspinde ang isang account kung mayroon kang ilang paglabag o isang malalang paglabag. Kapag nangyari ito, hihinto sa paggana ang lahat ng ad at komersyal na content, at hindi kami puwede tumanggap ng pag-advertise o komersyal na content mula sa iyo. Puwede ring permanenteng masuspinde ang anumang nauugnay na account at puwedeng awtomatikong masuspinde ang iyong mga bagong account habang sine-set up. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Kailangan mo ba ng tulong?
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming mga patakaran, makipag-ugnayan sa Suporta sa Google AdsLinks to Additional Terms and Policies
If you or your business accepted terms as part of your participation in the Local Services platform, you can find links to those terms below. The following links are provided for reference so you can see which terms apply to your participation in Local Services.
Products/Platforms | Terms & Policies |
---|---|
If you or your business accepted terms with Google AND your Local Services listings appear on Google Search: |
|
If you and your business accepted terms with Google AND your Local Services listing appear only on the Google Assistant. |
|