Tungkol sa mga hula sa Keyword Planner

Para i-access ang Keyword Planner:

  • Gumagamit dapat ng Expert Mode ang iyong account. Hindi mo maa-access ang Keyword Planner kung Smart Mode ang ginagamit ng iyong account.
  • Dapat mong kumpletuhin ang iyong pag-set up ng account sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong impormasyon sa pagsingil at paggawa ng campaign. Kung hindi ka pa handang gumastos ng pera, puwede mong piliing i-pause ang iyong mga campaign.

Magagamit mo ang Keyword Planner para kumuha ng mga insight sa kung ano ang posibleng maging performance ng mga keyword. Kumukuha ang Google ng dating data sa paghahanap para gumawa ng mga pagtatantya kung ano ang puwede mong makuha mula sa isang hanay ng mga keyword batay sa iyong paggastos. Makakatulong sa iyo ang mga hulang ito na magpasya kung paano pagpapangkat-pangkatin ang mga keyword mo at itatakda ang iyong mga bid.

Ipinapakita sa iyo ng artikulong ito kung ano ang malalaman mo mula sa iyong mga hula at dating data sa paghahanap, pati na rin kung paano ayusin ang mga karaniwang isyu sa pag-troubleshoot.

Mga hula

Isinasaalang-alang sa iyong mga hinulaang impression ang bid, badyet, pagiging napapanahon, at dating kalidad ng ad mo para tantyahin ang performance sa hinaharap. Kapag ginamit mo ang Keyword Planner para makakuha ng mga hula para sa iyong mga keyword, makakakita ka ng pangkalahatang-ideya ng mga ito sa graph at mga mas detalyadong hula sa talahanayan, pati na rin impormasyon tungkol sa mga uri ng bid na puwedeng makatulong sa iyong abutin ang mga layunin mo sa negosyo.

Nagpapakita sa iyo ang page na “Mga Hula” ng mga hula para sa plano mo, na nakadetalye ayon sa mga nangungunang keyword, lokasyon, at device. Ipinapakita ang impormasyon sa isang malinaw na dashboard, at puwede mong baguhin ang mga parameter sa bawat hula para sa mga detalyadong insight sa potensyal na tagumpay ng iyong plano.

Sa itaas ng page na “Hula,” may ipapakita rin sa iyong default na bid, na puwede mong baguhin sa pamamagitan ng pagpili ng ibang punto sa graph o sa pamamagitan ng paglalagay ng bid sa field sa itaas ng page. Makakatulong ito sa iyong malaman kung ano ang puwedeng maging performance ng mga keyword mo sa mas matataas o mas mabababang bid. Nakabatay ang default na bid sa:

  • Dati mong plano (kung mayroon ka nito);
  • Average na maximum cost-per-click (CPC) mula sa mga manual na CPC na ad group ng iyong account, o kaya;
  • Average na maximum CPC sa lahat ng ad group na gumagamit ng manual na pag-bid na may parehong currency.

Ang ibig sabihin ng iyong mga hula sa keyword

  • Mga Pag-click: Ang dami ng mga pag-click na puwedeng matanggap ng iyong ad araw-araw kung iti-trigger ng keyword ang ad.
  • Gastos: Ang average na halagang puwede mong gastusin bawat araw para sa keyword na ito.
  • Mga Impression: Kung gaano kadalas puwedeng ipakita ang iyong ad sa isang araw. Nagbibilang ng impression sa tuwing ipinapakita ang isang ad sa page ng resulta ng paghahanap.
  • Clickthrough rate ("CTR"): Ang ratio ng dami ng mga pag-click na puwedeng matanggap ng iyong ad na hinati ayon sa dami ng beses na puwedeng ipakita ang ad mo (na tinatawag na impression).
  • Average na cost-per-click ("Avg. na CPC"): Ang average na halagang puwede mong bayaran para sa isang pag-click. Awtomatikong isinasaayos ang panghuling halagang sisingilin sa iyo para sa isang pag-click, at kilala ito bilang aktwal na cost-per-click (aktwal na CPC) mo, kaya ang babayaran mo ay mas mataas lang nang isang sentimo kaysa sa minimum na halagang kinakailangan para mapanatili ang posisyon ng iyong ad. Samakatuwid, ang ipinapakitang halaga ay puwedeng mas mababa kaysa sa hanay ng hula sa pangkalahatang gastos para sa lahat ng keyword, o sa CPC na bid na nakatakda na para sa iyong ad group.

Tandaan

Tandaang ipinapakita lang para sa mga eksaktong tugma ang mga dating istatistika tulad ng average na mga buwanang paghahanap. Halimbawa, sabihin nating ang keyword mo ay "dark chocolate." Kung gusto mong tingnan ang average na mga buwanang paghahanap ng keyword na iyon, ipapakita sa iyo ang parehong mga istatistika ng eksaktong tugma gumamit ka man ng uri ng pagtutugmang malawak, parirala, o eksakto sa "dark chocolate." Sa kabilang banda, hindi isinasaalang-alang sa mga forecast sa trapiko, gaya ng mga pag-click at gastos, ang mga uri ng pagtutugma ng keyword. Halimbawa, kung nakakakuha ka ng mga hula para sa isang listahan ng mga malawak na tugmang keyword, isasaalang-alang ang anumang pag-overlap sa mga keyword na iyon.

Mga naka-save na keyword

Kapag ginamit mo ang Keyword Planner para kumuha ng mga dating sukatan para sa iyong mga keyword o campaign, makakakita ka ng mga detalyadong istatistika sa isang talahanayang makakatulong sa iyong pumili ng mga keyword na gagamitin sa campaign mo. Tandaang isinasaalang-alang sa mga hula ang bid, badyet, pagiging napapanahon, at iba pang salik, habang hindi isinasaalang-alang ang mga ito sa mga dating sukatan.

Ang ibig sabihin ng iyong mga dating sukatan

  • Average na mga buwanang paghahanap ("Avg. na mga buwanang paghahanap"): Ang average na dami ng beses na hinanap ng mga tao ang isang keyword at ang mga malapit nitong variant batay sa hanay ng buwan, pati na rin sa mga setting ng lokasyon at Search Network na pinili mo. Magagamit mo ang impormasyong ito para malaman kung gaano kasikat ang iyong mga keyword sa iba't ibang bahagi ng taon. Bilang default, ina-average ang dami ng mga paghahanap sa termino (anuman ang wika) sa loob ng 12 buwang yugto.
  • Kumpetisyon: Ang dami ng mga advertiser na ipinakita sa bawat keyword kaugnay ng lahat ng keyword sa buong Google. Tandaang partikular ang data na ito sa napili mong pag-target sa lokasyon at Search Network. Sa column na Kumpetisyon, makikita mo kung mababa, katamtaman, o mataas ang kumpetisyon para sa isang keyword.
  • Bid sa itaas ng page (mababa): Ang bid sa mas mababang hanay—isang pagtataya sa ika-20 percentile—na binayaran dati ng mga advertiser para sa bid sa itaas ng page ng isang keyword, batay sa iyong mga setting ng lokasyon at Search Network.
  • Bid sa itaas ng page (mataas): Ang bid sa mas mataas na hanay—isang pagtataya sa ika-80 percentile—na binayaran dati ng mga advertiser para sa bid sa itaas ng page ng isang keyword, batay sa iyong mga setting ng lokasyon at Search Network.
  • Organic na bahagi ng impression (“Organic na bahagi ng impr.”): Ang porsyento ng beses na lumabas sa mga paghahanap sa web para sa isang keyword ang isang listing mula sa iyong website. Kinakalkula ito sa pamamagitan ng paghahati sa bilang ng mga paghahanap sa web na nagpakita ng listing mula sa iyong website ayon sa kabuuang bilang ng mga paghahanap para sa ideya sa keyword na iyon.
  • Bahagi ng ad impression: Ang dami ng mga impression na natanggap mo na hinati ayon sa kabuuang dami ng mga paghahanap para sa lokasyon at network na iyong tina-target na eksaktong tumugma sa keyword sa nakaraang buwan sa kalendaryo. Tandaang ang column ng bahagi ng ad impression sa Keyword Planner ay iba sa mga column ng bahagi ng impression at bahagi ng impression ng eksaktong tugma sa pamamahala ng campaign, na nakabatay sa dami ng mga impression na kwalipikado kang matanggap para sa isang keyword. Sa Keyword Planner, nakabatay ang bahagi ng ad impression sa dami ng paghahanap para sa eksaktong keyword na iyon. Kapag may nakita kang gitling (-) sa column ng bahagi ng ad impression, ibig sabihin, walang sapat na data para kalkulahin ang numerong ito.

An animation demonstrating how to access performance charts in Keyword Planner.

Mga bagay na dapat tandaan tungkol sa iyong mga dating sukatan

  • Nira-round off ang iyong mga istatistika ng dami ng paghahanap. Ang ibig sabihin nito, kapag kumuha ka ng mga ideya sa keyword para sa maraming lokasyon, puwedeng hindi tumugma sa iyong inaasahan ang mga dami ng paghahanap.
  • Nakakaimpluwensya sa trapiko sa web ang pagiging napapanahon, mga kasalukuyang pangyayari, at ilan pang ibang salik. Samakatuwid, palaging nagbabago ang dami ng mga paghahanap sa iyong mga keyword.
  • Makakatulong sa iyo ang mga hula sa keyword na tukuyin ang tinantyang performance mo. Ang iyong bid, badyet, pagiging napapanahon, at dating kalidad ng ad ay isinasaalang-alang sa mga hinulaang impression mo, pero hindi sa iyong mga istatistika ng dami ng paghahanap. Bukod pa rito, tinutukoy lang ang iyong dami ng paghahanap para sa mga eksaktong tugmang keyword, habang nakabatay sa mga napili mong uri ng pagtutugma ang iyong mga tinantyang impression.
  • Makakatulong sa iyo ang mga istatistika ng hanay ng bid na magpasya kung aling mga keyword ang dapat gamitin para sa isang campaign. Makakatulong din sa iyo ang mga istatistika sa hanay ng bid, o ang “bid sa itaas ng page (mababa)” at “bid sa itaas ng page (mataas),” na pumili ng epektibong bid para sa mga keyword mo. Isinasaalang-alang sa mga istatistika ng hanay ng bid ang mga bid na humantong sa pagpapakita ng isang ad kasama ng mga ad sa itaas ng unang page ng mga resulta ng paghahanap.
  • Ipinapakita ng mga istatistika ng hanay ng bid ang impormasyon ng bid mula sa nakaraang 30 araw. Puwedeng hindi ka makakita ng mga istatistika ng hanay ng bid para sa mga keyword na may limitadong impormasyon tungkol sa dating bid. Dahil ang pagpapakita ng ad sa itaas ng unang page ng mga resulta ay nakabatay sa kumbinasyon ng bid, marka ng kalidad, at iba pang salik, magagamit mo ang mga sukatang ito para makatulong na isaayos ang iyong mga bid kaugnay ng mga marka ng kalidad ng mga katulad na keyword.

Mag-ayos ng mga isyu sa mga hula sa trapiko

Sa ilang pagkakataon, puwedeng ang mga hula sa trapikong nakikita mo sa Keyword Planner ay mukhang mas mababa kaysa sa inaasahan o naiiba mula sa trapikong aktwal na nakukuha ng iyong ad. O kaya, puwedeng nagkakaproblema ka sa mismong pagtingin ng mga hula sa trapiko.

Basahin ang nasa ibaba para malaman kung bakit puwedeng hindi ka nakakakita ng mga hula sa trapiko sa Keyword Planner at kung ano ang puwede mong gawin para ayusin ang mga iyon.

Mababa ang mga hula

Kapag gumamit ka ng Keyword Planner, makakakita ka ng mga pagtatantya sa bilang ng mga pag-click at impression na puwede mong matanggap bawat araw. Kadalasan, mapapaganda mo ang iyong mga resulta kung tataasan mo ang iyong cost-per-click (CPC) na bid. Gayunpaman, puwede mong makitang kapag itinaas ang iyong CPC na bid, maliit ang epekto nito sa iyong mga hula sa trapiko. Puwede itong mangyari dahil sa mga sumusunod:
  • Dating performance ng ad: Sa mga pagkalkula ng Keyword Planner, isinasama nito ang mga sample ng dating performance ng ad para sa iyong mga ad at iba pang ad na gumagamit ng mga katulad na keyword. Kung ang pangkalahatang clickthrough rate (CTR) para sa sampling na ito ay palaging mababa, mas mababang mga paghula sa pag-click ang makikita mong lalabas sa iyong mga hula. Subukang pahusayin ang iyong CTR, na puwedeng magpataas sa mga hula mo sa hinaharap.
  • Pagsusuri sa paghahanap: Para magbigay ng mga tumpak na hula sa trapiko, sinusubaybayan ang mga pattern sa keyword at paghahanap. Ang anumang mababang hulang makukuha mo ay puwedeng dulot ng kakulangan sa mga paghahanap para sa iyong partikular na keyword o keyword na parirala. Sa ganitong sitwasyon, magdagdag ng higit pang keyword o kumbinasyon ng keyword. Para gawin iyon, i-click ang Mga ideya sa keyword sa menu ng page sa kaliwa.
  • Mga patakaran sa Google Network: Ang mga site na nakikipag-partner sa Google para magpakita ng mga ad (mga partner sa paghahanap) ay may iba't ibang patakaran tungkol sa mga uri ng mga ad na puwedeng lumabas sa mga page o produkto ng mga iyon. Halimbawa, mga ad lang na walang anumang paghihigpit sa sekswal na content ang tinatanggap ng ilang partner sa paghahanap. Isinasaalang-alang ng Keyword Planner ang mga variation na ito sa patakaran sa mga partner sa paghahanap, at nagpapakita ito ng mga hula nang naaayon. Bagama't puwedeng madagdagan ang iyong pagkakalantad sa mga potensyal na customer kapag nag-advertise ka sa Search Network, puwedeng hindi ito palaging ipakita ng mga hula sa trapikong makikita mo.

Ang trapikong nakukuha ng iyong ad ay iba sa hula ng Keyword Planner

Gumagamit ang Keyword Planner ng impormasyon mula sa system ng mga dynamic na ad para tantyahin ang mga posibleng resulta sa Google at sa mga partner nito sa paghahanap. Narito ang ilang dahilan kung bakit puwedeng iba sa iyong mga aktwal na presulta ang mga hula mo sa trapiko:
  • Gumawa ka ng Google Ads account kamakailan: Kung bago kang advertiser, nakabatay ang iyong mga hula sa dating average na data para sa lahat ng advertiser dahil wala pang sapat na dami ng data tungkol sa partikular mong negosyo. Makakakita ka ng tinatayang average bilang gabay mo hanggang sa maging available ang higit pang data tungkol sa performance ng iyong mga ad.
  • Gumagana ang iyong mga ad sa Display Network: Ang mga hula mo ay para sa Search Network, at hindi kasama rito ang mga hula para sa dami ng mga pag-click na puwedeng matanggap ng iyong mga ad sa Display Network, kasama ang mga placement na pipiliin mo. Puwede mong asahang magkakaroon ng mas maraming trapiko kaysa sa hinulaan kung gumagana rin sa Display Network ang iyong mga ad.
  • Nagta-target ka ng maliit na heograpikong rehiyon: Puwede mong asahang hindi masyadong magiging tumpak ang mga resulta kung nagta-target ka ng maliit na heograpikong rehiyon, dahil mas kaunti ang data na pagbabatayan ng mga hula.
  • Mayroon kang magkakapareho, o halos magkakatulad, na keyword sa iba't ibang campaign: Kahit gaano pa karaming ad ang pinapagana mo sa iisang keyword, isa lang ang ipapakita sa iyo sa bawat page ng mga resulta ng paghahanap. Ang ibig sabihin nito, kung mayroon kang magkakapareho o magkakatulad na keyword sa iba't ibang ad group o campaign, nagkukumpitensya sa isa't isa ang iyong mga keyword. Habang sinusubukan ng Keyword Planner na isaalang-alang ang kumpetisyon sa mga magkapareho o magkatulad na keyword na lumalabas sa mga ad group sa parehong campaign, puwedeng maging hindi ganoon katumpak ang mga hula para sa mga keyword na ito. Hindi tinitingnan ng Keyword Planner ang mga keyword sa lahat ng campaign, kaya hindi isasaalang-alang ang kumpetisyon sa pagitan ng mga campaign para sa iyong mga hula.
  • Ang iyong plano o listahan ng keyword ay naglalaman ng magkakatulad na keyword na kinukunan mo ng mga hula sa trapiko: Kung nagtatantya ka ng mga pag-click para sa 2 o higit pang magkakatulad na keyword, susubukan ng Keyword Planner na hulaan kung paano mahahati ang trapiko sa pagitan ng mga nag-o-overlap na termino. Bilang resulta, hindi magiging ganoon katumpak ang iyong mga hula.
  • Ina-average ang data ng isang buong linggo para makapagbigay ng pang-araw-araw na hula: Ibinabatay ang mga hula sa isang linggong data, at ina-average ang mga ito para makapagbigay ng mga pang-araw-araw na hula. Mag-iiba-iba ang mga pang-araw-araw na trapiko, kaya isaalang-alang ang average ng isang buong linggo kaysa sa hula para sa isang araw.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1847713787519681606
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false