Ang pagsasaayos ng bid ay isang porsyentong pagtaas o pagbaba sa iyong mga bid. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga pagsasaayos ng bid na ipakita ang mga ad mo nang mas madalas o mas madalang batay sa kung saan, kailan, at paano naghahanap ang mga tao. Halimbawa, kung minsan, mas mahalaga sa iyo ang isang pag-click kung mula ito sa isang smartphone, sa isang partikular na oras ng araw, o sa isang partikular na lokasyon. Puwede mo ring isaayos ang iyong mga bid batay sa performance ng mga ad mo, na makakatulong na palakihin ang iyong return on investment (ROI). Puwedeng mag-iba-iba ang iyong paggastos sa mga indibidwal na pag-click habang tumataas o bumababa ang iyong mga bid ayon sa mga pagsasaayos na itinakda mo, pero hindi magbabago ang iyong pangkalahatang average na pang-araw-araw na badyet.
Sa artikulong ito, matututunan mo ang tungkol sa iba't ibang uri ng mga pagsasaayos ng bid at ang mga kinakailangan ng mga ito, kung paano nag-uugnayan ang maraming pagsasaayos at kung anong mga opsyon ang available para sa iba't ibang uri ng mga campaign.
Bago ka magsimula
Compatible sa lahat ng uri ng campaign ang lahat ng strategy sa pag-bid. Matuto pa tungkol sa mga strategy sa pag-bid na target na CPA, target na ROAS, pag-maximize sa mga pag-click, at kung paano magdagdag o mag-alis ng pagsasaayos ng bid.
Paano gumagana ang pagsasaayos ng bid
Ipagpalagay nating mayroon kang campaign na mahusay ang performance sa mga mobile device na may max CPC na bid na Php50. Para maipakita ang iyong ad sa mas maraming customer sa mga mobile device, dinagdagan mo ng 20% ang iyong bid para sa mga paghahanap sa mga mobile device, na humantong sa panghuling halaga ng bid na Php60. Narito ang kalkulasyon:
Simulang bid: Php50
Pagsasaayos sa mobile: Php50 + (Php50 x 20%) = Php60
Resultang bid para sa mga paghahanap sa mga mobile device: Php60
Sa isa pang halimbawa, ipagpalagay nating mayroon kang Php50 na bid at gusto mo itong bawasan. Para isaayos ito at gawin itong Php40, piliin ang Bawasan ng 20%.
Paano tingnan ang iyong mga pagsasaayos ng bid
Sa iyong Google Ads account, puwede mong tingnan ang mga adjustment ng bid mula sa menu ng page sa kaliwa:
- Para sa mga adjustment ng bid sa Search network:
- I-click ang uri ng ad na gusto mong tingnan:
- Sa talahanayan, hanapin ang column na may pamagat na “Mga adjustment ng bid.”
- Para sa mga adjustment ng bid sa Display network:
- I-click ang uri ng ad na gusto mong tingnan mula sa menu ng page:
- Sa talahanayan, hanapin ang column na may pamagat na “Mga adjustment ng bid.”
Mga uri ng mga adjustment ng bid
Device
Saan mo magagamit ang mga ito
- Mga Campaign
- Mga ad group
- Kung nagtakda ka ng pagsasaayos ng bid sa device para sa isang campaign at sa isang ad group na nasa campaign na iyon, gagamitin ang pagsasaayos ng bid sa ad group para tukuyin ang iyong bid.
Sakop
- -100% hanggang +900%
- Upang mag-opt out sa pagpapakita ng mga ad sa isang partikular na device, babaan nang 100% ang iyong bid para sa device na iyon. Kung binawasan mo nang 100% ang bid ng campaign para sa isang partikular na device, hindi gagamitin ang pagsasaayos sa antas ng ad group para sa parehong device.
Lokasyon
Gamitin ang mga pagsasaayos ng bid sa lokasyon para ipakita ang iyong ad nang mas madalas o mas madalang sa mga customer sa mga partikular na bansa, lungsod, o iba pang heograpikong lugar. Puwede ka ring gumamit ng pag-target ng asset para sa lokasyon para magtakda ng iba't ibang bid para sa mga customer na malapit sa iyong negosyo.
Saan mo magagamit ang mga ito
- Mga Campaign
Sakop
- -90% hanggang +900%
Pag-iiskedyul ng ad
Gamitin ang mga pagsasaayos ng bid na pag-iiskedyul ng ad para taasan o babaan ang iyong mga bid para sa mga campaign na sa ilang partikular na araw o sa mga partikular na oras lang lumalabas. Upang gawin ito, kakailanganin mo munang mag-set up ng isang custom na iskedyul ng ad.
Saan mo magagamit ang mga ito
- Mga Campaign
Sakop
- -90% hanggang +900%
Nangungunang content (advanced)
Tandaan: Hindi na available ang mga pagsasaayos ng bid sa nangungunang content.
Mga paraan ng pag-target (advanced)
Magtakda ng mga pagsasaayos ng bid para sa mga paksa, placement, at iba pang paraan ng pag-target sa mga uri ng campaign na nagpapakita ng mga ad sa Display Network at Search Network. Alamin kung paano magdagdag ng mga audience (mga interes at listahan ng remarketing) sa isang ad group.
Saan mo magagamit ang mga ito
- Mga Campaign
- Mga ad group
Sakop
- -90% hanggang +900%
Mga listahan ng remarketing para sa mga Search ad (advanced)
Puwede kang magtakda ng mga pagsasaayos ng bid para sa mga listahan ng remarketing sa iyong mga ad group kung gusto mong magpakita ng mga ad sa mga taong nasa mga listahang ito. Halimbawa, puwede mong dagdagan ng 25% ang iyong bid para sa mga tumingin na sa iyong website sa loob ng nakalipas na 30 araw. Kung wala ka pang naka-set up na listahan ng remarketing, basahin ang Tungkol sa mga listahan ng remarketing para sa mga search ad ng Google Ads.
Saan mo magagamit ang mga ito
- Mga Campaign
- Mga ad group
Sakop
- -90% hanggang +900%
Mga pakikipag-ugnayan (mga pagsasaayos ng tawag)
Puwede mong taasan ang iyong bid para sa mga mobile device para mas madalas na magpakita ng mga ad ng pakikipag-ugnayan sa pagtawag sa mga user ng mobile phone. Naaapektuhan ng mga pagsasaayos ng bid sa pakikipag-ugnayan kung gaano mo kadalas ipapakita sa mga user ang mga asset para sa pagtawag at call-only ad. Dahil sa flexibility ng pag-adjust sa iyong mga bid para sa ilang partikular na interaction, mas nagkakaroon ka ng kontrol sa kung gaano kadalas lalabas ang mga iyon kasama ng ad mo at kung paano makikipag-ugnayan sa iyong negosyo ang mga potensyal na customer.
Saan mo magagamit ang mga ito
- Mga campaign sa bagong karanasan sa Google Ads
Sakop
- -90% hanggang +900%
Mga demograpiko (edad, kasarian, at kita ng sambahayan)
Puwede mong isaayos ang iyong bid para i-target ang mga potensyal na customer mula sa alinmang kasarian at/o sa ilang partikular na sakop na edad at kita. Tinutukoy ng mga pagsasaayos ng demograpikong bid kung gaano kadalas ipinapakita ang iyong mga ad sa gustong audience para masulit ang bawat impression. Matuto pa Tungkol sa pag-target ayon sa demograpiko.
Saan mo magagamit ang mga ito
- Mga campaign at ad group sa bagong karanasan sa Google Ads
Sakop
- -90% hanggang +900%
Pagiging kwalipikado sa pagsasaayos ng bid (mga manual na diskarte sa pag-bid)
Mag-scroll pakanan para tingnan ang buong talahanayan.
Uri ng campaign | Device | Lokasyon | Pag-iiskedyul ng ad | Paraan ng pag-target | Mga listahan ng remarketing para sa mga search ad (Search Network) | Mga Pakikipag-ugnayan (mga pagsasaayos ng tawag) | Demograpiko |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Search Network Campaign | |||||||
Display Network Campaign | - | ||||||
Shopping Campaign | - | ||||||
Display Video Campaign | - | ||||||
YouTube Campaign | - | ||||||
App Campaign | - | - | - | - | - | - | - |
Smart Campaign | - | - | - | - | - | - | - |
Performance Max campaign | - | - | - | - | - | - | - |
Demand Gen campaign | |||||||
Hotel campaign | - | - | - | - | - | ||
Travel campaign | - | - | - | - | - | - |
Naka-automate na pag-bid
- Kung gumagamit ka ng mga strategy sa Smart Bidding na pinapagana ng Google AI, kasama ang Target na CPA, Target na ROAS, Pag-maximize ng mga conversion, at Pag-maximize ng halaga ng conversion, hindi mo kailangang gumawa ng mga manual na adjustment ng bid dahil awtomatikong nagtatakda ng mga bid ang mga strategy na iyon para mag-optimize para sa layunin sa conversion na tinukoy ng customer. Kung gagawa ka ng manual na adjustment ng bid sa iyong naka-automate na strategy sa Smart Bidding, hindi ito susuportahan.
- Nagbibigay-daan sa iyo ang mga adjustment ng bid sa device para sa Target na CPA na baguhin ang value ng iyong target na CPA, sa halip na ang mismong mga bid.
Ibinabalangkas ng chart na ito ang mga uri ng adjustment ng bid na sinusuportahan ng bawat naka-automate na strategy sa pag-bid (mag-scroll pakanan para tingnan ang buong talahanayan).
Uri ng adjustment ng bid | -100% posible? | Pag-maximize sa mga pag-click | Target na Bahagi ng Impression | Target na CPA | Target na ROAS | Pag-maximize sa Mga Conversion | Pag-maximize sa Halaga ng Conversion |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Device | -100% lang | * | -100% lang | -100% lang | -100% lang | ||
Lokasyon | - | - | - | - | - | - | |
Pag-iiskedyul ng ad | - | - | - | - | - | - | |
Mga Audience (kasama ang RLSA) | - | - | - | - | - | - | |
Mga Tawag | - | - | - | - | - | - | |
Demograpiko | - | - | - | - | - | - |
* = Itinuturing na pagsasaayos ng target
Maraming pagsasaayos ng bid
Kapag nagtakda ka ng higit sa isang pagsasaayos ng bid sa iyong campaign, kadalasang sama-samang minu-multiply ang mga pagsasaayos ng bid na iyon upang matukoy kung gaano kalaki ang itataas o ibababa ng iyong bid. Gayunpaman, magkakaiba ang pagkilos ng maraming pagsasaayos ng bid sa device at lokasyon.
Tandaang hindi puwedeng lumampas sa 900% pagtaas ng bid ang mga pinagsama-samang pagsasaayos ng bid. Halimbawa, ang Php50 bid na may pagtaas na 900% sa device na may kasamang pagtaas na 900% sa lokasyon ay hahantong lang sa bid na Php500. Ang pinakamababang posibleng pagsasaayos ng bid kapag nagsasama ng maraming pagsasaayos ng bid ay -90%.
- Maraming pagsasaayos ng bid sa device: Kung nagtakda ka ng pagsasaayos ng bid sa device sa antas ng campaign at ng pagsasaayos para sa parehong device sa antas ng ad group, ang pagsasaayos ng bid sa device ng ad group ang gagamitin para tukuyin ang magreresultang pagsasaayos ng bid. Gayunpaman, kung 100% pagbaba ang pagsasaayos ng bid sa device sa antas ng campaign, hindi gagamitin ang pagsasaayos ng bid sa device sa antas ng ad group.
- Maraming pagsasaayos ng bid sa lokasyon: Hindi pagsasama-samahin ang maraming pagsasaayos na nalalapat sa parehong lokasyon. Kung magtatakda ka ng pagsasaayos na +50% para sa France, at +100% para sa Paris, ang pagsasaayos lang para sa Paris, ang pinakaespesipikong lokasyon, ang magagamit para sa trapiko mula sa mga user sa Paris.
- Maraming pagsasaayos ng bid para sa mga hindi magkakatulad na uri ng ad: Para sa mga hindi magkakatulad na uri ng ad, sama-sama pa ring imu-multiply ang maraming pagsasaayos ng bid, pero magsasaayos ito para sa mga nagbabagong kundisyon. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa
Ipagpalagay nating nagpapagana ka ng campaign na nagta-target sa Pilipinas at nakaiskedyul na gumana sa lahat ng araw ng buong linggo. At, nagtakda ka ng max CPC na bid ng ad group na Php50. Napagpasyahan mong dagdagan ng 20% ang iyong bid para sa Metro Manila, at bawasan ng 50% ang bid mo para sa Sabado. Ang magreresultang bid mo para sa isang paghahanap na mangyayari sa Metro Manila nang Sabado ay Php30. Narito ang kalkulasyon:
Simulang bid: Php50
Pagsasaayos sa Metro Manila: Php50 + (Php50 x 20%) = Php60
Pagsasaayos sa Sabado: PHP50 x 1.20 x 0.50 = PHP30
Magreresultang bid para sa mga paghahanap sa Metro Manila nang Sabado: Php30
Magreresultang bid para sa mga paghahanap sa Metro Manila nang Linggo hanggang Biyernes: Php60
Magreresultang bid para sa mga paghahanap sa ibang lalawigan nang Sabado: Php25
Magreresultang bid para sa mga paghahanap sa ibang lalawigan nang Linggo hanggang Biyernes: Php50