Puwede mong kanselahin ang iyong Google Ads account anumang oras. Hihinto sa paghahatid ang mga ad mo sa loob ng 24 na oras, at puwede kang makatanggap ng karagdagang singil pagkatapos kanselahin ang iyong account para mabayaran ang anumang naipong gastusin bago ang pagkansela. Maa-access mo anumang oras ang isang account na nakansela mo. Kakailanganin mong i-reactivate ang iyong account kung gusto mo ulit itong gamitin sa hinaharap.
Sa artikulong ito
- Bago ka magkansela
- Ano ang dapat asahan pagkatapos kanselahin ang iyong account
- Mga requirement para sa pagkansela
- Paano kanselahin ang iyong account
- Mga problema sa pagkansela sa iyong account
Bago ka magkansela
- Kung wala kang hindi nagamit na pondo sa iyong account, puwede mong i-pause ang iyong mga campaign sa halip na kanselahin ang account mo.
- Kung hindi ka masaya sa performance ng mga campaign mo, suriin ang Pinakamahuhusay na Kagawian ng Google Ads para sa mga tip sa pag-optimize para makapaghatid ng mas magagandang resulta.
Ano ang dapat asahan pagkatapos kanselahin ang iyong account
Mga User
- Gagawing "Sarado" ang lahat ng listahan ng remarketing na pag-aari ng kinanselang account, kabilang ang Customer Match, kaya hindi na makakapagdagdag ng mga bagong user sa mga listahang ito.
- Mga isang buwan pagkatapos magkansela, magiging isang araw ang tagal ng membership ng lahat ng listahan ng remarketing na pag-aari ng kinanselang account, kaya maaalis na ang lahat ng user sa mga listahang ito.
- Kapag naalis na ang mga user, ang mga listahang naka-share sa iba pang account ay hindi na magagamit ng mga account na iyon.
- Ide-delete ang anumang parameter para sa dynamic na remarketing.
Pagsingil
Kung kakanselahin mo ang iyong account, kailangan mo pa ring bayaran ang anumang naipong gastusin. Kung may naiwan kang nare-refund na credit sa iyong account, dapat kang makatanggap ng refund sa orihinal mong paraan ng pagbabayad sa loob ng 4-12 linggo. Sa ilang bansa, posibleng kailanganin mong sagutan ang isang karagdagang form para makakuha ng refund, lalo na kung nagbayad ka sa pamamagitan ng bank transfer. Tandaan na hindi kasama sa halaga ng refund ang anumang halaga mula sa mga pampromosyong alok. Matuto pa tungkol sa Pamamahala ng pagsingil pagkatapos kanselahin ang iyong Google Ads account.
Access sa account
Pagkatapos mong magkansela, maa-access mo pa rin ang data sa iyong Google Ads account sa pamamagitan ng pag-log in. Kung gusto mong gamitin ulit ang Google Ads sa hinaharap, puwede mong i-activate ulit ang iyong account anumang oras. Matuto pa tungkol sa kung paano I-access ang iyong nakanselang Google Ads account.
Mga requirement para sa pagkansela
Upang kanselahin ang iyong account, kakailanganin mo ng:
- Pang-administrator na access sa iyong account
- Kumpleto at aktibong setup ng pagsingil para sa iyong account
Kung magkakansela ka ng manager account at gusto mong kanselahin ang isa sa mga pinamamahalaan mong account, kailangan mo ng:
- Pang-administrator na access sa iyong manager account
- Pagmamay-ari sa account ng kliyente na gusto mong kanselahin
Paano kanselahin ang iyong account
Para kanselahin ang iyong Google Ads account:
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ngAdmin .
- I-click ang Mga setting ng account.
- Sa ilalim ng Status ng Account, i-click ang Kanselahin ang aking account.
Puwede ka ring magkansela ng mga account na nakabinbin ang pag-set up pamamagitan ng pag-click sa icon sa pag-delete sa tabi ng mga ito sa Selector ng account.
Mga problema sa pagkansela sa iyong account
- Kung hindi available ang opsyong kanselahin ang iyong account, basahin ang mga requirement sa pagkansela sa itaas para makasiguradong mayroon ka ng mga naaangkop na pahintulot.
- Kung umalis na sa kumpanya mo ang user na may pang-administrator na access at gusto mong kanselahin ang iyong account, makipag-ugnayan sa Suporta sa Google Ads at sabihin ang sumusunod na impormasyon:
- Customer ID
- Email address sa pag-log in
- Impormasyon sa pagsingil ng account