Ilipat ang mga user account at setting ng account ng Google Ads sa isang pangnegosyong email

Matutunan kung paano magpadala ng mga request (admin ng Google Ads) Matutunan kung paano tanggapin ang isang request (mga user ng Google Ads)

Para makatulong na maprotektahan ang pribadong imormasyon at mabawasan ang panganib ng di-awtorisadong pag-access, puwedeng i-request ng admin ng Google Ads account sa mga user na may personal na access sa ads account ng kumpanya na lumipat sa isang pangnegosyong email.

Kung tinanggap mo ang isang request na ilipat ang iyong account sa isang pangnegosyong email, suriin ang mga setting at property ng Google Ads na kakailanganin mong i-update bago isara ang dati mong user account.

Sa page na ito

Bakit dapat kang lumipat sa mga pangnegosyong email

Fina-flag ng Google ang mga personal o hindi pinapamahalaang email na ginagamit para i-access ang mga account para maalis ng admin ang mga hindi gustong user o hilingin niya sa mga user na lumipat sa pangnegosyong email. Pagkatapos lumipat ng mga user sa isang pangnegosyong email, makakaranas ang admin ng account ng mga benepisyong tulad ng single sign-on, pinahusay na visibility, at higit na kontrol at security.

Halimbawa

Sabihin nating gumagamit ka ng dynamic na remarketing bilang bahagi ng iyong strategy sa pag-advertise. Kung nagla-log in ang mga user ng Google Ads account sa iyong kumpanya gamit ang kanilang personal na email, madaling maaapektuhan ang impormasyon ng audience at mga strategy ng iyong kumpanya sa panahon ng kanilang pananatili at pagkatapos nilang manatili sa kumpanya mo.

Magpadala ng request (admin ng Google Ads account)

Tandaan ang sumusunod na impormasyon tungkol sa pagpapadala ng request:

  • Kumpirmahin ang Cloud Identity o Google Workspace at pamamahala ng domain. Kakailanganin mong i-verify na gumagamit ang iyong organisasyon ng Cloud Identity o Google Workspace sa Google Ads, para makapagpadala ka ng mga request sa user. Pinapayagan ang pag-verify ng maraming domain. Kung hindi pinapamahalaan ang iyong mga domain, matuto pa tungkol sa Cloud Identity.
  • Paghahanda ng Email. Awtomatikong bumubuo at nagpapadala ng mga email ng request ang Google Ads para sa iyo. Kasama sa email ang mga detalyeng tulad ng:
    • Mga detalye tungkol sa request at kung bakit ito ipinadala
    • Balangkas ng mga susunod na hakbang, kasama ang pagbanggit sa 4 na linggong (30 araw) palugit para magpalit ng mga domain
    • Impormasyon sa tulong at suporta

Mga Tagubilin

  1. Sa iyong Google Ads account, buksan ang Access at seguridad.
  2. Mula sa bar sa itaas, buksan ang tab na "Seguridad" at i-click ang mga isyung panseguridad na na-flag para sa mga personal at hindi pinapamahalaang email address.
  3. Sa page na “Mga request na lumipat sa mga domain na pinapamahalaan ng negosyo,” ilagay ang domain ng iyong negosyo, pagkatapos ay i-click ang Kumpirmahin.
    Bilang admin ng Google Ads account, ipinapaliwanag ng animation na ito kung paano magdagdag at kumumpirma ng pangnegosyong email domain na puwedeng gamitin ng mga user sa iyong ads account.
  4. Ulitin ang hakbang 3 para sa lahat ng domain na gusto mong kumpirmahin. Pagkatapos mong idagdag ang lahat ng iyong domain, i-click ang Susunod.
  5. Suriin ang talahanayan at piliin ang mga user account na gusto mong padalhan ng request.
  6. Lagyan ng check ang mga kahon ng mga user account na kailangang lumipat sa mga pangnegosyong email. I-click ang Ipadala ang request.
    Bilang admin ng Google Ads account, gagabayan ka ng animation na ito sa mga hakbang para magpadala ng request na lumipat sa pangnegosyong email domain ang mga user.
  7. I-click ang Susunod para magsuri o mag-download ng listahan ng mga hindi pinapamahalaang user, o para kumopya ng template ng email. I-click ang Tapos na.
    Kinakatawan ng larawang ito ang listahan ng mga hindi pinapamahalaang user kung saan mo masusubaybayan ang mga request na lumipat sa mga domain na pinapamahalaan ng negosyo.

Aabisuhan ka kapag ibinigay at na-verify ng mga user ang kanilang mga pangnegosyong email address.


Subaybayan ang isang request (admin ng Google Ads account)

Pagkatapos mong maipadala ang iyong mga email ng request, puwede mong tingnan ang:
  • Isang listahan ng mga user na may mga personal o hindi pinapamahalaang email
  • Mga tinanggihang request kasama ang dahilan ng user
  • Mga user na hindi pa kumikilos ayon sa kanilang email ng request

Mga Tagubilin

  1. Sa iyong Google Ads account, buksan ang Access at seguridad.
  2. Mula sa bar sa itaas, buksan ang tab na "Seguridad" at i-click ang mga isyung panseguridad na na-flag para sa mga personal at hindi pinapamahalaang email address.
  3. Sa page na “Mga request para lumipat sa mga domain na pinapamahalaan ng negosyo,” puwede mong suriin ang:
    • Mga user na tumanggi sa iyong request
    • Mga user na hindi pa kinilala ang iyong request
    • Mga user na kumumpleto sa iyong request

Tanggapin ang isang request (mga user ng Google Ads)

Mayroon kang palugit na 30 araw para i-access ang iyong Google Ads account mula sa personal o pangnegosyong email mo. Pagkatapos ng palugit, aalisin ang access ng iyong personal na email. Para matiyak ang mas maayos na transition, tiyaking i-update ang mga nauugnay na setting ng account at property sa iyong bagong user account.

Makikita mo sa iyong personal na email ang request na i-update ang domain ng Google Ads mo. Pagkatapos mong matanggap ang request sa iyo, puwede mong ibigay ang iyong pangnegosyong email address o tumanggi nang may paliwanag.

Kung ibibigay mo ang iyong pangnegosyong email address, makakatanggap ka ng email para i-verify ang pangnegosyong email address mo.

Mga Tagubilin

  1. Mula sa email na “Request na lumipat sa iyong pangnegosyong email address para sa mga Google Ads account,” i-click ang Magsimula.
  2. Sa popout na window, ilagay ang iyong pangnegosyong email address at i-click ang Isumite.
  3. Suriin ang listahan ng mga setting, pagkatapos ay i-click ang OK.
  4. Sa account ng iyong pangnegosyong email, hanapin ang email ng kumpirmasyon at sundin ang mga tagubilin.
Tandaan: Kapag pinapamahalaan na ng negosyo ang iyong email, kakailanganin mong ibigay ang mga kredensyal na ibinigay ng IT admin noong unang beses kang nag-log in sa iyong account.

Pagkatapos mong lumipat sa isang pangnegosyong email sa Google Ads, sundin ang mga tagubilin sa ibaba para i-update ang iyong mga setting ng Google Ads.


I-update ang iyong mga setting ng Google Ads (mga user ng Google Ads)

Posibleng hindi nakatakda sa iyong bagong user account ang mga setting ng account at property na dati mong na-set up gamit ang iyong personal na email. Sa ganitong mga sitwasyon, kakailanganin mong i-update ang mga partikular na setting tulad ng: iyong profile sa mga pagbabayad, mga naka-link na account, mga kagustuhan sa notification sa email, enrollment ng subscription sa email, mga device na pang-recover, at 2-step na pag-verify.

Suriin ang listahan ng mga feature at setting sa ibaba para simulang i-update ang iyong bagong user account sa Google Ads.

Mga feature at setting ng Google Ads Mga tagubilin sa pagtatakda
Mga Notification

Puwedeng i-update ng mga bagong user ang kanilang mga kagustuhan sa notification.

Matuto pa Tungkol sa mga notification sa email.

Matutunan kung paano Baguhin ang iyong mga kagustuhan sa notification sa email.

2-step na pag-verify

Puwedeng mag-set up ang bagong user ng 2-Step na Pag-verify.

Matutunan kung paano I-on ang 2-Step na Pag-verify.

Pag-uulat

Dapat idagdag sa mga nakaiskedyul na ulat ang bagong user.

Alamin kung paano Gumawa, mag-save, at mag-iskedyul ng mga ulat mula sa iyong mga talahanayan ng mga istatistika.

Mga naka-link na account (Skillshop)

Dapat i-link ng bagong user ang mga Google Ads at Skillshop account dahil ito lang ang paraan para mabilang ang mga indibidwal na certification sa Skillshop sa mga requirement sa Google Partner ng kumpanya.

Alamin kung paano i-link ang iyong bagong email address sa Ads sa Skillshop account mo.

Mga setting ng campaign (mga Google Ads script) Dapat idagdag ang bagong user sa mga nakaiskedyul na script sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa ibaba:
  • Mag-log in sa Google Ads account gamit ang iyong dating email at i-disable ang mga script.
  • Mag-log in sa Google Ads account gamit ang iyong bagong email at iiskedyul ang mga script.
Matutunan kung paano iiskedyul at pamahalaan ang mga script.
Pag-link ng account

Dapat magdagdag ang user ng bagong email sa mga produkto (tulad ng Google Analytics) na naka-link sa Google Ads account.

Mga link para sa mga pinakakaraniwang ginagamit na produkto:

Para sa iba pang produkto, puwede kang maghanap sa Google Support.

Pagsingil

Dapat idagdag ng mga user ang bagong email bilang admin user sa Profile sa Mga Pagbabayad.

Matutunan kung paano Pamahalaan ang mga user sa iyong profile sa mga pagbabayad.


Mga FAQ

Ano ang domain ng pangnegosyong email?

Ang domain ng pangnegosyong email ay isang listahan ng mga domain ng email ng kumpanya na pinapamahalaan sa isang Cloud Identity o Google Workspace account.

Sino ang may access sa feature na ito?

  • Mga MCC: Admin ng mga top-level na MCC account na gumagamit na ng Cloud Identity o Google Workspace

  • Mga standalone na account: Admin ng mga account na gumagamit na ng Cloud Identity o Google Workspace

Sinong puwedeng mag-request na lumipat sa isang pangnegosyong email address?

Puwedeng mag-request ang mga admin ng mga top-level na MCC account o standalone na account

Sino ang hindi kasama sa proseso?

Hindi kasama ang mga sumusunod na user:
  • Mga user na may email-only na access
  • Mga user ng account ng serbisyo

Puwede bang magpadala ang admin ng Google Ads account ng mga paalala sa email tungkol sa mga request?

Oo. Pagkatapos magpadala ng request, puwede kang magpadala ng hanggang 2 paalala, na hindi bababa sa 30 araw ang pagitan.

Anong mangyayari kapag tinanggihan ng isang user ang request?

Puwedeng suriin ng admin ang mga dahilan kung bakit tinanggihan ng user ang request. Pagkatapos suriin, puwedeng i-archive ng admin ang user o alisin ang kanyang access.

Kailan mag-e-expire ang mga request?

Nag-e-expire ang mga request pagkatapos ng 90 araw.

Anong mangyayari sa pagtatapos ng 30 araw na palugit?

Pagkatapos ng palugit, awtomatikong inaalis ng system ng Google ang user na may access gamit ang personal na email.

Paano makakapag-download ang admin ng isang listahan ng mga hindi pinapamahalaang user?

Makakapag-download ang admin ng isang listahan ng mga hindi pinapamahalaang user mula sa seksyong “Suriin ang mga hindi pinapamahalaang user" sa Google Ads.

Sino ang puwedeng makaugnayan ng admin para ilipat ang mga hindi pinapamahalaang user sa mga business user?

Makipag-ugnayan sa Help Desk o team ng Suporta sa IT para ilipat ang mga hindi pinapamahalaang user sa mga business user sa Cloud Identity o Google Workspace.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu