Paano magbigay ng pahintulot para sa Customer Match

Ang artikulong ito ay para sa mga customer na gumagamit ng mga online at offline na solusyon ng Google at tumatanggap ng data mula sa mga end user na nasa European Economic Area (EEA).

Bilang bahagi ng tuloy-tuloy na commitment ng Google sa ecosystem ng digital na pag-advertise na nakabatay sa privacy, pinapaigting namin ang pagpapatupad ng aming Patakaran sa pagpapahintulot ng user sa EU.

Kung gumagamit ka ng Customer Match, dapat kang sumunod sa Patakaran sa pagpapahintulot ng user sa EU para magamit ang pag-personalize ng ad. Sa 2024, makakaapekto rin ang aming pagkilos sa pagpapatupad sa mga feature ng pagsukat at malalapat ito sa data mula sa:

  • Mga website: Mga tag na nagpapadala ng data sa Google.
  • Mga app: Mga SDK na nagpapadala ng data sa Google.
  • Mga pag-upload ng data: Mga tool para mag-upload ng data mula sa mga source na hindi Google, tulad ng mga pag-import ng offline na conversion o benta sa tindahan.

Para patuloy na magamit ang mga feature ng pagsusukat, pag-personalize ng ad, at remarketing, dapat kang mangolekta ng pahintulot para sa paggamit ng personal na data mula sa mga end user na nakabase sa EEA at magbahagi ng mga signal ng pahintulot sa Google.

Nalalapat din ang mga kinakailangan kung gumagamit ka ng data ng Google Ads sa isang serbisyo ng Google.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano magbigay ng pahintulot para sa Customer Match sa iyong Google Ads account.

Paano ito gumagana

Para sa mga user sa EEA, kakailanganin mong tiyaking nagpapasa ka ng mga pinayagang signal ng pahintulot sa Google para magamit ang Customer Match para sa pag-personalize ng ad. May apat na paraan para matiyak mong nagpapasa ka ng mga kinakailangang signal ng pahintulot habang nag-a-upload ng data mula sa 1P sa Google:

Pag-ingest ng offline na data mula sa first-party:

Pag-ingest ng online na data mula sa first-party:

Pagbibigay ng pahintulot para sa pag-ingest ng offline na data mula sa first-party:

Para magbigay ng pahintulot sa Google Ads API

Ipinapakilala ng Google Ads API v15 ang object ng pahintulot na nagtutukoy ng 2 uri ng pagpapahintulot. Para makasunod sa Patakaran sa pagpapahintulot ng user sa EU at patuloy na magamit ang Customer Match para sa mga user sa EEA, dapat mag-integrate ang mga advertiser sa Google Ads API v15 at itakda ang mga signal ng pahintulot kapag nag-a-upload ng data para sa Customer Match.

Kung wala ang mga pahintulot na ito, tutukuyin ang value ng mga pagpapahintulot bilang hindi pinahintulutan. Hindi ipoproseso ang data mula sa mga user sa EEA na hindi nagbigay ng pahintulot at hindi magagamit para sa pag-personalize ng ad sa pamamagitan ng Customer Match.

Simula sa Marso 2024, para magamit ang mga listahan ng Customer Match sa EEA, dapat itakda ang parehong field ng pahintulot ng uri ng 'ConsentStatus' sa 'GRANTED' para tukuyin na natanggap mo ang kinakailangang pagpapahintulot ng user. Ang mga field ng pahintulot ay:

Pangalan Uri Paglalarawan
ad_user_data ConsentStatus Nagtatakda ng pahintulot para sa pagpapadala ng data ng user sa Google para sa mga layunin ng pag-advertise.
ad_personalization ConsentStatus Nagtatakda ng pahintulot para sa pag-personalize ng ad.

Para magbigay ng pahintulot para sa Customer Match gamit ang Google Ads API, sundin ang mga tagubilin sa post sa blog na ito.

Para magbigay ng pahintulot sa pamamagitan ng partner

Para magbigay ng pahintulot para sa Customer Match sa pamamagitan ng partner gamit ang Audience Partner API, sundiin ang gabay sa FAQ ng partner sa Pag-upload ng Customer Match na ito.

Para manual na magbigay ng pahintulot sa iyong Manager ng Audience sa Google Ads account mo

Para magbigay ng pahintulot para sa Customer Match sa pamamagitan ng manual na pag-upload ng data ng user:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang drop down na Nakabahaging library sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Manager ng audience.
  4. I-click ang tab na Iyong mga segment ng data sa itaas ng page.
  5. I-click ang plus button Add para gumawa ng bagong segment.
  6. Piliin ang Listahan ng customer mula sa drop-down na menu.
  7. Sa ilalim ng “Data source” piliin ang Manual na mag-upload ng file, at i-click ang Magpatuloy.
  8. Sa ilalim ng “Uri ng data” piliin ang uri ng data na gusto mong i-upload - Mag-upload ng Email, Telepono, at/o Address sa Pag-mail, Mag-upload ng mga User ID, o Mag-upload ng Mga Mobile Device ID.
  9. Depende sa Uri ng data na napili, magkakaibang opsyon ang lalabas sa seksyong “Data na ia-upload.”
    • Mag-upload ng Mga Email, Telepono, at/o Address sa Pag-mail
      1. I-upload ang iyong CSV file sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-drop ng file dito o Mag-browse, pagkatapos ay sundin ang hakbang 10 patuloy.
    • Mag-upload ng Mga User ID
      1. I-upload ang iyong CSV file sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-drop ng file dito o Mag-browse, pagkatapos ay sundin ang hakbang 10 patuloy.
    • Mag-upload ng Mga Mobile Device ID
      1. Kung napili ang opsyong ito, magkakaroon ng opsyong piliin ang Android o iOS na platform.
      2. Pagkatapos, Hanapin ang iyong app.
      3. I-upload ang iyong CSV file sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-drop ng file dito o Mag-browse, pagkatapos ay sundin ang hakbang 10 patuloy.
  10. I-click ang I-edit ang mga setting ng paggamit ng data para baguhin ang paggamit ng data sa mga serbisyo ng Google. Bilang default, matatanggap ng lahat ng serbisyo ng Google ang mga listahan ng mga nagpahintulot na user na ia-upload mo. Puwede mong i-update ang setting na ito para pumili ng mga partikular na serbisyo ng Google anumang oras. Ang anumang gagawing pagbabago ay ilalapat sa lahat ng data source at hindi limitado sa mga pag-upload ng data ng Customer Match. Matuto pa tungkol sa mga pangunahing serbisyo ng platform ng Google.
  11. Kung sumasang-ayon ka, lagyan ng check ang kahong “Ang data na ito ay kinolekta at ibinabahagi sa Google alinsunod sa mga patakaran sa Customer Match ng Google.” Dapat kang makakuha ng pahintulot para sa ganoong pagbabahagi kung kinakailangan ng batas o ng anumang naaangkop na patakaran ng Google na sumasaklaw sa mga naka-personalize na ad at/o pahintulot ng user kasama na ang Patakaran sa Pagpapahintulot ng User sa EU ng Google.
    • Tandaan: Pinahintulutang data lang dapat ang ia-upload mo sa pamamagitan ng manual na pag-upload na ito.
  12. Magtakda ng tagal ng membership. Walang limitasyon ang default na tagal ng membership, pero puwede kang magtakda ng custom na limitasyon sa oras.
  13. I-click ang I-upload at gawin ang listahan.
  14. Puwede mong tingnan ang pag-usad ng pag-upload ng iyong file ng data sa "Mga listahan ng mga audience." Puwedeng abutin nang hanggang 48 oras bago matapos ang prosesong ito.
  15. Kapag na-upload na ang iyong data, may makikita kang page ng tagumpay sa pag-upload ng file. May makikita kang impormasyon tungkol sa dami ng mga row na matagumpay na na-upload at sa iyong porsyento ng rate ng pagtugma.
  16. Makikita mo rin ang huling limang pagpapatakbo sa file at mauunawaan mo ang mga istatistika sa pag-upload para sa mga pagpapatakbong iyon.
  17. Para matagumpay na magamit ang iyong file ng data ng customer, mahalagang tiyaking ifo-format mo nang tama ang iyong file ng data ng customer.

Pagbibigay ng pahintulot para sa pag-ingest ng online na data mula sa first-party:

Para magbigay ng pahintulot sa mga listahan ng customer batay sa conversion

Bago ka makapagbigay ng mga signal ng pahintulot sa mga listahan ng customer batay sa conversion, kailangan mong tiyaking na-enable mo ang consent mode.

Kapag na-enable mo na ang consent mode, makakapagpatuloy ka sa paggamit ng mga listahan ng customer na batay sa conversion. Matuto pa tungkol sa pag-set up ng mga listahan ng customer batay sa conversion.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3159390001069566396
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false