Tungkol sa tab na Mga Hotel para sa mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa travel

Sa pamamagitan ng tab na Mga Hotel, madali mong matitingnan ang trapiko ayon sa property ng hotel na nagbibigay sa iyo ng indikasyon sa demand sa bumibiyahe sa iba't ibang lokasyon.

Puwedeng ipakita ang pag-uulat ayon sa ilang dimensyon na nagbibigay-daan sa mga advertiser na makakita ng pag-uulat sa bawat property batay sa mga ipinapakitang asset ng hotel sa ad. May makikita ka ring pangkalahatang-ideya sa property at mga sukatan sa performance para sa mga hotel na ginamit mo sa iyong mga campaign o ad group. Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano tingnan ang tab at kung paano bigyan ng kahulugan ang mga nakalistang sukatan. Matuto pa tungkol sa mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa travel

Tingnan ang tab na Mga Hotel

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. Sa bar ng workspace sa itaas, piliin ang "Mga Performance Max campaign" at piliin ang nauugnay na campaign na Performance Max para sa mga layunin sa travel.
  4. I-click ang Mga Asset sa menu ng seksyon, pagkatapos ay piliin ang "Mga Hotel" para tingnan ang pag-uulat sa tab na Mga Hotel.

Isang screenshot ng UI na nagpapakita ng tab na Mga Hotel sa Google Ads.

Unawain ang tab na Mga Hotel

Pagkatapos mag-navigate papunta sa tab na Mga Hotel, masusuri mo ang mga dimensyon at sukatan para sa bawat hotel sa iyong campaign. Suriin ang impormasyon sa ibaba para maunawaan ang bawat value sa tab.

Mga dimensyon ng attribute ng hotel

  • Pangalan ng hotel: Ang pangalan ng hotel na nakatanggap ng impression. Kung nasa iba't ibang wika ang pangalan ng iyong hotel, ipapakita ng column na ito ang wika na tumutugma sa mga setting mo sa Google Ads, kung mayroon. Kung wala, magde-default sa English ang pangalan ng hotel mo.
  • Place ID: Tinutukoy ng mga Place ID ang isang lugar sa database ng Google Places at sa Google Maps sa natatanging paraan.
  • Final URL: Landing page na tinukoy sa grupo ng asset para sa hotel na ito.
  • URL ng link sa pag-book: Deep link sa proseso ng pagbili para sa isang kuwarto kapag available ang isang itinerary.
  • Status: Nasa ibaba ang mga status ng feed ng hotel na puwedeng ipakita sa iyong account at posibleng mga dahilan para sa bawat status.
    • Kwalipikado

      • Na-set up nang tama ang hotel, at may source ng rate na gumagana nang maayos na ginagamit para sa mga ad nito.
    • Kwalipikado (limitado)

      • Hindi tumugma ang hotel: Hindi matukoy ng Google kung aling hotel ang lalabas sa mga ad gamit ang impormasyon mula sa source ng rate. Matuto pa tungkol sa mga isyu ng status ng hotel. Alamin kung paano Lutasin ang mga isyu sa pagtutugma ng property*
      • Problema sa landing page: Ang hotel na ito ay nasa isang campaign na gumagamit ng source ng rate nang walang landing page o limitado ang sakop ng presyo.
      • Walang presyo: May feed ng presyo para sa hotel na ito, pero may problema ito sa configuration na pumipigil sa Google sa pag-retrieve ng mga presyo. Halimbawa, nawawala ang naka-cache na rate, na-block ang itinerary, hindi naka-set up ang live na pagpepresyo, naubos ang bandwidth, timeout sa live na pagpepresyo, o error sa live na pagpepresyo.*
      • Problema sa Presyo: May isa o higit pang problema sa mga presyo sa source ng rate na ito. Halimbawa, di-pangkaraniwang mataas o mababa ang mga presyo, o walang buwis at bayarin sa mga presyo. Alamin ang tungkol sa Pag-troubleshoot sa nawawala o hindi kumpletong presyo
      • Hindi Available ang Presyo: Nagkaroon ng isyu sa pagkuha ng mga presyo para sa hotel na ito.*
      • Iba pa: Nagkaroon ng isyu sa pagpapakita ng mga ad para sa hotel na ito.
  • Bansa o rehiyon: Ang bansa kung nasaan ang hotel mo (kumpara sa “Bansa ng User,” na lokasyon ng end-user sa panahon ng impression). Nasa eksatong isang bansa ang bawat hotel ID.
  • Estado: Ang estado kung nasaan ang hotel mo.
  • Lungsod: Ang lungsod kung nasaan ang hotel mo.
  • URL ng landing page: Isa itong URL ng landing page na naka-link sa property.

*Kung hindi mo ginagamit ang iyong Hotel Center para mag-source ng mga rate, matuto pa tungkol sa kung paano tugunan ang mga isyu rito.

Mga Sukatan

Sa tab na “Mga Hotel,” masusuri mo ang mga sukatan ng performance at demand sa hotel. Suriin ang impormasyon sa ibaba para maunawaan ang mga pagkakaiba-iba sa bawat sukatan.

Mga sukatan ng performance

  • Impr. (mga impression): Ang dami ng beses na ipinakita ang iyong ad.
  • Mga Pag-click: Ang dami ng beses na na-click ang iyong ad.
  • Gastos: Ang kabuuan ng iyong nagastos sa isang partikular na panahon.
  • CTR (clickthrough rate): Ang ratio ng kung gaano kadalas nag-click sa iyong ad o libreng listing ng produkto ang mga customer na nakakita nito.
  • Avg. na CPC: Ang average na halaga na siningil sa iyo para sa isang pag-click sa iyong ad.
  • Mga sukatan ng conversion: Matuto pa tungkol sa iyong data ng pagsubaybay sa conversion
  • Mga competitive na sukatan (Bahagi ng impression sa Search, Nangungunang bahagi ng impression, absolute. Nangungunang bahagi ng impression): Isang paghahambing sa iyong bahagi ng impression kumpara sa iba pang advertiser na may mga katulad na setting.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7529482539780914516
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false