Gumawa ng Display campaign

Ang anumang Smart Display campaign sa iyong account ay awtomatikong mama-migrate nang wala kang kailangang gawin. Hindi rin magdudulot ng anumang pagbabago-bago sa performance ng iyong campaign ang pag-migrate. Matuto pa Tungkol sa mga (bagong pinasimpleng) Display campaign.
Tandaan: Habang pinapahusay ng Google ang proseso sa pag-onboard ng bagong user, puwedeng makaranas ang mga bagong user ng Google Ads ng na-update na workflow. Ang content sa ibaba ay tumutukoy sa mga user ng Google Ads na nakagawa na ng kanilang Google Ads account at naka-log in na rito. Ia-update ng bagong impormasyon ang page na ito sa 2023.
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Display campaign na maabot ang isang nauugnay na audience gamit ang mga makatawag-pansing ad habang nagba-browse sila sa milyon-milyong website, app, at property na pagmamay-ari ng Google (tulad ng YouTube) para maabot ang mga layunin mo sa marketing.
Ang mga tumutugong display ad ay ang pangunahing format para sa mga Display campaign at lumalabas ang mga ito sa maraming property

Ang Display campaign ay isang uri ng campaign na available sa iyo sa Google Ads.


Mga Benepisyo

  • Maabot ang mga nauugnay na tao sa maraming lugar: Maaabot ng mga Display campaign ang mga tao sa buong mundo sa milyon-milyong website at app, at sa mga property na pagmamay-ari ng Google. Nagbibigay-daan ito sa iyong palawakin ang abot mo at maalala kaagad ng isang audience sa labas ng Google Search.
  • Buuin ang mga campaign ayon sa mga layunin mo: Humimok ng mga benta, mga lead, at trapiko sa website, o bumuo ng kaalaman at pagsasaalang-alang para sa iyong negosyo, produkto, o serbisyo.
  • Dinisenyo para sa madaling paggamit: Gumagamit ang mga Display campaign ng mga advanced na solusyon na pinapagana ng Google AI sa pag-target, pag-bid, at mga format para maabot ang isang bago o kasalukuyang audience. Makakatulong ito sa iyong campaign na maihatid ang pinakamahuhusay na resulta ng campaign, nang walang problema. Pinapagana ng Google AI ang karamihan sa mga feature ng Display, tulad ng Smart Bidding, naka-optimize na pag-target, at mga tumutugong display ad.

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

1. Gumawa ng bagong Display campaign.

Magsisimula ka sa pamamagitan ng paggawa ng bagong campaign sa iyong Google Ads account at pagpili ng layunin para sa campaign mo. Naaayon dapat ang pipiliin mong layunin sa gusto mong makamit gamit ang iyong campaign. Halimbawa, kung gusto mong himukin ang mga tao na bumisita sa iyong website, piliin ang Trapiko sa website kapag ginawa mo ang campaign.

Gumawa ng bagong campaign at magtakda ng layunin

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang dropdown na Mga Campaign .
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. Piliin ang plus button , pagkatapos ay piliin ang Bagong campaign.
  5. Piliin ang Benta, Mga Lead, Trapiko sa website, o Kaalaman sa brand at abot.
    • Kung walang kang iniisip na layunin, puwede mo ring piliin ang Gumawa ng campaign nang walang gabay ng layunin.
  6. Piliin ang Display bilang uri ng campaign.
  7. Piliin ang Karaniwang display campaign bilang subtype ng campaign.
  8. Ibigay ang URL para sa website ng iyong negosyo.
  9. Maglagay ng pangalan para sa iyong campaign.
  10. Piliin ang Magpatuloy.

2. Piliin ang mga setting ng iyong campaign

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga setting ng campaign mo na piliin ang mga lokasyon at wika kung saan mo gustong lumabas ang iyong mga ad. Puwede mo ring piliin kung gaano kadalas lalabas ang iyong mga ad sa parehong customer, mag-opt out sa pagpapakita ng mga ad mo sa content na hindi angkop sa iyong brand, magtakda ng mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos para sa campaign mo, at higit pa.

Pumili ng mga lokasyon at wika

  1. Piliin ang mga heograpikong lokasyon kung saan lalabas ang iyong mga ad o mga lugar na gusto mong ibukod. Matuto pa tungkol sa pag-target sa lokasyon.
    • Posibleng maging kapaki-pakinabang ang mga pagbubukod kung nagta-target ka ng mas malaking lugar at may gusto kang iwasang lokasyon sa loob nito. Halimbawa, baka gusto mong i-target ang buong Pilipinas, maliban sa isang partikular na lalawigan o lungsod.
  2. Ilagay ang mga wikang gusto mong i-target. Dapat tumugma ang mga ad na gagawin mo sa mga wikang pipiliin mong i-target. Matuto pa tungkol sa pag-target sa wika.

Mga karagdagang setting ng campaign

Pag-rotate ng ad: Magpakita ng mga ad na inaasahang makakakuha ng higit pang pag-click o conversion. Puwede mong piliing i-optimize ang pag-rotate para sa iyong pinakamahuhusay na ad (inirerekomenda para sa karamihan ng mga campaign) o i-rotate ang mga ad nang walang limitasyon. Para sa ilang uri ng campaign, puwede mo ring piliing mag-optimize para sa mga conversion o mag-rotate nang pantay-pantay.

Iskedyul ng ad: Para limitahan kung kailan puwedeng gumana ang iyong mga ad, magtakda ng iskedyul ng ad. Tandaang gagana lang ang iyong mga ad sa mga panahong ito.

Mga Device: Nagbibigay-daan sa iyo ang pag-target ng device na piliin ang mga uri ng mga device kung saan lalabas ang ad mo. Puwede kang magpakita ng mga ad sa lahat ng device o i-target ang mga partikular na device (halimbawa, puwede mong piliing ipakita ang iyong mga ad sa mga mobile device lang).

Mga opsyon sa URL ng campaign: Kung gumagamit ka ng third-party na tracker ng pag-click o nakabuo ka ng mga kumplikadong kakayahan sa pagsubaybay sa pag-click na pagmamay-ari mo, puwede kang magdagdag ng custom na template ng pagsubaybay. Nagbibigay-daan sa iyo ang isang template ng pagsubaybay na maglagay ng karagdagang impormasyon sa URL para matukoy ang source ng isang pag-click sa indibidwal na ad.

Mga pagbubukod ng content: Mag-opt out sa pagpapakita ng iyong mga ad sa content na hindi angkop sa brand mo. Puwede kang pumili batay sa mga digital na label ng content, sensitibong content, o mga uri ng content.

Mga dynamic na ad: Magdagdag ng feed ng produkto sa iyong campaign para makapagpakita ka ng naka-personalize na content batay sa kung ano ang tiningnan ng mga tao sa website o app mo.

Mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos: Kung gusto mong magsimula o magtapos ang iyong campaign sa isang petsa sa hinaharap, puwede kang magtakda ng petsa ng pagsisimula at/o pagtatapos.

Mga Conversion: Kinokontrol ng setting na ito kung aling mga pagkilos na conversion ang iniuulat sa column na "Mga Conversion" para sa campaign na ito. Kung gumagamit ka ng Smart Bidding, mag-o-optimize ang iyong mga diskarte sa pag-bid para sa mga conversion na ito.

3. Itakda ang iyong badyet at diskarte sa pag-bid

Naiimpluwensyahan ng iyong badyet kung gaano kadalas ipinapakita ang mga ad mo at kung gaano kitang-kita ang pagkakatampok sa mga ito. Tinutukoy ng iyong diskarte sa pag-bid ang paraan ng paggastos sa badyet mo. Sinusuportahan ng mga Display campaign ang naka-automate na diskarte sa pag-bid at diskarte sa Smart Bidding na puwedeng mamahala sa mga bid mo para sa iyo at makakatulong sa iyong maabot ang mga layunin sa performance.

Pumili ng badyet at diskarte sa pag-bid

  1. Ilagay ang iyong pang-araw-araw na badyet. Ito ang average na halagang gusto mong gastusin bawat araw.
  2. Piliin ang iyong diskarte sa pag-bid. Awtomatikong magmumungkahi ang mga Display campaign ng diskarte sa pag-bid para sa iyo batay sa layunin ng campaign mo. Kung ayaw mong gumamit ng iminumungkahing diskarte sa pag-bid, puwede kang manual na pumili ng diskarte sa pag-bid:

Basahin ang aming gabay sa Smart Bidding

4. Piliin ang iyong diskarte sa pag-target

Nag-aalok ang mga Display campaign ng maraming paraan para maabot mo ang mga tao. Puwede mong:

  • Hayaan ang Google Ads na mahanap ang mga bahagi ng audience na may pinakamahusay na performance para sa iyo gamit ang naka-optimize na pag-target.
  • Maglagay ng mga karagdagang pamantayan tulad ng mga segment ng audience o keyword (kilala rin bilang "mga signal sa pag-target") sa naka-optimize na pag-target para makahanap ng mga katulad na pamantayan kung saan ihahatid ang iyong mga ad.
  • O kaya, i-off ang naka-optimize na pag-target at pumili ng mga signal sa pag-target na pinakamakabuluhan para sa iyong campaign.

Mag-set up ng pag-target

Kung ayaw mong magdagdag ng anumang signal sa pag-target, piliin ang Susunod para patuloy na buuin ang iyong campaign.

Para magdagdag ng mga signal sa pag-target:

  1. Piliin ang Magdagdag ng pag-target.
  2. Piliin ang iyong mga signal sa pag-target.
  3. (Opsyonal) Para i-off ang naka-optimize na pag-target, magdagdag muna ng mga signal sa pag-target, i-expand ang seksyong Naka-optimize na pag-target, at pagkatapos ay i-deselect ang checkbox sa tabi ng "Gamitin ang naka-optimize na pag-target."
  4. Piliin ang Susunod.

Aling opsyon sa pag-target ang angkop para sa akin?

  • Gusto mong makaabot ng mga bago at nauugnay na customer habang natutugunan ang iyong mga layunin: Panatilihing naka-enable ang naka-optimize na pag-target. Hindi mo kailangang magdagdag ng mga signal sa pag-target.
  • Gusto mong makaabot at makakuha ng mga bago at nauugnay na customer, at mayroon kang mga partikular na segment ng audience na gusto mong maabot: Magdagdag ng mga signal sa pag-target sa campaign at panatilihing naka-enable ang naka-optimize sa pag-target.
  • Ayaw mong maghanap ng mga bagong customer: I-off ang naka-optimize na pag-target at gamitin ang mga kasalukuyan mong segment ng data.

Matuto pa tungkol sa naka-optimize na pag-target

5. Gumawa ng mga tumutugong display ad

Sinusuportahan ng mga Display campaign ang mga tumutugong display ad. Sa mga tumutugong display ad, puwede mong i-upload ang iyong mga asset (mga larawan, headline, logo, video, at paglalarawan), at bubuo ang Google AI ng mga kumbinasyon ng ad para sa mga website, mga app, YouTube, at Gmail.

Para gawing mas epektibo ang iyong mga ad, pag-isipang mag-upload ng:

  • 5 o higit pang larawan
  • 2 o higit pang logo
  • 5 headline
  • 5 paglalarawan
  • Isang video

Kung gusto mong magkaroon ng higit pang kontrol sa mga creative para sa iyong mga Display campaign, puwede ka ring bumuo at mag-upload ng sarili mong mga image ad.

Kapag tapos ka na, piliin ang Idagdag sa ad group. Pagkatapos, puwede mong piliing magdagdag ng bagong tumutugong display ad sa parehong campaign, o piliin ang Susunod para i-finalize ang iyong campaign.

Matuto pa tungkol sa paggawa ng mga tumutugong display ad.

6. Suriin ang iyong campaign

Sa page na “Suriin,” magkakaroon ka ng pagkakataong suriin ang lahat ng napili mong setting.

Puwede mong tugunan dito ang mga potensyal na isyung inilalarawan sa mga notification ng alerto. Para magawa ito, i-click ang Ayusin ito sa notification.

Kung makatanggap ka ng notification tungkol sa isang isyu na pumipigil sa pag-publish ng campaign, hindi mo mapa-publish ang iyong campaign hanggang sa malutas ang isyung iyon.

Kung handa ka nang mag-publish, piliin ang I-publish ang campaign.


Ano ang susunod

Kapag tapos mo nang i-set up ang iyong campaign, puwedeng abutin nang ilang araw bago magsimulang lumabas ang mga ad mo. Karaniwang naaaprubahan ang mga ad sa loob ng isang business day. Ang pag-uulat para sa mga Display campaign ay puwedeng abutin nang hanggang 72 oras bago lumabas sa iyong Google Ads account.

Puwedeng matagalan bago ganap na ma-optimize ng iyong diskarte sa pag-bid ang performance. Kung hindi mo makita ang mga resultang hinahanap mo sa unang 14 na araw ng iyong campaign, pag-isipang taasan ang bid mo o i-update ang iyong strategy sa pag-bid sa I-maximize ang mga conversion. Dapat mo ring tiyaking may sapat na badyet para suportahan ang iyong campaign.

Gamitin ang Performance Planner kapag may kahit isang linggo nang live ang iyong campaign. Tinitingnan ng Performance Planner ang dating data para sa iyong campaign at pagkatapos ay nagbibigay ito ng mga praktikal na rekomendasyon para sa mga campaign sa hinaharap. Puwede kang mag-access ng available na headroom, mag-simulate ng iba't ibang kalagayan ng bid at badyet, humula ng mga conversion, mag-maximize ng paglago, magsuri ng seasonality, at gawing mas epektibo ang iyong campaign. Ang mas maganda pa, magagamit mo ang Performance Planner para magsuri ng maraming Display campaign nang sabay-sabay.

Handa ka na bang magsimula?

Gumawa sa iyong account

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
600043863518785900
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false