Gumawa ng pamilya sa Google

Kapag gumawa ka ng grupo ng pamilya, ikaw ang magiging manager ng pamilya. Puwede kang gumawa ng grupo ng pamilya na binubuo ng hanggang 6 na tao kapag:

Tingnan kung paano gumawa ng pamilya sa Google One

Gumawa ng pamilya gamit ang Google Assistant

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Assistant Assistant
  2. Sabihin ang "Ok Google, i-set up ang aking pamilya."
  3. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Nakakatanggap ako ng error kapag ginagawa ko ang aking grupo ng pamilya

Hindi natugunan ang kinakailangang edad

Para mamahala ng grupo ng pamilya, dapat ay lampas ka na sa legal na edad sa iyong bansa. Puwede kang imbitahan ng manager ng pamilya na sumali sa grupo ng pamilya niya.

Kabilang ka na sa isang grupo ng pamilya

Puwede ka lang maging bahagi ng isang grupo ng pamilya sa bawat pagkakataon. Para gumawa ng bagong grupo ng pamilya, i-delete ang iyong kasalukuyang grupo ng pamilya at gumawa ng bagong pamilya.

Hindi sinusuportahan ang account

Hindi ka puwedeng gumawa ng grupo ng pamilya gamit ang Google Account mula sa iyong trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon.

Nagkaproblema sa paggawa ng grupo ng pamilya

Isang beses ka lang puwedeng lumipat ng grupo ng pamilya bawat 12 buwan. Baka kailangan mong maghintay nang 12 buwan bago ka makagawa ng o makasali sa bagong grupo ng pamilya.

Hindi sinusuportahan ang bansa o hindi sinusuportahan ang pamilya

Tiyaking pare-pareho ng bansa sa Google Play ang manager ng pamilya at ang mga miyembro ng pamilya.

Nakakatanggap ako ng error kapag nagdaragdag ako ng mga miyembro ng pamilya

Hindi nauugnay ang email address sa Google Account

Kung ginagamit mo ang Google Assistant para gumawa ng iyong grupo ng pamilya, mga email address lang na nauugnay sa mga Google Account ang puwedeng maging bahagi ng pamilya. Para magsama ng email address na hindi nauugnay sa Google Account, gumawa ng grupo ng pamilya gamit ang ibang produkto.

Hindi ka puwedeng magdagdag sa iyong grupo ng pamilya ng Google Account mula sa trabaho, paraalan, o iba pang organisasyon.

Nasa grupo ng pamilya na ang miyembro ng pamilya

Puwede lang maging bahagi ng isang grupo ng pamilya ang miyembro ng pamilya mo sa isang pagkakataon. Ang miyembro ng pamilya mo ay puwedeng umalis sa kasalukuyan niyang grupo ng pamilya at sumali sa iyong grupo ng pamilya.

Lumipat na ng grupo ng pamilya ang miyembro ng pamilya

Isang beses ka lang puwedeng lumipat ng grupo ng pamilya bawat 12 buwan. Baka kailangang maghintay ng miyembro ng pamilya mo nang hanggang 12 buwan bago siya makaalis sa kasalukuyan niyang grupo ng pamilya at makasali sa iyo.

Hindi sinusuportahan ang bansa o hindi sinusuportahan ang pamilya

Tiyaking magkakapareho kayo ng bansa sa Google Play ng mga miyembro ng pamilya mo.

Nakakakuha ako ng hamon sa CVN kapag nag-iimbita ako ng mga miyembro ng pamilya

Kung magse-set up ka ng paraan ng pagbabayad ng pamilya, baka hilingin sa iyong i-verify ang numero ng CVN para sa credit card mo kapag nag-imbita ka ng mga tao sa iyong pamilya.

Bilang bahagi ng pag-verify na ito, puwede kang makakita ng nakabinbing pahintulot sa iyong credit card statement.

Isinasagawa ang mga awtorisasyong ito para matiyak ng Google na valid ang card. Ito ay hindi mga aktwal na singil, at hindi mo babayaran ang mga ito.

Puwedeng manatili ang mga pahintulot sa iyong account nang hanggang 14 na business day. Kung nakikita mo pa rin ang nakabinbing pahintulot pagkalipas ng 14 na business day, makipag-ugnayan sa iyong bangko para sa higit pang impormasyon.

Mga tungkulin ng mga miyembro ng pamilya

Manager ng pamilya

Kapag gumawa ka ng grupo ng pamilya, ikaw ang magiging manager ng pamilya. Ang manager ng pamilya lang ang puwedeng:

Puwedeng mag-subscribe sa Google One ang sinumang nasa hustong gulang sa iyong pamilya. Hindi kailangang iisang tao lang ang manager ng Google One plan at ang manager ng pamilya.

Magulang

Sinumang itatalaga ng manager ng pamilya bilang magulang ay lampas na dapat sa legal na edad sa kanilang bansa.

Magagawa ng mga magulang na:

  • Mag-apruba ng mga pagbili sa Google Play
  • Baguhin ang parental controls at mga setting ng pag-apruba sa pagbili ng mga miyembro ng pamilya
  • Gamitin ang Family Link para tumulong na subaybayan ang mga Google Account para sa mga bata

Mahalaga: Inilalapat lang ang mga setting ng pag-apruba sa pagbili sa mga pagbili gamit ang system ng pagsingil ng Google Play.

Miyembro ng pamilya
  • Puwedeng sumali ang isang miyembro ng pamilya sa isang grupo ng pamilya kapag inimbitahan siya ng manager ng pamilya.
  • Kung may nag-imbita sa iyo sa kanyang grupo ng pamilya, matuto pa tungkol sa kung ano ang mangyayari kapag sumali ka sa isang grupo ng pamilya.
Miyembro ng pamilya (limitadong access)

May limitadong access sa mga serbisyong pampamilya ang isang miyembro ng pamilya na may ganitong status. Kapag tinanggap niya ang kanyang imbitasyong sumali sa pamilya, magkakaroon siya ng ganap na access sa mga serbisyong pampamilya. Halimbawa, ang isang nakabinbing miyembro ng pamilya ay makakatanggap ng mga email na ipinadala sa grupo ng pamilya, pero hindi niya magagamit ang Assistant para magpadala ng mga email sa pamilya hangga't hindi niya tinatanggap ang imbitasyon sa kanya.
 
Puwedeng tanggapin ng mga miyembro ng pamilya na may limitadong access ang kanilang imbitasyon sa g.co/YourFamily.

Inimbitahang miyembro ng pamilya

Walang access sa mga serbisyong pampamilya ang isang inimbitahang miyembro ng pamilya hangga't hindi niya tinatanggap ang imbitasyon sa kanyang sumali sa pamilya.

  • Para sumali sa pamilya, puwedeng tanggapin ng isang inimbitahang miyembro ang imbitasyong ipinadala sa kanyang email address o numero ng telepono.
  • Para magpadala ulit ng imbitasyon, alisin sa pamilya ang inimbitahang miyembro at idagdag siya ulit.

Mga produkto ng Google na magagamit mo bilang pamilya

Kapag gumawa ka ng grupo ng pamilya, magagawa mong:

  • Gamitin ang paraan ng pagbabayad ng pamilya: Kung magse-set up ka nito, makakabili ang iyong pamilya sa Google Play gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.
  • Gumamit ng mga serbisyong pampamilya: Puwede kang gumamit ng o mag-subscribe sa mga serbisyong pampamilya tulad ng Google One, Google Play Family Library, at plan ng pamilya sa YouTube TV. Para makakita ng mga serbisyong available sa iyong pamilya, pumunta sa g.co/YourFamily.
  • Gumamit ng nakabahaging storage: Puwede kang maging miyembro ng Google One at magbahagi ng storage sa hanggang 5 miyembro ng pamilya. Alamin kung paano gumagana ang pagbabahagi sa pamilya sa Google One.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12927385151925946430
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
108860
false
false