Notification

Na-upgrade sa Meet ang Duo bilang iisa mong app para sa pakikipag-video call at mga meeting. Matuto pa.

Tumawag gamit ang Google Duo

Puwede mong gamitin ang Google Duo para gumawa ng mga video o voice call. Ginagawa ang lahat ng tawag sa pamamagitan ng iyong mobile data plan o koneksyon sa WiFi. Hindi ginagamit ng mga tawag ang mga minuto sa mobile mo. Kung gagamitin mo ang iyong mobile data, puwedeng may mga babayaran.

Sa mobile, puwede ka ring gumawa, mag-iskedyul, o sumali sa meeting sa pamamagitan ng Duo app.Alamin kung paano gamitin ang mga feature ng Google Meet sa Google Duo app.

Bago ka magsimula

I-set up ang Google Duo

Magsimula ng video o voice call

  1. Buksan ang Google Duo app Duo.
  2. Sa itaas, maghanap sa mga contact o mag-dial ng numero.
  3. I-tap ang contact o ang numero na tatawagan. 
  4. Pumili ng opsyon:
    • Para makipag-video call, i-tap ang  Tumawag.
    • Para tumawag ng audio lang, i-tap ang Voice call .

Magsimula ng panggrupong video call

Puwede kang magkaroon ng hanggang 32 kalahok sa isang panggrupong video call sa Google Duo. 

Gumawa ng grupo

  1. Buksan ang Google Duo app Duo.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Bagong tawag at pagkatapos ay Gumawa ng grupo.
  3. Piliin ang iyong mga contact.
  4. Opsyonal:  Puwede mong pangalanan ang grupo. I-tap ang I-edit Edit, maglagay ng pangalan, at i-tap ang I-save. Lalabas ang pangalan para sa lahat ng nasa grupo.
  5. I-tap ang Tapos na at pagkatapos ay Magsimula.

Tip: Naka-on ang iyong video bilang default. I-tap ang Video  para i-off o i-on ang iyong video.

Magbahagi ng link para makapagsimula ng panggrupong tawag

  1. Buksan ang Google Duo app Duo.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Bagong tawag at pagkatapos ay Gumawa ng grupo.
  3. Piliin ang iyong mga contact.
  4. I-tap ang Tapos na.
  5. Para ibahagi ang link o magdagdag ng mga contact, i-tap ang Kopyahin Kopyahin o Ibahagi Ibahagi.
    • Kung iki-click ng tatanggap ang link sa isang computer, bubuksan nito ang duo.google.com.
    • Kung ita-tap ng tatanggap ang link sa mobile at may naka-install na Google Duo, bubukas ang Google Duo app.
    • Kung ita-tap ng tatanggap ang link sa mobile at walang naka-install na Google Duo, bubuksan ng link ang Google Duo sa Google Play o App Store.
  6. I-tap ang Magsimula.

Tawagan ang isang kasalukuyang grupo o sumali sa isang live na panggrupong tawag

Mahalaga: Makakasali lang ang mga account ng bata sa isang grupo kung nasa nasabing grupo ang kahit isa lang sa kanilang mga contact

  1. Buksan ang Google Duo app Duo.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Bagong tawag.
  3. Sa ilalim ng “Mga Grupo,” tumawag sa isang grupo o sumali sa isang live na grupo. Kung may “Live” sa ibaba ng pangalan ng grupo, live ang tawag at puwede kang sumali.
    • Para tumawag sa isang kasalukuyang grupo: I-tap ang pangalan ng grupo o ang mga kalahok sa grupo at pagkatapos ay Magsimula makipag-video call.
    • Para sumali sa isang live na panggrupong tawag: I-tap ang pangalan ng grupo o ang mga kalahok sa grupo at pagkatapos ay Sumali makipag-video call.

Mag-rename ng grupo, magdagdag ng mga miyembro, mag-reset ng link ng grupo, o umalis sa isang grupo

  1. Buksan ang Google Duo app Duo.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Bagong tawag.
  3. Sa ilalim ng “Mga Grupo,” mag-tap ng grupo at pagkatapos ay Higit pang opsyon .
  4. Pumili ng opsyon at sundin ang mga tagubilin sa screen.

Tip: Puwede kang gumamit ng mga Siri shortcut sa Duo. Alamin kung paano magdagdag, mag-alis, o magpalit ng mga Siri shortcut.

Mga kahina-hinalang grupo

Kung makakatanggap ka ng panggrupong imbitasyon na may mga kasamang naka-block na account o taong wala sa iyong mga contact, mamarkahan ng Google Duo ang grupo bilang kahina-hinala. Hindi ka bibigyan ng Google Duo ng anumang impormasyon tungkol sa mga miyembro ng grupo na na-block mo.

Puwede kang sumali o tumangging sumali sa grupo. Kung sasali ka, hindi ia-unblock ng Google Duo ang mga taong na-block mo.

Mag-alis ng miyembro ng grupo

  1. Buksan ang Google Duo app Duo.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Bagong tawag.
  3. Sa ilalim ng “Mga Grupo,” mag-tap ng grupo.
  4. Pindutin nang matagal ang contact na gusto mong alisin.
  5. I-tap ang Alisin sa grupo.
    • Opsyonal: Puwede mo ring i-block ang miyembro ng grupo.

Tip: Kung iki-click ng taong na-block mo ang orihinal na link para makasali ulit sa grupo, makakatanggap siya ng mensaheng walang ganoong grupo. Mare-refresh ang link ng grupo para sa lahat ng iba pang nasa grupo. Matuto tungkol sa mga naka-block na numero sa mga panggrupong tawag.

Ayusin ang mga problema sa mga tawag

Hindi makakita ng mga effect o filter
Kung walang effect o filter, posibleng mas luma ang iyong bersyon ng iOS o mas luma ang device mo. Gumagana ang mga feature na ito sa iOS 11 o mas bago, at sa iPhone 6s o mas bago. 
Hindi nakakatanggap ng mga notification ng tawag

Tiyaking:

  • Mayroon ka ng pinakabagong bersyon ng Google Duo app.
  • Nakakonekta ka sa WiFi.
  • Mayroon kang koneksyon sa data. 

Alamin kung paano ayusin ang mga nawawala o naantalang tawag.

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14373689316405866406
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
720853
false
false