Mga nawawalang code ng negosyo para sa mga maramihang pag-upload

Bago mo ma-import ang iyong spreadsheet, dapat may natatanging code ng tindahan ang bawat lokasyon. Kapag may natatanging code ng tindahan ang bawat lokasyon sa iyong account, siguradong tumpak na mailalapat ang mga pagbabago sa bawat lokasyon kapag nag-import ka ng bagong spreadsheet.

Tip: Sundin ang mga hakbang na ito para sa tulong sa mga duplicate na code ng tindahan.

Magdagdag ng mga code ng tindahan

Sa Profile ng Negosyo, puwede kang magdagdag o magbago ng mga code ng tindahan anumang oras. Gamit ang Business Profile Manager, puwede kang mag-upload nang maramihan gamit ang isang spreadsheet sa mga bagong code ng tindahan para sa mga bagong lokasyon. Matutunan kung paano mag-upload nang maramihan gamit ang mga spreadsheet.

Para magdagdag o magbago ng mga nawawalang code ng tindahan:

  1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
  2. Piliin ang menu na tatlong tuldok at pagkatapos ay Mga setting ng Profile ng Negosyo at pagkatapos ay Mga advanced na setting.
  3. Para idagdag o baguhin ang iyong mga code ng tindahan, sa tabi ng “Code ng tindahan,” piliin ang lapis I-edit
  4. Sa lalabas na window, ilagay ang code ng tindahan.
  5. Piliin ang I-save.

​Tandaan

  • Maaaring maging code ng tindahan ang anumang natatanging identifier. Puwedeng kahit ano ang code ng tindahan, mula sa pangalan ng lugar hanggang sa random na numero, basta't iisang lokasyon pa rin ang tinutukoy nito.
  • Ilagay ang pangalan ng iyong brand sa code ng tindahan mo para hindi ka malito sa mga spreadsheet (para sa magkakahiwalay na account ng negosyo o personal na account). Halimbawa, kung may 100 lokasyon ang Google, maaaring ang pangalan ng mga ito ay "GOOG1," "GOOG2," "GOOG3," atbp. Matuto pa tungkol sa pag-format ng mga code ng tindahan.

Sa iyong spreadsheet ng maramihang pag-upload

Para magbago ng code ng tindahan, gamitin ang Business Profile Manager.

Gagana lang ang pagdaragdag ng mga code ng tindahan gamit ang spreadsheet ng maramihang pag-upload kapag magdaragdag ka ng bagong lokasyon. Kung magdaragdag o magbabago ka ng code ng tindahan sa kasalukuyang lokasyon, gagawa ito ng duplicate na lokasyon.

  1. I-download ang iyong mga lokasyon sa isang spreadsheet.
  2. Maglagay ng mga code ng tindahan sa spreadsheet. Huwag baguhin ang address ng anumang lokasyon.
  3. I-upload ang spreadsheet na naglalaman ng mga bagong code ng tindahan.

Kung mayroon kang offline na spreadsheet, tiyaking ginagamit din nito ang mga bagong code ng tindahan.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5562307795815635349
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false