Unawain ang pag-apruba ng produkto

Para makapagbigay ng magandang experience para sa mga potensyal na customer, bumuo kami ng isang hanay ng mga patakaran at kinakailangan sa kalidad ng data kapag nagdagdag ka ng impormasyon ng produkto sa iyong Profile ng Negosyo. Kung hindi nakakatugon sa mga detalye ng data ng produkto o mga kinakailangan sa patakaran sa Shopping ang na-upload mong data ng produkto, posibleng mapailalim sa mga babala, hindi pag-apruba, limitadong visibility, o pagsususpinde ang iyong mga produkto. Mapipigilan ng mga isyung ito ang paglabas ng iyong mga produkto sa buong Google.

I-edit ang iyong produkto para maaprubahan ulit

Kapag nakahanap ka ng status na “Hindi Naaprubahan” sa iyong listing ng produkto, i-click ang produkto para makahanap ng impormasyon tungkol sa kung bakit hindi naaprubahan ang item. Kasama ng paliwanag, makakakita ka ng link papunta sa detalyadong page para sa mga naaangkop na patakaran.

Pagkatapos mong gawin ang mga naaangkop na pag-edit sa posting at i-save ito, awtomatikong susuriin ulit ang produkto sa loob ng 24 na oras. Malulutas ang status na “Hindi Naaprubahan” kung maaayos ang isyu.

Matuto pa tungkol sa editor ng produkto.

Humiling ng pagsusuri

Sa ilang pagkakataon, kung hindi naaprubahan ang isa sa iyong mga produkto at naayos mo na ang isyu o hindi ka sang-ayon sa isyu, puwede kang humiling ng pagsusuri. Kung matagumpay ang pagsusuri, mawawala ang iyong isyu. Kung mananatili ang hindi pag-apruba at hindi ka sigurado kung paano ka magpapatuloy, makipag-ugnayan sa amin para sa suporta.

Kung humiling ka ng masyadong maraming pagsusuri para sa mga produktong lumalabag talaga sa mga patakaran, posibleng pansamantalang ma-deactivate ang opsyong “Humiling ng Pagsusuri.”

Para humiling ng pagsusuri:

  1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
  2. Piliin ang I-edit ang profile at pagkatapos ay Produkto.
    • Tip: Sa iyong desktop, gamit ang Google Search, piliin ang I-edit ang mga produkto.
  3. Pumili ng produktong namarkahang "Hindi Naaprubahan.”
  4. Piliin ang banner na "pumunta sa mga isyu"
  5. Piliin ang Humiling ng Pagsusuri.

Unawain ang pagsususpinde ng account 

Kung masuspinde ang iyong Profile ng Negosyo, magkakaroon ng status na "Hindi Naaprubahan" ang lahat ng iyong produkto. Kapag naibalik ang iyong Profile ng Negosyo, awtomatikong ipoproseso ulit ang mga produkto at magiging available ang mga ito sa loob ng 5 araw pagkatapos ng pagbabalik. Alamin kung paano mag-ayos ng nasuspindeng Profile ng Negosyo.

Sa mga bihirang pagkakataon, posibleng magbago at maging "Hindi Naaprubahan" ang lahat ng produkto nang may dahilang “Nasuspinde ang account” nang hindi naman nasuspinde ang Profile ng Negosyo. Sa mga ganitong sitwasyon, makipag-ugnayan sa amin.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12539242470511309715
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false