Mga pagbabagong gagawin namin sa Google Assistant

Sa paglipas ng mga taon, nagawa naming mas madaling tapusin ang iyong mga gawain sa tulong ng Assistant — salamat sa iyong feedback na naging malaking bahagi nito. At para patuloy na mapaganda ang iyong experience, gagawa kami ng ilang pagbabagong nakatuon sa kalidad at pagiging maaasahan, para sa huli ay maging mas madaling gamitin ang Assistant sa iba't ibang device.

Sa patuloy na pagsisikap naming gawing mas kapaki-pakinabang ang Google Assistant, bibigyan namin ng priyoridad ang mga nagugustuhan mong experience at mamumuhunan kami sa batayang teknolohiya para mapaganda pa ang mga iyon — ibig sabihin, hindi na susuportahan ang ilang feature na hindi gaanong nagagamit.

Kapag gumagawa kami ng mga pagbabago, kung magti-trigger ka ng feature na mawawala na, makakatanggap ka ng notification na hindi na magiging available ang feature na iyon pagkalipas ng partikular na petsa. Kabilang sa mga apektadong feature ang:

  • Pag-play at pagkontrol ng mga audiobook sa Google Play Books gamit ang iyong boses. Puwede ka pa ring mag-cast ng mga audiobook gamit ang iyong mobile device.
  • Pagtatakda o paggamit ng mga media alarm, music alarm, o radio alarm sa mga Google Assistant-enabled na device. Puwede kang gumawa ng custom na Routine na may katulad na gawi o gumamit ng karaniwang alarm.
  • Pag-access o pamamahala sa iyong cookbook, paglilipat ng mga recipe sa pagitan ng mga device, pag-play ng video ng pagtuturo ng recipe, o pagpapakita ng mga step-by-step na recipe. Puwede mong gamitin ang Google Assistant para maghanap ng mga recipe sa web at YouTube.
  • Pamamahala ng stopwatch sa mga Smart Display at Speaker. Puwede ka pa ring magtakda ng mga timer at alarm.
  • Paggamit ng boses mo para tumawag sa isang device o mag-broadcast ng mensahe sa iyong Grupo ng Pamilya sa Google. Puwede ka pa ring mag-broadcast sa mga device sa iyong bahay.
  • Paggamit ng boses mo para sa pagpapadala ng email, video, o audio message. Puwede ka pa ring tumawag at magpadala ng mga text message.
  • Pagbabago ng iskedyul ng event sa Google Calendar gamit ang boses mo. Puwede ka pa ring mag-iskedyul ng bagong event.
  • Paggamit ng App Launcher sa driving mode ng Google Assistant sa Google Maps para magbasa at magpadala ng mga mensahe, tumawag, at magkontrol ng media. Puwede mo pa ring gamitin ang pagkontrol gamit ang boses sa Google Maps sa parehong paraan.
  • Paghiling na mag-iskedyul o makinig ng mga dating naiskedyul na anunsyo sa Bell ng Pamilya. Puwede kang gumawa ng custom na Routine na may katulad na gawi.
  • Paghiling na mag-meditate gamit ang Calm. Puwede ka pa ring humiling ng mga opsyon sa pag-meditate gamit ang mga provider ng media tulad ng YouTube.
  • Hindi na magiging available sa mga Fitbit Sense at Versa 3 device ang pagkontrol gamit ang boses para sa mga aktibidad. Kakailanganin mong gamitin ang mga button sa iyong device para magsimula, maghinto, at magpatuloy ng mga aktibidad. Makakagamit ka pa rin ng boses para kontrolin ang mga aktibidad sa mga Pixel Watch.
  • Magiging available lang ang pagtingin sa iyong mga buod ng pagtulog sa mga Google Smart Display. Puwede ka pa ring humingi ng mga detalye ng pagtulog gamit ang boses sa mga third-party na smart clock.
  • Hindi ipapakita nang may caller ID ang mga tawag na ginawa mula sa mga speaker at Smart Display kung hindi Duo ang ginamit.
  • Pagtingin sa ambient na pagtatantya ng oras sa “Pag-commute Papunta sa Trabaho” sa mga Smart Display. Puwede ka pa ring humingi ng mga oras ng pag-commute at direksyon gamit ang boses.
  • Pag-check sa mga personal na itinerary ng biyahe gamit ang boses. Puwede ka pa ring humingi ng status ng flight.
  • Paghingi ng impormasyon tungkol sa iyong mga contact. Puwede ka pa ring tumawag sa iyong mga contact.
  • Paghiling na magsagawa ng mga partikular na pagkilos gamit ang boses, tulad ng pagpapadala ng pagbabayad, paggawa ng reservation, o pag-post sa social media. Puwede mo pa ring hilingin sa Assistant na buksan ang iyong mga naka-install na app. 

Paano magbigay ng feedback

Puwede kang mag-iwan ng feedback at magsabi sa amin kung paano mo gustong gamitin ang Assistant, ngayon at sa hinaharap. Alam naming puwedeng makaapekto ang mga pagbabago sa kung paano ka nakikipag-interact sa Assistant mo at patuloy naming ipapaalam sa iyo kapag may mga feature na magbabago.

Para magbigay ng feedback tungkol sa Google Assistant, sabihin ang “OK Google, send feedback (OK Google, magpadala ng feedback),” at pagkatapos ay ibahagi ang iyong mga komento. 

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11082399540468531992
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633398
false
false