Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.
Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.
Gusto naming maging kapaki-pakinabang, iba-iba, nauugnay, at ligtas para sa mga user ang mga ad sa buong Google Network. Hindi namin pinapayagan ang mga advertiser na magpagana ng mga ad, content, o mga destinasyong sumusubok na dayain o lusutan ang aming proseso ng pagsusuri ng ad.
Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng dapat iwasan sa iyong mga ad. Alamin kung ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran.
Nakakapinsalang Software
Ang "malware" ay software na may layuning manira o makakuha ng hindi naaprubahang access sa isang computer, device, o network.
Nalalapat ang mga kinakailangang ito sa iyong mga ad at anumang software na naka-host o naka-link sa site o app mo, pino-promote man o hindi ang software sa pamamagitan ng advertising network ng Google. Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Sinasadyang pamamahagi ng nakakapinsalang software o "malware" na puwedeng makasira o makakuha ng hindi pinapahintulutang access sa isang computer, device, o network.
Mga Halimbawa (hindi kumpleto):
- Mga computer virus, ransomware, mga worm, mga trojan horse, mga rootkit, mga keylogger, mga dialer, spyware, mapanlokong software na panseguridad, at iba pang nakakapinsalang program o app
- Mga sapilitang pag-redirect, halimbawa, na nagre-redirect ng mga user sa hindi alam na site na may nakakapinsalang software nang hindi nagki-click ang user sa ad
- HTML5 ad na nagnanakaw ng mga kredensyal ng user mula sa page ng publisher
Lubos naming sineseryoso ang mga paglabag sa patakarang ito, at itinuturing naming malubha ang mga ito. Ang matinding paglabag sa mga patakaran ng Google Ads ay isang seryosong paglabag na ilegal o nagdudulot ng malaking pinsala sa aming mga user. Para malaman kung lumalabag sa patakarang ito ang isang advertiser o destinasyon, puwede kaming magsuri ng impormasyon mula sa maraming source, kasama ang iyong ad, website, mga account, at mga third-party na source. Kung makakakita kami ng mga paglabag sa patakarang ito, sususpindihin namin ang iyong mga Google Ads account pagkatapos matukoy ang paglabag nang walang paunang babala, at hindi ka na papahintulutan pang mag-advertise ulit sa amin. Kung naniniwala kang may pagkakamali, at hindi mo nilabag ang aming patakaran, magsumite ng apela at ipaliwanag kung bakit. Nagbabalik lang kami ng mga account kung idinidikta ng kalagayan at kapag may magandang dahilan para gawin iyon, kaya mahalagang maglaan ka ng panahon para maging detalyado, tumpak, at matapat. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Mga nakompromisong site
Tumutukoy ang nakompromisong site sa isang site o destinasyong may code na namanipula sa mga paraang mapapakinabangan ng isang third party nang hindi nalalaman ng may-ari o operator ng site o destinasyon, at madalas sa paraang ikakapahamak ng mga user ng site. Hahantong ang mga sumusunod na sitwasyon sa hindi pag-apruba dahil sa Nakompromisong Site:
Mga destinasyong na-hijack at na-hack
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga site na nagpapasok ng mga script o code na nagta-transmit ng data ng user nang walang pahintulot, hal. skimmer ng credit card, pag-install ng malware sa mga device ng end user, paglulunsad ng mga pop-up ad, pag-redirect ng mga user sa iba pang website, at paggawa ng mga bagay sa data ng user nang walang pahintulot ng end user; Pagpapatakbo ng website sa pamamagitan ng sistema ng pamamahala ng content na may mga alam na kahinaan sa seguridad, na nasamantala na
Mga opsyon para maayos
I-verify ang mga hindi naaprubahang ad para sa Nakompromisong Site
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign .
- I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
- I-click ang Mga Ad.
- I-click ang Magdagdag ng filter sa itaas ng talahanayan.
- I-click ang Mga Attribute para i-expand ang seksyon ng filter ng Mga Attribute.
- I-click ang Mga detalye ng patakaran.
- Hanapin ang “Nakompromisong Site,” pagkatapos ay i-click ang Ilapat para suriin ang iyong mga ad na apektado ng patakaran sa Nakompromisong Site.
Suriin at ayusin ang iyong mga ad
Suriin ang mga detalye ng patakaran para mahanap ang content na dahilan ng hindi pag-apruba. Ipapakita namin ang mga nakompromisong domain sa iyong Google Ads account kapag available ang mga ito. Suriin ang iyong site at alisin ang anumang code na kaugnay ng mga natukoy na domain. Kung kailangan mo ng tulong sa pag-aayos ng iyong site, nagbibigay ang Google ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng Tulong para sa Mga Na-hack na Website.
Tingnan ang status ng website o final URL ng mga hindi naaprubahang ad
Gamitin ang External na Tagasuri ng Status ng Ligtas na Pag-browse ng Site ng Google para tingnan ang status ng website o final URL ng mga hindi naaprubahang ad. Kapag na-disable ang isang site sa Ligtas na Pag-browse, nangangahulugan itong na-disable ito bilang resulta ng hindi ligtas na content na posibleng ipinapakita nito sa mga user sa pamamagitan ng, halimbawa, mga organic na listing. Pakiayos ang isyu sa malware sa iyong site at maghain ng apela sa pamamagitan ng Google Search Console para maalis ang domain sa listahan ng banta sa Ligtas na Pag-browse. Dapat ay awtomatikong ma-enable ulit ang iyong site/mga landing page para maghatid ng mga ad kapag natapos mo na ang prosesong ito. Makipag-ugnayan sa suporta kung hindi pa rin aprubado ang iyong mga ad pagkatapos kumpletuhin ang prosesong ito.
Kung hindi mo maaayos ang destinasyon ng ad, puwede mong i-update ang ad sa pamamagitan ng bago at hindi nakompromisong destinasyon. Kapag na-edit ang ad, isusumite ulit ang ad at ang destinasyon nito para sa pagsusuri.
Iapela ang pasya sa patakaran
Kung naayos mo na ang iyong destinasyon o kung sa tingin mo ay mali ang ginawa namin, direktang iapela ang pasya sa patakaran mula sa iyong Google Ads account para mag-request ng pagsusuri. Kapag nakumpirma na naming sumusunod ang destinasyon, at na sumusunod ang parehong ad at ang destinasyon sa lahat ng patakaran sa Google Ads, maaaprubahan na namin ang iyong mga ad. Kung hindi mo maayos ang mga paglabag na ito o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, alisin ang iyong ad para makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa patakaran. Sundin ang mga hakbang sa ibaba para mag-apela:
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon .
- I-click ang drop down na Pag-troubleshoot sa menu ng seksyon.
- I-click ang Manager ng patakaran.
- Sa tab na “Mga isyu sa patakaran,” hanapin ang ad na gusto mong iapela, pagkatapos ay i-click ang Apelahin.
- Sa ilalim ng "Dahilan ng pag-apela," piliin ang Gumawa ng mga pagbabago para makasunod sa patakaran.
- I-click ang Isumite.
Hindi gustong software
Alinsunod sa mga kinakailangan ng patakaran, ang anumang software na hino-host ng iyong site o app (o kung saan naka-link ang mga ito) ay dapat magbigay ng positibong experience para sa mga user. Nagbibigay ang patakaran sa Hindi Gustong Software ng Google ng ilang pangunahing katangian ng software na may potensyal na makapinsala sa experience ng user na nakalista sa ibaba:
- Mapanlinlang ito, na nangangako ng value proposition na hindi nito natutugunan.
- Sinusubukan nitong linlangin ang mga user para i-install ito, o nagpi-piggyback ito sa pag-install ng isa pang program.
- Hindi nito ipinapaalam sa user ang tungkol sa lahat ng pangunahin at mahalagang function nito.
- Nakakaapekto ito sa system ng user sa iba't ibang hindi inaasahang paraan.
- Mahirap itong alisin.
- Ito ay nangangalap o nagpapadala ng pribadong impormasyon nang hindi nalalaman ng user.
- Naka-bundle ito kasama ng iba pang software at hindi ito ipinapahayag.
Tiyaking hindi lumalabag ang iyong mga ad at destinasyon sa patakaran sa Hindi Gustong Software ng Google.
Hahantong ang mga sumusunod na sitwasyon sa hindi pag-apruba dahil sa Hindi Gustong Software:
Walang malinaw na paglalarawan ng produkto sa iyong ad o sa isang landing page
Mga halimbawa (hindi kumpleto): Walang impormasyon tungkol sa uri ng produkto (app, extension, software) sa ad o landing page; pagiging hindi malinaw kaugnay ng functionality na ibinibigay ng software; iba ang paglalarawan sa functionality ng software kumpara sa aktwal na functionality
Hindi pagpapahayag sa lahat ng implikasyon ng pag-install ng software sa user
Mga halimbawa (hindi kumpleto): Paggawa ng mga pagbabago sa system o pagbabago sa mga setting ng browser nang walang pahintulot at hindi alam ng user; pagbibigay-daan na maging mahirap para sa mga user na i-disable o i-uninstall ang software; hindi paglalagay ng Mga Tuntunin ng Serbisyo o ng Kasunduan sa Lisensya ng End User; pagba-bundle ng software o mga application nang hindi nalalaman ng user; pag-transmit ng pribadong impormasyon nang hindi alam ng user
Mga opsyon para maayos
Ayusin ang ad o destinasyon ng ad
Kumpirmahin na ang aday may parehong uri ng produkto at isang linyang tumpak na paglalarawan tungkol sa functionality ng produkto.
Tiyakin na binabanggit ng destinasyon ng ad ang uri ng produkto, na may kasama itong tumpak na isang linyang paglalarawan tungkol sa functionality ng produkto, at na malinaw nitong ipinapaliwanag ang lahat ng resulta ng pag-install ng software, kabilang ang mga posibleng pagbabago sa browser o mga setting ng mga user. Kitang-kita dapat ang mga paghahayag o disclaimer tungkol sa lahat ng implikasyon ng pag-install ng software (nasa madaling makitang posisyon at makatuwiran ang laki ng font) at nakasulat sa isang simple at malinaw na paraan na madaling mauunawaan ng lahat ng user, lalo na ng mga taong hindi ganoon kagaling sa paggamit ng teknolohiya.
Iapela ang pasya sa patakaran
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon .
- I-click ang drop down na Pag-troubleshoot sa menu ng seksyon.
- I-click ang Manager ng patakaran.
- Sa tab na “Mga isyu sa patakaran,” hanapin ang ad na gusto mong iapela, pagkatapos ay i-click ang Apelahin.
- Sa "Dahilan ng pag-apela," piliin ang I-dispute ang desisyon o Gumawa ng mga pagbabago para makasunod sa patakaran.
- I-click ang Isumite.
Hindi patas na bentahe
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Paggamit sa Google Network para magkaroon ng hindi patas na bentahe sa trapiko kumpara sa iba pang kalahok sa auction
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga affiliate na nag-a-advertise sa Google Ads laban sa naaangkop na mga alituntunin sa affiliate na program; pag-promote ng magkapareho o magkatulad na content mula sa maraming account sa magkakapareho o magkakatulad na query, pagsubok na magpakita ng mahigit sa isang ad sa isang pagkakataon para sa iyong negosyo, app, o site.
Tandaan: Dapat na umangkop ang mga keyword sa malamang na layunin ng target na audience kapag naghahanap. Ang bawat website o app na iyong pino-promote ay dapat na mag-alok ng natatanging pakinabang sa mga user. Halimbawa: iwasang mag-promote ng magkakatulad na produkto at presyo sa lahat ng nauugnay na destinasyon.
Umiiwas na content ng ad
Pagmamanipula ng ilang bahagi ng ad (text, larawan, mga video, domain, o mga subdomain) bilang pagtatangkang lampasan ang pag-detect at / o pagkilos sa pagpapatupad.
Mga halimbawa (hindi kumpleto): Pagbaybay nang mali sa mga ipinagbabawal na salita o parirala para maiwasan ang hindi pag-apruba sa ad, pagmamanipula ng mga trademark na termino sa ad text, domain, subdomain, o logo para maiwasan ang mga paghihigpit sa paggamit sa trademark na iyon; paggamit sa mga hindi nakikitang UNICODE character sa mga ad na walang halaga sa content ng ad para sa mga user, pagmamanipula ng mga larawan o video para magtago ng content na lumalabag sa patakaran.
Pag-iwas sa mga system
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Paglahok sa mga kagawiang umiiwas o humahadlang sa mga system at proseso ng pag-advertise ng Google, o sinusubukang gawin ito.
Mga Halimbawa (hindi kumpleto):
- Pagkukunwari (pagpapakita ng ibang content sa ilang partikular na user, kasama ang Google, kumpara sa iba pang user) na naglalayong hadlangan o humahantong sa paghadlang sa mga system ng pagsusuri ng Google, o nagtatago o nagtatangkang magtago ng hindi pagsunod sa mga patakaran ng Google Ads, tulad ng:
- Pag-redirect papunta sa hindi sumusunod na content
- Paggamit ng dynamic na DNS para magpalit ng page o content ng ad
- Pagmamanipula sa content ng site o paghihigpit sa access sa napakarami sa iyong mga landing page na nagpapahirap sa pagsasagawa ng makabuluhang pagsusuri sa ad, site, o account mo
- Paggamit ng mga tracker ng pag-click para i-redirect ang mga user sa mga nakakapinsalang site
Tandaan: Hindi kasama sa pagkukunwari ang pagbibigay ng pag-personalize ng content na nagdaragdag ng totoong halaga para sa ilang partikular na user, gaya ng mga bersyon ng parehong content na nasa ibang wika o iba't ibang bersyon ng parehong content depende sa internet service provider ng user, hangga't iyon pa rin ang alok, nakakasunod pa rin sa mga patakaran ng Google Ads ang variation sa content, at makakapagsuri ang Google ng isang bersyon ng content
- Paulit-ulit o sabay-sabay man, mga paglabag sa patakaran sa alinman sa iyong mga account, kabilang ang paggamit ng 2 o higit pang account para mag-post ng mga ad na lumalabag dito o sa anupamang patakaran sa Google Ads. Halimbawa, paggawa ng mga bagong domain o account para mag-post ng mga ad na katulad ng mga ad na hindi naaprubahan para dito o sa anupamang patakaran sa Google Ads.
- Pag-bypass sa mga paraan ng pagpapatupad at pagtukoy sa pamamagitan ng paggawa ng mga variation ng mga ad, domain, o content na hindi naaprubahan (para dito o sa anumang patakaran sa Google Ads), o paggamit ng mga technique sa text, mga larawan, o video para mag-obfuscate ng explicit na sekswal na content
- Pagsubok na gamitin ulit ang system ng Google Ads pagkatapos ng nakaraang pasya sa pagsususpinde, sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagong account para makapasok ulit sa system
- Pang-aabuso sa mga feature ng produkto ng Google Ads para magpakita sa mga user ng content na hindi sumusunod sa patakaran at/o makakuha ng karagdagang trapiko
- Pagsusumite ng maling impormasyon bilang bahagi ng aming mga programa sa pag-verify
- Bilang bahagi ng aming programa ng certification para sa Pagsusugal at mga laro, kapag hindi ka nagpa-certify ulit o kapag patuloy mong ginamit ang certification para sa Pagsusugal at mga laro kung may nangyaring malaking pagbabago simula nang huling nagsumite ng aplikasyon sa certification. Nauunawaan namin na posibleng magbago ang address o paraan ng pagbabayad ng advertiser paminsan-minsan. Hindi hahantong sa pagkasuspinde ng account ang pagkabigong magsumite ulit ng iyong aplikasyon sa certification para sa Pagsusugal at mga laro pagkatapos ng isa sa dalawang uri ng pagbabagong ito. Gayunpaman, nire-require sa iba pang malaking pagbabago ang muling pagsusumite ng aplikasyon sa certification para sa Pagsusugal at mga laro, dahil kung hindi, masususpinde ang account mo kapag natukoy ito. Kasama sa mahahalagang pagbabago, na tumutukoy malaki, marami, o nauugnay na pagbabago, ang, pero hindi ito limitado sa, mga pagbabago sa mga offering na produkto ng isang advertiser na hindi tugma sa anumang lisensya o pag-apruba na ibinigay sa Google, mga pagbabago sa pagsunod ng advertiser sa mga naaangkop na regulasyon, at mga pagbabago sa paglilisensya o iba pang pagsunod ng advertiser sa mga requirement sa certification para sa Pagsusugal at mga laro.
Lubos naming sineseryoso ang mga paglabag sa patakarang ito, at itinuturing naming malubha ang mga ito. Ang matinding paglabag sa mga patakaran ng Google Ads ay isang seryosong paglabag na ilegal o nagdudulot ng malaking pinsala sa aming mga user. Para malaman kung lumalabag sa patakarang ito ang isang advertiser o destinasyon, puwede kaming magsuri ng impormasyon mula sa maraming source, kasama ang iyong ad, website, mga account, at mga third-party na source. Kung makakakita kami ng mga paglabag sa patakarang ito, sususpindihin namin ang iyong mga Google Ads account pagkatapos matukoy ang paglabag nang walang paunang babala, at hindi ka na papahintulutan pang mag-advertise ulit sa amin. Kung naniniwala kang may pagkakamali, at hindi mo nilabag ang aming patakaran, magsumite ng apela at ipaliwanag kung bakit. Nagbabalik lang kami ng mga account kung idinidikta ng kalagayan at kapag may magandang dahilan para gawin iyon, kaya mahalagang maglaan ka ng panahon para maging detalyado, tumpak, at matapat. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Tandaan: Puwede kaming magsagawa ng aksyon sa account ng advertiser batay sa, halimbawa, matitinding babala, settlement, o desisyon ng awtoridad sa pagkontrol tungkol sa mga kagawian sa pag-advertise ng isang advertiser, o mga direktang reklamo mula sa mga user o negosyo.
Mga Patakaran sa Spam para sa Paghahanap sa Web ng Google
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Pagsasagawa ng mga kagawiang lumalabag sa Mga Patakaran sa Spam para sa Paghahanap sa Web ng Google
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Pagpuno ng keyword, pagkukunwari, mga palihim na pag-redirect, mga doorway na page, pag-spam sa mga social network site