Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.
Pinapahalagahan namin ang pagkakaiba-iba at paggalang sa iba, at nagsusumikap kaming hindi makasakit ng mga user, kaya hindi namin pinapayagan ang mga ad o destinasyon na nagpapakita ng nakakapangilabot na content o nagpo-promote ng pagkapoot, hindi pagtanggap sa iba, diskriminasyon, o karahasan.
Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng kung ano ang dapat iwasan sa iyong mga ad.Alamin ang tungkol sa kung anong mangyayari kapag lumabag ka sa aming mga patakaran.
Mapanganib o mapanirang content
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Content na nag-uudyok ng pagkapoot laban sa, nagpo-promote ng diskriminasyon sa, o nanghahamak ng indibidwal o pangkat batay sa kanilang lahi o etnikong pinagmulan, relihiyon, kapansanan, edad, nasyonalidad, status bilang beterano, sekswal na oryentasyon, kasarian, pagkakakilanlan sa kasarian, o anupamang katangiang nauugnay sa sistematikong diskriminasyon o pagmamaliit at pang-aapi
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Content na nagpo-promote ng mga pangkat sa pagkapoot o paraphernalia ng pangkat sa pagkapoot; content na nanghihikayat sa ibang maniwalang hindi makatao, mas mahina, o karapat-dapat kapootan ang isang tao o pangkat
Content na nanliligalig, nananakot, o nambu-bully ng indibidwal o pangkat ng mga indibidwal
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Content na pumupuntirya sa isang tao para sa pang-aabuso o panliligalig; content na nagmumungkahing hindi nangyari ang isang kalunus-lunos na kaganapan, o mga aktor lang ang mga biktima o ang kanilang mga pamilya, o sangkot sa pagtakip sa kaganapan
Content na nagbabanta o nag-uudyok ng pisikal o mental na pananakit sa sarili o sa iba
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Content na nagsusulong ng pagpapatiwakal, anorexia, o iba pang paraan ng pananakit sa sarili; nagpo-promote o nag-uudyok ng mga mapanganib na pangkalusugan o medikal na pahayag o gawi; pagbabanta sa isang tao ng pisikal na pananakit o panghihikayat ng pag-atake sa ibang tao; pag-promote, pagpuri, o pangungunsinti sa karahasan laban sa iba; content na ginawa ng o bilang suporta sa mga teroristang pangkat, o transnational na organisasyon ng drug trafficking, o content na nagpo-promote ng mga gawaing terorismo, kasama ang pangangalap ng miyembro, o nagbubunyi sa mga pag-atake ng transnational na organisasyon ng drug trafficking o organisasyon ng terorista.
Content na naglalayong pagsamantalahan ang iba
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Pangingikil, pamba-blackmail, paghingi, o pag-promote ng mga dowry
Nakakapangilabot na content
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Mga promosyong naglalaman ng marahas na pananalita, karumal-dumal o karima-rimarim na paglalarawan, o mga detalyadong larawan o kuwento ng pisikal na pinsala
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga larawan ng pinangyarihan ng krimen o aksidente, mga video ng pagbitay
Mga promosyong naglalaman ng mga hindi kinakailangang paglalarawan ng mga likido o dumi mula sa katawan
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Dugo, laman-loob, gore, sekswal na likido at dumi ng tao o hayop
Mga promosyong naglalaman ng malaswa o bastos na pananalita
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Pagmumura, mga nakakasakit na salitang may kaugnayan sa lahi o sekswalidad, mga variation at maling spelling ng bastos na pananalita
Tandaan: Kung may bastos na pananalita ang opisyal na pangalan ng iyong produkto, website, o app, humiling ng pagsusuri at ibigay ang mga detalye ng pangalan.
Mga promosyong malamang na makakapangilabot o makakapanakot
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga promosyong nagsasabing posibleng nasa panganib ka, may sakit ka, o biktima ka ng isang sabwatan
Mga sensitibong event
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Mga ad na posibleng pinagkakakitaan o sinasamantala ang isang sensitibong event na may malaking epekto sa lipunan, kultura, o pulitika, tulad ng mga civil emergency, mga natural na sakuna, mga emergency sa pampublikong kalusugan, terorismo at mga nauugnay na aktbidad, hidwaan, o malawakang pagsasagawa ng karahasan
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Lumalabas na pinagkakakitaan ang isang kalunos-lunos na pangyayari na walang nakikitang benepisyo sa mga user; hindi makatuwirang pagpapataas ng presyo o artipisyal na pagpapalobo sa mga presyo na nagbabawal/naghihigpit sa access sa mahahalagang supply; pagbebenta ng mga produkto o serbisyo na posibleng hindi sapat para sa pangangailangan sa panahon ng isang sensitibong pangyayari; paggamit ng mga keyword na nauugnay sa isang sensitibong pangyayari para subukang humimok ng karagdagang trapiko
Mga ad na nagke-claim na ang mga biktima ng isang sensitibong pangyayari ang may pananagutan sa sarili nilang trahedya o mga katulad na halimbawa ng paninisi sa biktima; mga ad na nagke-claim na hindi karapat-dapat ang mga biktima ng isang sensitibong pangyayari para sa remedyo o suporta
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga ad na nagke-claim na ang mga biktima mula sa ilang partikular na bansa ang may pananagutan sa o karapat-dapat lang makaranas ng isang krisis sa pampublikong kalusugan sa buong mundo
Update sa COVID-19
Kasalukuyan magmula Abril 14, 2020
Sinusubaybayan ng Google ang epekto ng coronavirus (COVID-19) habang nagbabago ang sitwasyon, at nagsasagawa kami ng mahahalagang hakbang para magpanatili ng ligtas na ecosystem ng pag-advertise.
Pakitingnan ang Help Center ng Google Ads para sa mga pinakabagong update sa aming patakaran sa "Mga Sensitibong Pangyayari."
Kalupitan sa hayop
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Content na nagpo-promote ng kalupitan o hindi makatarungang karahasan sa mga hayop
Halimbawa (hindi kumpleto): Pag-promote ng kalupitan sa hayop para sa libangan, gaya ng pagsasabong o labanan ng aso
Content na puwedeng ituring bilang pangangalakal ng, o pagbebenta ng mga produktong mula sa, nanganganib o extinct na species
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Pagbebenta ng mga tigre, mga palikpik ng pating, ivory mula sa elepante, mga balat ng tigre, sungay ng rhino, langis mula sa dolphin
Mga na-hack na pampulitikang materyal
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Mga ad na direktang nagpapadali o nag-a-advertise ng access sa na-hack na materyal na nauugnay sa mga pulitikal na entity na saklaw ng mga patakaran sa mga ad ng halalan ng Google. Nalalapat ito sa lahat ng pinoprotektahang materyal na nakuha sa pamamagitan ng hindi pinapahintulutang pagpasok o pag-access sa computer, network ng computer, o personal na electronic device, kahit na third party ang nagpapamahagi.
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Pag-advertise ng access sa na-hack na content (“Tingnan na ang lahat ng na-leak na email!,” “Na-hack ang mga text message ng Pangulo! I-access na ang mga ito!”); pag-link sa na-hack na content (“Tingnan ang aming database ng mga na-hack na dokumento mula sa kampanya ng Pangulo.,” “Na-hack ng mga dayuhang agent ang kanyang computer, tingnan ang mga tunay na dokumento.”)
Tandaang pinapayagan ang talakayan o komentaryo tungkol sa mga na-hack na pampulitikang materyal, hangga't hindi ibinibigay o pinapadali ng ad o landing page ang direktang access sa mga materyal na iyon.