Naka-personalize na pag-advertise

Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Ang naka-personalize na pag-advertise ay isang napakagandang tool na nagpapahusay ng kaugnayan ng pag-advertise para sa mga user at nagpapataas naman ng ROI para sa mga advertiser. Dahil gumagana ito sa pamamagitan ng paggamit sa online na data ng user para mag-target ng mga user gamit ang mas nauugnay na content sa pag-advertise, makakapagbigay ito ng mas pinagandang karanasan para sa mga user at advertiser.

Kapag gumagamit ng data tungkol sa gawi o interes ng user para makapagbigay ng mas nauugnay na content ng ad, mahalagang gamitin ang impormasyong iyon nang tama. Nauunawaan kong sensitibo ang ilang partikular na interes at posibleng negatibong makaapekto sa experience ng user ang pag-target batay sa mga ito.

Habang isinasaalang-alang ito at batay sa mga sensitivity na nauugnay sa pag-target ng ad sa user, may natukoy kaming mga pamantayan sa patakaran para sa lahat ng feature ng pag-target ng naka-personalize na pag-advertise. Para sa mga layunin ng artikulong ito, ang pag-target ay nangangahulugang positibo at negatibong pag-target. Hindi pinapalitan ng mga pamantayang ito ang iba pa naming mga patakaran sa pag-advertise (halimbawa, para sa Google Ads o Shopping) at responsibilidad pa rin ng mga advertiser na sumunod sa lahat ng naaangkop na patakaran sa pag-advertise, bukod pa sa mga patakaran sa Naka-personalize na pag-advertise. Kinakailangan ding sumunod ang mga advertiser sa aming mga patakaran para sa pahintulot ng user sa European Union, kung naaangkop.

Nalalapat ang patakaran sa privacy ng Google sa lahat ng feature ng Google at nakasaad dito kung paano kinokolekta, ginagamit, at pinoprotektahan ng Google ang data ng user. Alamin kung ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran.


Sa artikulong ito


Mga prinsipyo ng patakaran sa content ng naka-personalize na pag-advertise

Pinaghihigpitan sa mga naka-personalize na ad ang mga sensitibong kategorya ng interes. Binibigyang-kahulugan namin ang mga sensitibong kategorya ng interes batay sa mga sumusunod na prinsipyo ng patakaran sa content:

  • Mga legal na paghihigpit: Dapat sumunod sa batas ang mga ad.
  • Mga personal na paghihirap: Hindi dapat mag-target ang mga ad ng mga user sa paraang pinagsasamantalahan ang kanilang mga paghihirap.
  • Pagkakakilanlan at paniniwala: Hindi dapat mag-target ang mga ad ng mga user batay sa mga kategoryang malaki ang pagkakataong mapailalim sa sistematikong diskriminasyon o mga hindi makatuwirang stigma.
  • Mga sekswal na interes: Hindi dapat mag-target ang mga ad ng mga user batay sa mga likas na pribadong sekswal na interes o karanasan.
  • Access sa mga oportunidad: Hindi dapat limitahan ng mga ad ang access sa mga oportunidad sa pamamagitan ng pananamantala ng mga hindi patas na panlipunang bias kapag nagta-target ng mga user sa mga partikular na kategorya ng content.

Mga paghihigpit batay sa feature ng pag-target ng naka-personalize na pag-advertise

Para sa mga layunin ng patakarang ito, puwedeng ilapat nang naiiba ang mga patakaran sa mga naka-personalize na ad depende sa ginamit na feature ng pag-target. Para sa lahat ng feature ng pag-target, may dalawang bahagi:
  • Pag-target ng mga user, na tumutukoy sa mga grupo ng mga user na pinili mong makakita ng iyong mga ad o ibukod para hindi makakita ng mga ad mo. Kasama sa pag-target, positibo at negatibo, ang lahat ng aspeto ng paggawa o pagpili sa mga grupong iyon.
  • Pag-promote ng mga produkto at serbisyo, na tumutukoy sa partikular na content na nasa iyong ad o sa landing page mo.

Ang uri ng pag-personalize na available ay nakadepende, nang bahagya, sa kung sensitibo ang mga produkto at serbisyong pino-promote mo. 

  • Para sa lahat ng feature ng pag-target ng mga naka-personalize na ad, hindi namin pinapayagan ang pag-target ng mga user batay sa mga sensitibong kategorya ng interes.
  • Para sa mga audience na na-curate ng advertiser, kung saan mako-customize, maku-curate, o maa-upload ng mga advertiser ang sarili nilang mga audience, hindi rin pinapayagan ang mga advertiser na mag-promote ng mga produkto at serbisyo mula sa mga sensitibong kategorya ng interes.
  • Para sa mga na-predefine na audience ng Google, kung saan pinapamahalaan ng Google ang pagbuo at pag-curate ng mga audience na sumusunod sa patakaran batay sa impormasyon sa mga property ng Google, pinapayagan ang mga advertiser na mag-promote ng mga produkto at serbisyo mula sa mga sensitibong kategorya ng interes.

Epekto ng patakaran: Mga audience para sa mga naka-personalize na ad

Hindi makakagamit ng mga audience na na-curate ng advertiser ang mga advertiser na nagpo-promote ng mga produkto at serbisyong nasa ilalim ng mga sensitibong kategorya ng interes. Nakakatulong ito na matiyak na di-sinasadyang nagagamit ang mga sensitibong kategorya ng interes para sa mga pag-target ng mga audience. Dahil hayagang kino-configure ang mga na-predefine na audience ng Gogole nang walang mga sensitibong signal ng user, pinapayagan ang lahat ng advertiser na gamitin ang mga iyon, kahit na kung nagpo-promote ang mga ito ng mga sensitibong kategorya ng interes.

Tingnan ang sumusunod na hindi kumpletong listahan ng mga feature ng pag-target at kung paano nalalapat ang mga patakaran sa mga naka-personalize na ad.

Mga audience na na-curate ng advertiser

Kung isa kang advertiser na nagpo-promote ng mga produkto at serbisyong nasa ilalim ng mga sensitibong kategorya ng interes, hindi mo magagamit ang mga sumusunod na feature ng pag-target.

Mga na-predefine na audience ng Google

Magagamit ng mga advertiser ang mga sumusunod na feature ng pag-target, kabilang ang mga advertiser na nagpo-promote ng mga produkto at serbisyong nasa mga sensitibong kategorya ng interes.

pulang x na marka Customer Match

pulang x na marka Iyong mga segment ng data

pulang x na marka Pagpapalawak ng Audience

pulang x na marka Mga Lookalike Segment

pulang x na marka Mga custom na segment

pulang x na marka Custom na Affinity

No issues detected and positive check mark icon In-market na Segment

No issues detected and positive check mark icon Affinity

No issues detected and positive check mark icon Demograpiko (may mga exception)1

No issues detected and positive check mark icon Detailed Demographics (may mga exception)1

No issues detected and positive check mark icon Mga Pangyayari sa Buhay

No issues detected and positive check mark icon Pag-target sa Lokasyon2

1: Posibleng hindi gamitin ng ilang partikular na demograpiko (edad, kasarian, marital status, parental status) para mag-target ng Mga Ad para sa Pabahay, Trabaho, at Pananalapi ng Consumer sa United States at Canada.
2: Hindi magagamit ang pag-target sa ZIP code na lokasyon para sa Mga Ad sa Pabahay, Trabaho, at Pananalapi ng Consumer sa United States at Canada.
3: Hindi kwalipikado ang mga user na wala pang 18 taong gulang para sa anumang uri ng naka-personalize na pag-advertise, kasama ang paghahatid batay sa Mga Na-predefine na Audience ng Google. Ang mga advertiser na gumagamit ng mga audience na na-curate ng advertiser ay pinagbabawalan sa pag-upload ng impormasyon ng customer mula sa mga manonood ng content na para sa bata.

Para matiyak na nagbibigay kami ng magandang experience sa ad para sa consumer sa mga naka-personalize na feed ng Google, dapat sumunod ang mga Demand Gen ad sa lahat ng patakaran ng Google Ads at patakaran sa pag-personalize. Posibleng ganap o bahagyang i-block sa paghahatid sa mga surface ng Demand Gen ang mga ad na nasa mga sensitibong kategorya.

Mga sensitibong kategorya ng interes

Mga legal na paghihigpit

  Dapat sumunod ang mga ad sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon para sa lahat ng lokasyon kung saan lumalabas ang iyong mga ad.

Hindi namin pinapayagan ang pag-target ng mga user batay sa mga content na pinaghihigpitan ng batas, gaya ng tinukoy sa mga sumusunod na sensitibong kategorya ng interes. Depende sa ginamit na feature ng pag-target, posible ring hindi ka payagang mag-promote ng mga produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sensitibong kategorya ng interes.

Responsibilidad mong tiyaking nakakasunod ang iyong mga ad sa patakaran kapag kinakailangan. Tingnan ang nasa ibaba para sa mga partikular na halimbawa ng mga hindi namin pinapayagan.

Mga pangalan ng pinaghihigpitang gamot sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Mga inireresetang gamot at impormasyon tungkol sa mga inireresetang gamot, maliban kung para lang sa paggamit sa hayop ang gamot at anumang nakalistang sangkap at maliit ang pagkakataon ng mga ito sa pang-aabuso ng tao o iba pang maling paggamit.

Pangangalap ng tao para sa klinikal na trial sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Pag-promote ng pangangalap ng tao para sa klinikal na trial

Alak sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Mga inuming nakakalasing at mga inuming katulad ng mga inuming nakakalasing

Pagsusugal sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Pagsusugal, kabilang ang online at offline na pagsusugal; impormasyong nauugnay sa online na pagsusugal; mga online na larong hindi pang-casino na nilalaro para sa pera o mga premyo; at mga online na larong pang-casino, may palitan man ito ng pera o wala, maliban kung gumagamit ka ng mga Google App campaign para mag-promote ng app ng social na larong pang-casino sa mga user ng app

Pagsusugal na nakabase sa lokasyon sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Mga aktwal na casino na hayagang nagpo-promote ng pagsusugal

 Matuto pa tungkol sa kung paano Mag-ayos ng mga ad na may mga paglabag sa patakaran.

Mga personal na paghihirap

Nauunawaan namin na hindi gusto ng mga user na makakita ng mga ad na nananamantala sa kanilang mga personal na suliranin, problema, at paghihirap, kaya hindi namin pinapayagan ang naka-personalize na pag-advertise batay sa mga paghihirap na ito. Kabilang sa mga personal na paghihirap na iyon ang mga kundisyong pangkalusugan, panggagamot, pamamaraan, personal na kabiguan, suliranin, o nakaka-trauma na personal na karanasan. Hindi ka rin puwedeng manggiit ng negatibong paniniwala sa user.

Hindi namin pinapayagan ang pag-target ng mga user batay sa mga personal na paghihirap, gaya ng tinukoy sa mga sumusunod na sensitibong kategorya ng interes. Depende sa ginamit na feature ng pag-target, posible ring hindi ka payagang mag-promote ng mga produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sensitibong kategorya ng interes.

Responsibilidad mong tiyaking nakakasunod ang iyong mga ad sa patakaran kapag kinakailangan. Tingnan ang nasa ibaba para sa mga partikular na halimbawa ng mga hindi namin pinapayagan.

Kalusugan sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Personal na pangkalusugang content, kung saan kasama ang:

  • Mga kundisyon ng pisikal na kalusugan o kalusugang pangkaisipan, kasama ang mga sakit, sekswal na kalusugan, at malulubhang kundisyong pangkalusugan, na tumutukoy sa mga kundisyong pangkalusugan na nangangailangan ng pangmatagalang pangangalaga o pag-aasikaso
  • Mga produkto, serbisyo, o pamamaraan para gamutin o pangalagaan ang malulubhang kundisyong pangkalusugan, kung saan kasama ang mga over-the-counter na gamot at medical device
  • Anumang problema sa kalusugan na nauugnay sa maseselang bahagi o paggana ng katawan, kung saan kasama ang kalusugan ng ari, pagdumi, o pag-ihi
  • Mga invasive na medikal na pamamaraan, kung saan kabilang ang cosmetic surgery, pamamaraan na may surgery, o mga injection
  • Mga kapansanan, kahit na nakatuon ang content sa pangunahing tagapangalaga ng user

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga paggagamot sa malulubhang kundisyong pangkalusugan gaya ng diabetes o arthritis, mga paggagamot sa mga sexually transmitted disease, mga serbisyo sa pagpapayo para sa mga isyu sa kalusugang pangkaisipan gaya ng depresyon, pagkabalisa, at adiksyon, mga kagamitang medikal para sa sleep apnea gaya ng mga CPAP machine, mga over-the-counter na gamot para sa mga yeast infection, mga paggagamot para sa pagbubuntis at pagkabaog, impormasyon tungkol sa kung paano susuportahan ang iyong autistic na anak

Negatibong pinansyal na status sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Personal na kagipitan, mga problema, o kakulangang pinansyal

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga serbisyo sa bankruptcy, welfare service, shelter para sa mga walang bahay, mapagkukunan ng mga walang trabaho, produkto o serbisyo sa predatory na pagpapautang, mga produkto at suportang nakatuon sa utang

Mga paghihirap sa relasyon sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Mga personal na problema sa pamilya, mga kaibigan, o iba pang interpersonal na relasyon

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga serbisyo sa diborsyo, mga aklat tungkol sa kung paano makaraos mula sa diborsyo, mga produkto o serbisyo sa pangungulila, mga serbisyo sa pagpapayo sa pamilya o ugnayan

Paggawa ng krimen sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Personal na record ng krimen, mga nagawang krimen, mga bintang na krimen, o mga reklamo ng krimen

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga serbisyo sa mga bail bond, mga abogado ng criminal defense

Pang-aabuso at trauma sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Personal na status bilang biktima ng pang-aabuso, krimen at iba pang nakaka-trauma na pangyayari

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga kanlungan para sa inabuso sa tahanan, mga serbisyo para sa pagtulong sa biktima

Paggigiit ng negatibong paniniwala sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Paggigiit ng negatibong paniniwala sa user o paggamit ng negatibong pananaw o pagkiling para mag-promote ng anumang kategorya ng content

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): panlalait sa katawan, negatibong pagtingin na nauugnay sa mga pisikal na katangian o social na pakikipag-ugnayan, pagpapahiwatig ng mga negatibong resulta para sa mga user kung hindi sila gagawa ng mga partikular na pagkilos

Matuto pa tungkol sa kung paano Mag-ayos ng mga ad na may mga paglabag sa patakaran.


Pagkakakilanlan at paniniwala

Itinuturing naming lubos na personal at kumplikado ang mga sistema ng pagkakakilanlan at paniniwala. Lubos na nakadepende ang mga ito sa pagkakaiba-iba ng mga nakagawian sa kultura, heograpiya, kasaysayan, at mga personal na karanasan sa buhay. Nauunawaan din namin na ang pagkakakilanlan o paniniwala ng isang tao ay puwedeng gamitin para iuri ang mga user batay sa mga panghuhusga o kasiraan.

Gusto naming makapagbigay ng positibong karanasan ang mga ad at gusto naming malaman ang mga interes ng mga user at hindi kung paano nila kinikilala bilang tao ang kanilang mga sarili, kaya hindi namin pinapayagan ang naka-personalize na pag-advertise ayon sa batayan o likas na pagkakakilala ng user sa kanyang sarili o sa kanyang mga pinaniniwalaan. Puwedeng kabilang sa mga ganoong pagkakakilanlan o paniniwala ang mga likas na pribadong pagkilala sa sarili; mga pagkilalang posibleng maging sanhi ng mga kasiraan, diskriminasyon, o panliligalig; pagiging kabilang sa mga pangkat na posibleng malantad sa mga kasiraan, diskriminasyon, o panghuhusga; at mga pinanghahawakang personal na paniniwala.

Hindi namin pinapayagan ang pag-target ng mga user batay sa pagkakakilanlan at paniniwala, gaya ng nakabalangkas sa mga sumusunod na sensitibong kategorya ng interes. Depende sa ginamit na feature ng pag-target, posible ring hindi ka payagang mag-promote ng mga produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sensitibong kategorya ng interes.

Responsibilidad mong tiyaking nakakasunod ang iyong mga ad sa patakaran kapag kinakailangan. Tingnan ang nasa ibaba para sa mga partikular na halimbawa ng mga hindi namin pinapayagan.

Sekswal na oryentasyon sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Sekswal na oryentasyon, kabilang ang lesbian, gay, bisexual, questioning, o heterosexual na oryentasyon

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): impormasyon tungkol sa pagbubunyag ng pagiging homosexual mo, homosexual na pakikipag-date, gay travel, impormasyon tungkol sa pagiging bisexual

Affiliation sa politika sa naka-personalize na pag-advertise

Nalalapat ang patakaran sa Naka-personalize na pag-advertise na ito sa lahat ng feature ng pag-target.

pulang x na marka Affiliation sa politika

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga pampolitikang ideolohiya, pampolitikang opinyon, pampolitikang partido, pampolitikang organisasyon, pampolitikang kampanya, pakikilahok sa pampolitikang diskurso

Pampolitikang content sa naka-personalize na pag-advertise

Nalalapat ang Patakaran sa naka-personalize na pag-advertise na ito sa lahat ng feature ng pag-target.

pulang x na marka Affiliation sa politika

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga pampolitikang ideolohiya, pampolitikang opinyon, pampolitikang partido, pampolitikang organisasyon, pampolitikang kampanya, pakikilahok sa pampolitikang diskurso

Pagsapi sa unyon ng mga manggagawa sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Mga unyon ng mga manggagawa at ad na nagpapahiwatig ng kaalaman sa pagsapi ng user sa unyon ng mga manggagawa

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga site ng unyon ng mga manggagawa, impormasyong nakatuon sa mga kasapi ng mga unyon ng mga manggagawa, mga blog ng unyon ng mga manggagawa, at suporta ng unyon ng mga manggagawa para sa mga di-pagkakasundo sa trabaho

Lahi at etnisidad sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Personal na lahi o etnisidad

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga lathalaing may pagtuon sa etnisidad, mga unibersidad na may pagtuon sa lahi o etnisidad, pakikipag-date ayon sa lahi o etnisidad

Mga relihiyosong paniniwala sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Mga personal na paniniwalang panrelihiyon

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga lugar na sambahan, gabay sa relihiyon, panrelihiyong edukasyon o mga unibersidad, mga panrelihiyong produkto o paksa

Mga marginalized na grupo sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Pagiging miyembro ng isang marginalized o vulnerable na pangkat sa lipunan, gaya ng mga social caste, immigrant, o refugee

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga produktong nakatuon sa mga user batay sa social caste, mga serbisyo para sa mga immigrant, mga serbisyong legal para sa mga refugee

Pagkakakilanlan bilang transgender sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Personal na pagkakakilanlan sa isang kasariang naiiba sa kasarian sa kapanganakan, o kaya ay isang kasariang taliwas sa tuwirang pagkakakilanlan na lalaki o babae

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): impormasyon tungkol sa pagpapalit ng kasarian, mga abogado para sa diskriminasyon sa transgender

Matuto pa tungkol sa kung paano Ayusin ang mga ad na may mga paglabag sa patakaran.

Mga sekswal na interes

Nauunawaan namin na likas na pribado ang mga sekswal na interes, at hindi ito madalas na hayagang pinag-uusapan depende sa mga nakagawian sa kultura. Naniniwala kami sa pagpapanatili ng privacy ng mga sekswal na interes ng isang user, kaya hindi namin pinapayagan ang naka-personalize na pag-advertise na nagta-target ng mga user batay sa kanilang mga personal na sekswal na interes, experience, aktibidad, o preference. Kabilang sa mga interes na iyon ang mga sekswal na gawi, aktibidad, o produktong ginagamit kapag nakikipagtalik. Bukod pa rito, hindi namin pinapayagan ang mga kategoryang may sekswal na pahiwatig o may layuning pumukaw ng sekswal na pagnanasa.

Hindi namin pinapayagan ang pag-target ng mga user batay sa mga sekswal na interes, gaya ng nakabalangkas sa mga sumusunod na sensitibong kategorya ng interes. Depende sa ginamit na feature ng pag-target, posible ring hindi ka payagang mag-promote ng mga produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sensitibong kategorya ng interes.

Responsibilidad mong tiyaking nakakasunod ang iyong mga ad sa patakaran kapag kinakailangan. Tingnan ang nasa ibaba para sa mga partikular na halimbawa ng mga hindi namin pinapayagan.

Pagkontrol sa pagbubuntis sa naka-personalize na pag-advertise

pulang x na marka Mga device na may layuning pigilan ang pagbubuntis o mga sexually transmitted disease

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga condom, oral contraceptive pill, contraceptive sponge

Sekswal na content

pulang x na marka Lahat ng sekswal na content gaya ng tinukoy sa Patakaran sa sekswal na content ng Google Ads

Kung magkaiba ang Patakaran sa sekswal na content at ang Patakaran sa mga sekswal na interes sa naka-personalize na pag-advertise sa pagturing ng mga ito sa isang kategorya, mangingibabaw ang Patakaran sa mga sekswal na interes sa naka-personalize na pag-advertise kaysa sa Patakaran sa sekswal na content pagdating sa kung paano puwedeng gamitin ang kategorya para sa pag-target at mga naka-personalize na ad.

Matuto pa tungkol sa kung paano Mag-ayos ng mga ad na may mga paglabag sa patakaran.


Limitadong pag-personalize

Access sa mga oportunidad

Nauunawaan naming ang access sa mga pagkakataon sa lipunan at ekonomiya ay napakahalaga para sa kapakanan, status sa lipunan, at kalidad ng buhay ng indibidwal. Kinikilala rin naming ang kasaysayan ng diskriminasyon at mga pagtatangi sa lipunan ay humantong sa hindi pantay na access ng ilang bahagi ng lipunan sa mga oportunidad na ito.

Samakatuwid, sa pagsisikap na mapahusay ang pagsasama ng mga user na hindi makatuwirang naapektuhan ng mga pagtatangi sa lipunan, hindi namin pinapayagang i-target ang ilang kategorya ng produkto o serbisyo sa mga partikular na audience. Dagdag ito sa mga kasalukuyang patakaran sa ad na nagbabawal sa diskriminasyon at patakaran sa mga naka-personalize na ad na nagbabawal sa paggamit ng mga kategoryang Pagkakakilanlan at Paniniwala. Tingnan ang nasa ibaba para sa mga partikular na halimbawa ng mga hindi namin pinapayagan.

Mga Bansa: United States, Canada

Posibleng hindi gamitin ang mga sumusunod na pamantayan para mag-target ng Mga Ad para sa Pabahay, Trabaho, at Pananalapi ng Consumer sa United States at Canada:

pulang x na marka  Pag-target sa kasarian, edad, parental status, marital status (dapat “Naka-enable” ang lahat ng opsyon)

pulang x na marka  Pag-target sa ZIP Code

Pabahay sa mga naka-personalize na ad

pulang x na marka Mga ibinebenta o pinapaupahang bahay, kung saan binibigyang-kahulugan ang bahay bilang isang lugar na titirhan ng isang tao. Kasama rito ang mga produkto o serbisyong nagbibigay-daan sa pagbebenta o pagpaparenta ng mga bahay.

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga site ng listing ng pabahay, serbisyo sa real estate, indibidwal na bahay na ibinebenta o ipinaparenta (lahat ng uri ng pabahay kasama ang mga apartment, mobile na bahay, bahay na bangka, pangresidensyal na komunidad para sa pagreretiro, atbp.)

Trabaho sa mga naka-personalize na ad

pulang x na marka Mga pagkakataon sa trabaho o pag-hire ng tao para sa isang trabaho*

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga ad para sa mga trabaho, site ng pangangalap ng tao para sa trabaho, site ng listing ng trabaho.

* Puwedeng gumamit ang isang subset ng mga na-predetermine na advertiser ng pamahalaan ng U.S. ng pag-target ng mga naka-personalize na ad na pinaghihigpitan sana sa ilalim ng Access sa Mga Oportunidad, para mag-promote ng trabaho. Hangga't nakabatay ang pag-target sa tunay na kwalipikasyon sa trabaho para sa isang trabaho sa pamahalaan, na tinukoy sa ilalim ng batas ng U.S bilang isang kwalipikasyong makatuwirang kinakailangan para sa karaniwang tungkulin ng trabaho.

Pananalapi ng consumer sa mga naka-personalize na ad

pulang x na marka Mga alok na may kaugnayan sa credit, mga produkto at serbisyo ng bangko, o ilang partikular na serbisyo ng pagpaplano at pamamahala ng pananalapi.

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga credit card at loan, banking at checking account, produkto sa pamamahala ng utang.

Mga opsyon para ayusin: Access sa mga oportunidad

Kung nakakaapekto ang patakarang ito sa iyong ad, suriin ang iyong mga opsyon sa pag-aayos sa ibaba.

Tiyaking nakakasunod ang iyong mga ad, site o app sa mga patakaran sa Naka-personalize na pag-advertise at Access sa mga oportunidad para maghatid ng mga ad sa United States at Canada. Tandaang kahit na hindi tina-target ang mga ad gamit ang mga sensitibong kategorya, hindi pa rin pinapahintulutan ang ilang uri ng content ng ad.

Pagkatapos suriin ang lahat ng patakaran at tiyaking sumusunod ang iyong pag-target sa patakaran, may 3 opsyon para makasunod sa patakaran:

I-edit ang iyong ad text at site o app para makasunod sa patakarang ito.

  • Mag-alis ng content sa iyong site o app na magpapasailalim sa iyo sa patakaran sa Access sa Mga Oportunidad. Pagkatapos ay kakailanganin mong direktang mag-request ng pagsusuri ng iyong mga ad sa Google Ads account mo bago magpatuloy sa susunod na hakbang ng pagsusuri sa iyong mga tina-target na bansa at paraan ng pag-target.
  • Alisin ang content na iyon sa iyong ad. Kung mapapasailalim ka sa patakaran sa Access sa Mga Oportunidad dahil sa content ng ad mo, alisin ito.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Ad.
  4. Mag-hover sa ad o asset at i-click ang I-edit.
  5. I-edit ang ad o asset para makasunod ito sa patakaran.
  6. I-click ang I-save. Awtomatikong susuriin ulit ang iyong ad. Tingnan ang status ng ad sa page na “Mga ad at asset” para sa mga update.

I-edit ang iyong pag-target ng ad para makasunod sa patakarang ito.

Kung tina-target ng iyong mga ad ang United States at/o Canada, kumpirmahing hindi ginagamit ng ad mo ang mga sumusunod na pinaghihigpitang pamantayan sa pag-target para sa Mga Ad ng Pabahay, Trabaho, at Pananalapi ng Consumer: pag-target sa ZIP code, pag-target ayon sa kasarian, edad, parental status, marital status, o demograpiko.

Kung nagamit ang alinman sa mga pinaghihigpitang pamantayan sa pag-target, i-edit ang pag-target para makasunod sa patakaran sa pamamagitan ng pagtatakda sa lahat ng demograpiko sa “Naka-enable” at pag-aalis sa pag-target sa ZIP code.

Pagkatapos maalis o mabago para makasunod ang mga paraan ng pag-target na hindi sumusunod, iapela ang pasya sa patakaran sa iyong mga ad nang direkta mula sa Google Ads account mo para mag-request ng bagong pagsusuri.

Iapela ang pasya sa patakaran

Kung naayos mo na ang iyong destinasyon o kung sa tingin mo ay nagkamali kami, direktang iapela ang pasya ayon sa patakaran mula sa iyong Google Ads account para mag-request ng pagsusuri. Pagkatapos naming makumpirma na sumusunod ang destinasyon, maaaprubahan na namin ang iyong mga ad. Kung hindi mo maayos ang mga paglabag na ito o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, alisin ang iyong ad para makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa patakaran.


Mga patakaran sa pangongolekta at paggamit ng data ng naka-personalize na pag-advertise

Itinatakda ng mga patakarang ito ang mga requirement para sa pangongolekta at paggamit ng data sa mga naka-personalize na ad. Nalalapat ang mga ito bilang karagdagan sa mga patakaran ng Google sa ad para sa pangongolekta at paggamit ng data.

Hindi ka pinapayagang gawin ang mga sumusunod:

pulang x na marka Magpagana ng mga ad na nangongolekta o naglalaman ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan (personally identifiable information o PII), maliban na lang kung gumagamit ng format ng ad na ibinigay ng Google at idinisenyo para sa layuning iyon

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Pangongolekta ng mga email address, numero ng telepono, o numero ng credit card sa mismong ad

pulang x na marka Gumamit ng PII kaugnay ng anumang anonymous o pseudonymous na data, kasama ang mga listahan ng remarketing, cookies, o mga feed ng data.

pulang x na marka Magbahagi ng PII sa Google sa pamamagitan ng mga tag ng remarketing o anumang feed ng data ng produkto na posibleng nauugnay sa mga ad

pulang x na marka Magpadala sa Google ng eksaktong impormasyon ng lokasyon nang hindi muna hinihingi ang pahintulot ng mga user

pulang x na marka Gumamit ng listahan ng remarketing na nagta-target ng masyadong maliit o partikular na audience. Kabilang dito ang sitwasyon kung saan nagreresulta sa isang ad na naka-target lang sa iilang user ang pagsasama ng isang listahan ng remarketing sa iba pang mga pamantayan sa pag-target (gaya ng mga heograpikong limitasyon o iba pang pag-segment ng user). Matuto pa tungkol sa mga requirement sa laki ng listahan ng remarketing.

Para sa Remarketing

  • Puwede mong piliing i-disable ang pangongolekta ng data ng remarketing para sa mga user na ayaw makakita ng mga naka-personalize na ad sa pamamagitan ng paggamit sa parameter na: allow_ad_personalization_signals. Matuto pa tungkol sa kung paano baguhin ang pangkalahatang tag ng site para I-disable ang pangongolekta ng data ng naka-personalize na pag-advertise para sa mga partikular na user.
  • Kapag gumagamit ng mga feature na remarketing, re-engagement, o mga katulad na segment, kailangan mong maglagay ng partikular na impormasyon sa iyong patakaran sa privacy.
  • Puwedeng maglagay ang Google ng mga label ng in-ad na abiso para ihayag sa aming mga user ang naka-personalize na pag-advertise, at puwede naming ipakita sa mga user kung sa aling mga listahan ng remarketing sila kabilang, gayundin ang kinauukulang domain name. Hindi mo dapat baguhin o itago ang mga abisong ito. Kung gusto mong magpatupad ng sarili mong in-ad na abiso, dapat lang itong gawin alinsunod sa mga nauugnay na pamantayan sa industriya.
  • Hindi papayagan ng Google ang isa pang advertiser na gamitin ang iyong mga listahan ng remarketing o mga katulad na segment nang wala ang pahintulot mo.

Mga opsyon para ayusin ang mga paglabag ng ad

Kung nakakaapekto ang patakarang ito sa iyong ad, suriin ang iyong mga opsyon sa pag-aayos sa ibaba.

Tiyaking nakakasunod sa mga patakaran sa Naka-personalize na pag-advertise ang iyong mga ad, site, o app. Tandaang kahit na hindi tina-target ang mga ad gamit ang mga sensitibong kategorya, hindi pa rin pinapahintulutan ang ilang uri ng content ng ad.

Pagkatapos suriin ang lahat ng patakaran at matiyak na sumusunod ang iyong mga ad sa patakaran, mayroon kang 3 opsyon para makasunod sa patakaran:

I-edit ang iyong ad text at site o app para makasunod sa patakarang ito.

  • Alisin ang content na iyon sa iyong site o app. Kung may content ang iyong site o app kung saan hindi namin pinapayagan ang pag-personalize, alisin ang lahat ng content na hindi sumusunod sa patakaran sa mga naka-personalize na ad. Pagkatapos ay kakailanganin mong direktang mag-request ng pagsusuri ng iyong mga ad sa Google Ads account mo bago magpatuloy sa susunod na hakbang ng pagsusuri sa iyong mga listahan ng audience.
  • Alisin ang content na iyon sa iyong ad. Kung nilalabag ng iyong ad ang patakaran sa mga naka-personalize na ad, i-edit ito para makasunod ito.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Ad.
  4. Mag-hover sa ad o asset at i-click ang I-edit.
  5. I-edit ang ad o asset para makasunod ito sa patakaran.
  6. I-click ang I-save. Awtomatikong susuriin ulit ang iyong ad. Tingnan ang status ng ad sa page na “Mga ad at asset” para sa mga update.

Kapag na-edit at na-save mo na ang iyong ad, ipapadala na ito para sa pagsusuri. Sinusuri ang karamihan ng mga ad sa loob ng 1 business day, bagama't puwedeng mas matagalan ang ilan kung nangangailangan ang mga iyon ng mas kumplikadong pagsusuri. Kung inalis mo ang di-katanggap-tanggap na content sa iyong ad at sa destinasyon nito, puwede kang mag-request ng pagsusuri ng ad mo.

I-edit ang iyong pag-target ng ad para makasunod sa patakarang ito.

Alisin sa pagkakaugnay o tanggalin ang mga ad group na nagta-target ng mga audience na na-curate ng advertiser o listahan ng remarketing. Tiyaking nakakasunod sa Mga patakaran sa naka-personalize na pag-advertise ang mga ad na gumagamit sa mga tina-target na audience o listahan na ito. Kung hindi sumusunod sa Mga patakaran sa naka-personalize na pag-advertise ang mga ad, pakialis ang mga ad group o pag-target na gumagamit ng mga listahan ng audience o remarketing.

Pagkatapos maalis o mabago para makasunod ang mga paraan ng pag-target na hindi sumusunod, iapela ang pasya sa patakaran sa iyong mga ad nang direkta mula sa Google Ads account mo para mag-request ng bagong pagsusuri.

Iapela ang pasya ayon sa patakaran

Kung naayos mo na ang iyong destinasyon o kung sa tingin mo ay nagkamali kami, direktang iapela ang pasya ayon sa patakaran mula sa iyong Google Ads account para mag-request ng pagsusuri. Pagkatapos naming makumpirma na sumusunod ang destinasyon, maaaprubahan na namin ang iyong mga ad. Kung hindi mo maayos ang mga paglabag na ito o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, alisin ang iyong ad para makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa patakaran.

Kailangan mo ba ng tulong?

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming mga patakaran, makipag-ugnayan sa Suporta sa Google Ads

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13377400507987521508
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false