Parental controls at mga setting para sa mga profile sa YouTube Kids

Nag-aalok ang YouTube Kids ng mas ligtas at mas simpleng experience para sa mga bata. May iba't ibang kontrol at mga setting para sa iyo para magabayan mo ang kanilang panonood. 

Tandaan: Kung gusto mong matuto pa tungkol sa parental controls at mga setting para sa mga pinapatnubayang experience, kumuha ng higit pang impormasyon sa aming Help Center

Pamahalaan ang parental controls at mga setting 

Maraming paraan kung paano mo mapapamahalaan ang mga kontrol na ito. Kapag nag-set up ka ng Google Account para sa iyong anak, puwede mong i-set up ang parental controls para sa YouTube Kids experience sa pamamagitan ng Family Link. Kapag nag-set up ka ng profile sa YouTube Kids para sa iyong anak, puwede mong i-set up ang parental controls sa pamamagitan ng YouTube at YouTube Kids.

Gamitin ang parental controls at mga setting sa YouTube Kids

Puwede mong tingnan ang parental controls at mga setting para sa mga profile sa YouTube Kids mula sa YouTube Kids:

  1. Piliin ang Lock "" sa sulok ng iyong screen.
  2. Kumpletuhin ang multiplication problem o ilagay ang iyong custom na passcode.
  3. Piliin ang Mga Setting "".
Tandaan: May ilang setting ng device, gaya ng Pag-cast at Custom na Passcode, na mababago mo nang hindi pinipili ang profile ng iyong anak.

Gamitin ang mga setting ng YouTube ng iyong naka-link na account ng magulang

Para tingnan ang parental controls at mga setting para sa mga profile sa YouTube Kids mula sa iyong mga setting ng YouTube:

  1. Mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong naka-link na account ng magulang.
  2. Pumunta sa iyong larawan sa profile "".
  3. Piliin ang Mga Setting "".
  4. Piliin ang Mga Setting ng Magulang.
    1. Kung nasa computer ka, piliin ang Pamahalaan ang mga setting para sa iyong mga anak, sa tabi ng “Mga Setting ng Magulang.”

Gamitin ang Family Link app

Para tingnan ang parental controls at mga setting para sa mga profile sa YouTube Kids mula sa Family Link:

  1. Sa iyong device, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga paghihigpit sa content at pagkatapos ay YouTube.
  4. Baguhin ang iyong mga setting ng YouTube Kids, sa ilalim ng "Mga Setting ng YouTube Kids."

Baguhin ang partikular na parental controls at mga setting

Puwede mong iangkop ang experience sa YouTube Kids para sa iyong anak sa pamamagitan ng pag-adjust ng partikular na parental controls at mga setting. Binibigyang-daan ka ng mga kontrol at setting na ito na:

Mag-block o magbahagi ng content

Mag-block ng content:

YouTube Kids: Paano mag-block ng mga video

Mag-share ng content: Mag-sign in sa iyong Google Account para mag-share ng mga video at channel mula sa YouTube sa iyong mga naka-link na child account.

Tandaan: Hindi ka makakapag-share ng mga video sa iyong anak na live, may paghihigpit sa edad, o biniling content. Hindi rin puwedeng magsama ang mga ito ng binabayarang placement ng produkto. 

Mag-share ng content mula sa YouTube sa experience sa YouTube Kids ng iyong anak

Baguhin ang mga setting ng level ng content ng iyong anak 
Puwedeng piliin ng mga magulang kung paano pipiliin ang content sa YouTube Kids.

Baguhin ang setting ng level ng content para sa profile sa YouTube Kids ng iyong anak mula sa YouTube Kids:

Tandaan: Bukod pa sa setting ng content na pipiliin mo para sa iyong anak, magiging available rin sa YouTube Kids ang anumang content na ibabahagi mo sa kanya sa YouTube.
  1. Piliin ang Lock"" sa sulok ng iyong screen.
  2. Kumpletuhin ang multiplication problem o ilagay ang iyong custom na passcode.
  3. Piliin ang Mga Setting "".
  4. Piliin ang profile ng iyong anak at ilagay ang password mo sa account ng magulang.
  5. Piliin ang Preschool, Mas Bata, Mas Matanda, o Ikaw mismo ang mag-apruba ng content.

Baguhin ang setting ng level ng content ng iyong anak mula sa YouTube:

  1. Mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong naka-link na account ng magulang.
  2. Pumunta sa iyong larawan sa profile "".
  3. Piliin ang Mga Setting "".
  4. Piliin ang Mga Setting ng Magulang.
  5. Piliin ang profile o account ng iyong anak.
  6. Sa ilalim ng "Mga Setting ng YouTube Kids," piliin ang I-EDIT sa tabi ng “Mga Setting ng Content.”
    • Tandaan: Kung gusto mong gawing Ikaw mismo ang mag-apruba ng content ang setting ng content, kailangan mong gamitin ang YouTube Kids app para gawin ang pagbabagong ito.

Kung papamahalaan mo ang Google Account ng iyong anak gamit ang Family Link, puwede mo ring baguhin ang kanyang setting ng level ng content mula sa Family Link app:

  1. Sa iyong device, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga paghihigpit sa content at pagkatapos ay YouTube.
  4. Baguhin ang setting ng level ng content ng iyong anak para sa YouTube Kids, sa ilalim ng “Mga Setting ng YouTube Kids.”
Tandaan: Makakakita ka ng preview ng content na available sa bawat setting ng content kapag nag-click o nag-tap ka sa pangalan ng setting ng content. Puwede mong baguhin ang mga setting na ito anumang oras.
Inaprubahang content lang 

Sa setting na ito, makakapanood lang ang iyong anak ng mga video, channel, at koleksyong pinili mo. Ang mga koleksyon ay mga video at channel na ipinangkat ayon sa mga paksa tulad ng agham at musika na pinili ng mga YouTube Kids team o ng aming mga partner.

Sa setting na ito, hindi makakapaghanap ang iyong anak ng anumang video sa YouTube Kids.

YouTube Kids: Paano mag-apruba ng mga puwedeng panoorin ng iyong mga anak

Para gawing Ikaw mismo ang mag-apruba ng content ang setting ng content ng iyong anak:

  1. Buksan ang YouTube Kids app sa device ng iyong anak.
  2. I-tap ang icon na Lock "" sa ibabang sulok ng anumang page sa app.
  3. Kumpletuhin ang multiplication problem o ilagay ang iyong custom na passcode.
  4. Piliin ang Mga Setting "".
  5. Piliin ang profile ng iyong anak at ilagay ang password mo sa account ng magulang.
  6. Piliin ang I-EDIT ANG MGA SETTING.
  7. Piliin ang Ikaw mismo ang mag-apruba ng content para i-on.
  8. Suriin ang impormasyon sa pop-up na “Pagsisimula.”
  9. I-tap ang Piliin.
  10. I-tap ang "" sa anumang koleksyon, channel, o video para aprubahan ang content na gusto mong gawing available sa iyong anak.
  11. Piliin ang TAPOS NA sa pulang kahon sa ibaba ng screen para lumabas.
Tandaan: Puwede mong i-edit ang listahan ng mga koleksyon, channel, at video na inaprubahan mo anumang oras sa pamamagitan ng pag-tap sa Pamahalaan sa ilalim ng setting na “Inaprubahang content lang.” Habang nag-aapruba ka ng content, puwede mong i-preview kung ano ang magiging experience ng iyong anak sa pamamagitan ng pag-tap sa I-PREVIEW. Puwede mo ring i-off ang “Inaprubahang content lang” anumang oras sa pamamagitan ng pagbalik sa Mga Setting.
I-off ang paghahanap 

Puwede mong paghigpitan ang iyong anak sa mas limitadong hanay ng mga video sa YouTube Kids sa pamamagitan ng pag-off sa feature sa Paghahanap.

Kapag na-off ang feature sa Paghahanap, hindi makakapaghanap ng mga video ang iyong anak. Lilimitahan din ang iyong anak sa mga video at channel na na-verify ng YouTube Kids. Matuto pa tungkol sa Paghahanap sa YouTube Kids

Para i-off ang feature sa Paghahanap, ilipat ang Paghahanap sa naka-off sa Mga Setting "".

Kung io-off mo ang Paghahanap, maki-clear ang history ng panonood at paghahanap para sa profile sa YouTube Kids ng iyong anak. Mare-reset din ang Mga inirerekomendang video at Panoorin ulit ito

Suriin ang history ng panonood ng iyong anak

Puwede mong suriin ang history ng panonood ng iyong anak para sa YouTube Kids sa Panoorin ito ulit.

Sa mobile device o tablet ng iyong anak:

  • I-tap ang Panoorin ulit ito "" sa itaas ng home screen.

Sa computer ng iyong anak:

  • Sa itaas na sulok ng screen, piliin ang larawan sa profile ng iyong anak para panoorin ang mga video sa Panoorin ito ulit.

Tandaan: Ang mga video lang na pinanood sa YouTube Kids sa device na iyon ang lalabas sa Panoorin ulit ito.

I-clear ang history

Puwede mong i-clear ang history ng panonood at paghahanap para sa account ng iyong anak sa lahat ng kanyang naka-link na device mula sa YouTube:

  1. Mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong naka-link na account ng magulang.
  2. Pumunta sa iyong larawan sa profile "".
  3. Piliin ang Mga Setting "".
  4. Piliin ang Mga Setting ng Magulang.
  5. Piliin ang profile o account ng iyong anak.
  6. Piliin ang I-clear ang history.
  7. Para i-save ang iyong mga pagbabago, piliin ang I-CLEAR.

Puwede mo ring i-clear ang history ng iyong anak, at i-reset ang mga video sa Inirerekomenda at Panoorin ito ulit mula sa YouTube Kids:

  1. Piliin ang Lock "" sa sulok ng iyong screen.
  2. Kumpletuhin ang multiplication problem o ilagay ang iyong custom na passcode.
  3. Piliin ang Mga Setting "".
  4. Piliin ang profile ng iyong anak at ilagay ang password mo sa account ng magulang.
  5. Piliin ang I-clear ang history.
  6. Para i-save ang iyong mga pagbabago, piliin ang OK.
I-off ang autoplay

Puwede mong i-off ang Autoplay para sa iyong anak sa pamamagitan ng pagpili sa I-disable ang autoplay. Hindi mao-on ng iyong anak ang Autoplay kapag naka-on ang setting na ito.

Para i-disable ang autoplay para sa iyong anak mula sa YouTube:

  1. Mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong naka-link na account ng magulang.
  2. Pumunta sa iyong larawan sa profile "".
  3. Piliin ang Mga Setting "".
  4. Piliin ang Mga Setting ng Magulang.
  5. Piliin ang profile o account ng iyong anak.
  6. Ilipat ang I-disable ang autoplay sa naka-on.
I-pause ang history ng panonood
Puwede mong ihinto ang paggamit ng mga bagong panonood ng video bilang mga signal para magrekomenda ng iba pang video. Ihihinto rin ng pag-pause sa history ng panonood ang paggamit ng mga bagong panonood ng video bilang mga signal para sa Mga inirerekomendang video at Panoorin ulit ito.

Para i-pause ang history ng panonood ng iyong anak mula sa YouTube Kids:

  1. Piliin ang Lock "" sa sulok ng iyong screen.
  2. Kumpletuhin ang multiplication problem o ilagay ang iyong custom na passcode.
  3. Piliin ang Mga Setting "".
  4. Piliin ang profile ng iyong anak at ilagay ang password mo sa account ng magulang.
  5. Ilipat ang I-pause ang history ng panonood sa naka-on.
  6. Para i-save ang iyong mga pagbabago, piliin ang OK.

Para i-pause ang history ng panonood ng iyong anak mula sa YouTube:

  1. Mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong naka-link na account ng magulang.
  2. Pumunta sa iyong larawan sa profile "".
  3. Piliin ang Mga Setting "".
  4. Piliin ang Mga Setting ng Magulang.
  5. Piliin ang profile o account ng iyong anak.
  6. Ilipat ang I-pause ang history ng panonood sa naka-on.
I-pause ang history ng paghahanap
Ihihinto rin ng pag-pause ng history ng paghahanap ang paggamit ng mga bagong termino para sa paghahanap bilang mga signal para sa Mga inirerekomendang video.

Para I-pause ang history ng paghahanap ng iyong anak mula sa YouTube Kids:

  1. Piliin ang Lock "" sa sulok ng iyong screen.
  2. Kumpletuhin ang multiplication problem o ilagay ang iyong custom na passcode.
  3. Piliin ang Mga Setting "".
  4. Piliin ang profile ng iyong anak at ilagay ang password mo sa account ng magulang.
  5. Ilipat ang I-pause ang history ng paghahanap sa naka-on.
  6. Para i-save ang iyong mga pagbabago, piliin ang OK.

Para i-pause ang history ng paghahanap ng iyong anak mula sa YouTube:

  1. Mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong naka-link na account ng magulang.
  2. Pumunta sa iyong larawan sa profile "".
  3. Piliin ang Mga Setting "".
  4. Piliin ang Mga Setting ng Magulang.
  5. Piliin ang profile o account ng iyong anak.
  6. Ilipat ang I-pause ang history ng paghahanap sa naka-on.

YouTube Premium

May ilang benepisyo sa paggamit ng iyong membership sa YouTube Premium sa YouTube Kids. Halimbawa, makakanood kayo ng anak mo ng mga video sa YouTube Kids nang walang anumang may bayad na ad. 

Magkakaroon ka rin ng access sa mga download at Pag-play sa background. Matuto pa tungkol sa mga setting na ito

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16775284942331435045
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false