Iba pang legal na reklamo

Isinasaalang-alang lang ng YouTube ang mga legal na reklamo kapag nakikipag-ugnayan sa amin ang partidong kasangkot o ang kanilang awtorisadong legal na kinatawan.

Kung ipo-post ng isang tao ang iyong impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan o kung mag-a-upload siya ng video mo nang hindi mo nalalaman, kabilang ang mga pribado o sensitibong sitwasyon, hilingin sa uploader na alisin ang content. Kung hindi sasang-ayon ang uploader, o kung hindi ka komportableng makipag-ugnayan sa kanya, maghain ng reklamo sa pamamagitan ng proseso sa page na Mga Alituntunin sa Privacy ng YouTube. Puwedeng kasama sa personal na impormasyon ang iyong larawan, pangalan, pambansang numero ng pagkakakilanlan, numero ng bank account, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, o iba pang impormasyong nagbibigay ng partikular na pagkakakilanlan. Matuto pa tungkol sa mga pamantayan para sa pag-aalis ng content dahil sa paglabag sa privacy.

Kung hindi tungkol sa privacy ang iyong reklamo, piliin mula sa menu ang bansa/rehiyon kung saan nangyari ang hindi pagkakaunawaan at sundin ang mga tagubilin.

Punan ang form na ito.

Kung hindi mo makita ang iyong bansa/rehiyon sa menu sa itaas

Nasasaklawan ng batas ng U.S. ang YouTube.com. Dahil dito, hindi kami tumatanggap ng mga legal na reklamo mula sa bansa/rehiyon kung saan ka nag-claim ng mga karapatan. Inirerekomenda namin na ipagpatuloy mo ang anumang claim na mayroon ka nang direkta laban sa indibidwal na nag-post ng content. Puwede mong subukang makipag-ugnayan sa uploader. Kung magreresulta ang iyong demanda sa pasya laban sa indibidwal na nag-post ng content at kung ire-require sa amin ng utos ng hukuman na alisin ang content sa aming serbisyo, tutugon kami nang naaayon.

Matuto pa tungkol sa mga patakaran, kaligtasan, at pag-uulat ng YouTube.

Mga paglabag sa patakaran

Kung mayroon kang mga alalahanin tungkol sa mga paglabag sa patakaran ng YouTube, puwede mong iulat ang paglabag. Alamin kung paano mag-ulat ng mga hindi naaangkop na video, channel, at iba pang content sa YouTube.

Panliligalig

Kung nag-aalala kang umabot na sa level ng panliligalig ang pakikipag-ugnayan sa isang miyembro ng komunidad, puwede mong iulat ang pakikipag-ugnayan. Alamin kung paano mag-ulat ng mga hindi naaangkop na video, channel, at iba pang content sa YouTube.

Copyright

Kung may alalahanin ka sa copyright, pumunta sa aming Copyright center.

Mga reklamo sa privacy

Kung nilalaman ng isang video ang iyong impormasyon na nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan nang walang pahintulot mo, puwede kang maghain ng reklamo sa pamamagitan ng proseso sa page na Mga Alituntunin sa Privacy ng YouTube. Puwedeng kasama sa personal na impormasyon ang iyong larawan, pangalan, pambansang numero ng pagkakakilanlan, numero ng bank account, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, o iba pang impormasyong nagbibigay ng partikular na pagkakakilanlan.

Matuto pa tungkol sa mga pamantayan para sa pag-aalis ng content dahil sa paglabag sa privacy.

Mga utos ng hukuman

Kung may utos ng hukuman ng U.S. na kinasasangkutan ng content na na-post sa www.youtube.com, puwede mong ipadala ang utos ng hukuman sa pamamagitan ng mail sa address na ito:

YouTube, Inc., Attn Legal Support

901 Cherry Ave., Second Floor

San Bruno, CA 94066

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15878424402167343326
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false