Suriin at sagutin ang mga komento

 Ang pamamahala sa at pakikipag-ugnayan gamit ang mga komento ay magandang paraan para magpanatili ng masiglang komunidad sa iyong channel.

Tingnan ang mga komento sa iyong mga video at channel

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang Menu, piliin ang Mga Komento.
  3. Piliin ang tab na gusto mong suriin:
    • Na-publish: Mga komentong makikita ng lahat.
    • Naka-hold para sa pagsusuri: Mga komentong naka-hold para sa pagsusuri batay sa iyong mga setting at komento na awtomatikong na-hold ng YouTube bilang malamang na spam.

Puwede mong gamitin ang filter bar  sa itaas ng bawat tab para i-filter ang mga komentong nakikita mo. Puwede kang mag-filter ayon sa paghahanap, mga tanong, status ng pagsagot, at higit pa.

Makikita ng mga kwalipikadong creator ang "Mga Komento at Pagbanggit" sa Studio sa computer nila. Matuto pa tungkol sa pagiging kwalipikado sa mga pagbanggit.

Magbigay ng reaksyon sa mga na-publish na komento

Sa tab na “Na-publish,” magagawa mong:

  • Sumagot: Piliin ang Sumagot para direktang sumagot sa isang komento.
  • Mag-heart: Piliin ang puso sa ilalim ng isang komento para ipakita ang pagpapahalaga.
  • Mag-like: Piliin ang thumbs up  para mag-like ng komento.
  • Mag-dislike: Piliin ang thumbs down  para mag-dislike ng komento.
  • Mag-pin: Piliin ang Higit pa '' at pagkatapos ay I-pin para mag-highlight ng komento sa itaas ng page sa panonood ng iyong video. Lalabas lang ang opsyong ito kapag tumitingin ng mga komento para sa indibidwal na video.

Tip: Para tulungan kang matuto pa tungkol sa kung sino ang nagkokomento, lalabas ang mga badge sa tabi ng mga pangalan ng mga nagkomento sa YouTube Studio. Halimbawa, mayroong mga badge para sa mga nangungunang nagkomento , mga miyembro ng channel , at mga nagkomentong pampublikong naka-subscribe .

Gumawa ng pagkilos sa mga komentong naka-hold para sa pagsusuri

Sa tab na “Naka-hold para sa pagsusuri,” puwede mong gawin ang mga sumusunod na pagkilos. Puwede mo ring makita ang mga opsyong ito sa tab na “Na-publish” sa pamamagitan ng pag-click sa Higit pa ''.

  • Mag-apruba: Piliin ang Aprubahan  para payagang maisapubliko ang isang komento.
  • Mag-alis: Piliin ang Alisin  para mag-alis ng komento.
  • Mag-ulat ng spam o pang-aabuso: Piliin ang Iulat  para mag-ulat ng spam o pang-aabuso sa isang komento. Matuto pa tungkol sa mga spam na komento.
  • Mag-hide ng user:  Piliin ang Mag-hide Icon sa pagtatago ng Maps para mag-hide ng user mula sa channel.​ Matuto pa tungkol sa pag-hide ng mga komento mula sa mga partikular na tao.
  • Laging mag-apruba: Available lang ang opsyong ito sa tab na "Na-publish." Para payagan ang lahat ng komento sa hinaharap mula sa isang partikular na manonood na awtomatikong maaprubahan at maisapubliko, piliin ang Higit pa '' at pagkatapos ay Palaging aprubahan ang mga komento mula sa user na ito.

Magdagdag ng moderator ng komento

Puwede kang mag-imbita ng mga moderator para tulungan kang pamahalaan ang mga komento sa iyong mga video at channel. Puwedeng maging moderator ang sinumang may YouTube channel. Para magdagdag ng moderator sa YouTube Studio:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang Menu, piliin ang Mga Setting.
  3. Piliin ang Komunidad.
  4. Ilagay ang URL ng channel ng moderator sa kahong "Mga karaniwang moderator.”
  5. Piliin ang I-SAVE.

Puwede ka ring magdagdag ng partikular na moderator mula sa kanyang komento sa video:

  1. Sa YouTube app, maghanap ng komento sa ilalim ng isa sa iyong mga video mula sa taong gusto mong gawing moderator.
  2. I-tap ang Higit pa '' sa tabi ng kanyang komento.
  3. I-tap ang Idagdag bilang moderator.
  4. Piliin ang Namamahalang moderator o Karaniwang moderator.

Hindi makakatanggap ng notification ang moderator na idinagdag mo siya. Ipaalam sa moderator na puwede na siyang mag-alis ng mga komento.

Mga paksa ng komento

Gumagamit ng artificial intelligence (AI) ang mga paksa ng komento para isaayos at ibuod ang mga komento sa mga video sa YouTube. Gamit ang impormasyong ito, malalaman mo kung ano ang interes ng iyong komunidad, mas madaling makakasali sa mga talakayan, at makakakuha ng inspirasyon para sa mga bagong video. 

Para masuri ang mga paksa ng komento, pumunta sa seksyon ng mga komento ng isang video sa YouTube mobile app. Kung available, i-tap ang Mga Paksa .

Tandaan: Hindi lalabas ang feature na ito sa lahat ng video. Sa ngayon, available lang ang mga paksa ng komento sa malalaking seksyon ng komento sa YouTube mobile app para sa mga video at komentong nasa English. 

Ibinubuod ng AI ang mga paksa at hindi ng mga tao, kaya posibleng iba-iba ang kalidad at katumpakan.

FAQ

Ano ang puwedeng gawin ng moderator?

Nakadepende ang mga magagawa ng moderator ng komento sa kung siya ay karaniwang moderator o namamahalang moderator. Mas marami ang mga available na opsyon para sa mga namamahalang moderator kaysa sa mga karaniwang moderator. Magagawa ng dalawang uri ng moderator na mag-hold ng mga komento para masuri mo.
Walang access ang mga moderator sa iyong channel sa YouTube Studio. Ang komento ay iho-hold para sa iyong pagsusuri sa queue mo na "Naka-hold para sa pagsusuri." Hindi makikita ng ibang manonood ang komento maliban na lang kung aaprubahan mo ito.

Matuto pa tungkol sa kung ano ang magagawa ng mga moderator ng komento.
Iba ang paggana ng pag-moderate ng komento sa live chat. Matuto kung paano magtalaga ng mga moderator para sa mga live chat.

Paano ko aalisin ang isang moderator ng komento?

Puwede mong pamahalaan ang iyong mga moderator sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa itaas para sa pagdaragdag ng moderator ng komento, pagkatapos ay piliin ang opsyon sa pag-aalis.

Sinasabihan ba ang mga manonood kapag nag-heart, nag-like, nag-dislike, nag-pin, o sumagot ako sa kanilang komento?

Kung nag-heart, nag-pin, o tumugon ka sa isang komento, makakatanggap ang tagakomento ng notification na sumagot ka, depende sa kanilang mga setting ng notification.
Ang mga pag-like at pag-dislike ay anonymous. Kung magla-like ka ng komento, posibleng makatanggap ang tagakomento ng notification na nagsasabing, “May taong nag-like sa iyong komento." Hindi makakatanggap ng notification ang mga manonood kapag na-dislike mo ang kanilang komento.

Paano ako mag-a-unpin ng komento?

Kung nag-pin ka ng komento sa itaas ng page sa panonood, pero hindi mo na ito gusto roon, puwede mo itong i-unpin. Sa tabi ng komento, piliin ang Higit pa '' at pagkatapos ay I-unpin.
Puwede ka ring mag-pin ng ibang komento, na mag-a-unpin sa naunang komento.

Anong mangyayari kapag minarkahan ko ang isang komento bilang spam?

Permanenteng itatago ang komento sa iyong channel. Posible ring suriin ng YouTube ang komento at gawi ng tagakomento para sa spam.

Paano ibinubuod ang mga paksa ng komento, at puwede ko bang i-moderate ang mga ito?

Gumagamit ang mga paksa ng komento ng mga Google-owned na modelo ng AI para isaayos at ibuod ang mga komento, nang walang pagsusuri ng tao, sa mga video sa YouTube na may malalaking seksyon ng komento. Nagagawa lang ang mga paksa kapag may mga sapat na komento para kumatawan sa isang tema. 

Walang opsyon na mag-opt out sa mga paksa ng komento. Kung aalisin mo ang mga komentong lumalabas sa ilalim ng isang partikular na paksa, maaalis ang paksa. 

Hindi gagawa ng mga paksa mula sa mga komentong naka-hold para sa pagsusuri, naglalaman ng mga naka-block na salita, o mula sa mga nakatagong use. 

Para magbigay ng feedback sa mga paksa ng komento: 

  1. Buksan ang seksyon ng mga komento ng isang video sa YouTube app.
  2. I-tap ang Mga Paksa .
  3. I-tap ang Higit pa ''.
  4. I-tap ang Magpadala ng feedback.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2813382799809960956
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false