Patakaran sa mga marahas na extremist o kriminal na organisasyon


Pangunahin naming priyoridad ang kaligtasan ng aming mga creator, manonood, at partner. Inaasahan naming tutulungan kami ng bawat isa sa inyo na panatilihin at protektahan ang natatangi at masiglang komunidad na ito. Mahalagang maunawaan mo ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad, at ang tungkuling ginagampanan ng mga ito sa ating pinaghahatiang responsibilidad na panatilihing ligtas ang YouTube. Maglaan ng oras para mabasa nang mabuti ang patakaran sa ibaba. Puwede mo ring tingnan ang page na ito para sa kumpletong listahan ng aming mga alituntunin.

Hindi pinapayagan sa YouTube ang content na may layuning purihin, i-promote, o tulungan ang mararahas na extremist o kriminal na organisasyon. Hindi pinapayagan ang mga organisasyong itong gamitin ang YouTube para sa anumang layunin, kabilang ang pag-recruit.

Kung makakita ka ng content na lumalabag sa patakarang ito, iulat ito. Available dito ang mga tagubilin para sa pag-uulat ng mga paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Kung nakakita ka ng ilang video o komentong gusto mong iulat, puwede mong iulat ang channel.

Kung naniniwala kang may sinumang nasa agarang panganib, dapat kang makipag-ugnayan sa iyong lokal na ahensyang nagpapatupad ng batas para maiulat agad ang sitwasyon.

Ang kahulugan nito para sa iyo

Kung nagpo-post ka ng content

Huwag mag-post ng content sa YouTube kung tumutugma ito sa alinman sa mga paglalarawang nakasaad sa ibaba.

  • Content na ginawa ng mga marahas na extremist, kriminal, o teroristang organisasyon
  • Content na pumupuri o gumugunita sa mga tanyag na terorista, extremist, o kriminal para mahikayat ang ibang taong magsagawa ng mga marahas na aktibidad
  • Content na pumupuri o nag-aabswelto sa mga marahas na aktibidad na isinasagawa ng mga marahas na extremist, kriminal, o teroristang organisasyon
  • Content na may layuning mag-recruit ng mga bagong miyembo sa mga marahas na organisasyong extremist, kriminal, o terorista
  • Content na nagpapakita ng mga hostage o na-post nang may layuning mangalap, magbanta, o manakot sa ngalan ng organisasyong kriminal, extremist, o terorista
  • Content na nagpapakita ng insignia, mga logo, o mga simbolo ng mga marahas na organisasyong extremist, kriminal, o terorista para purihin o isulong ang mga ito
  • Content na pumupuri o nanghihikayat ng mararahas na trahedya, tulad ng mga barilan sa paaralan

Nakadepende ang YouTube sa maraming salik, kabilang na ang mga pagtukoy ng pamahalaan at internasyonal na organisasyon, para matukoy kung ano ang maituturing na mga organisasyon ng kriminal o terorista. Halimbawa, winawakasan namin ang anumang channel kung saan may makatuwiran kaming paniniwala na ang may-ari ng account ay miyembro ng isang tinukoy na organisasyon ng terorista, tulad ng Foreign Terrorist Organization (U.S.), o organisasyong tinukoy ng United Nations.

Kung magpo-post ka ng content na nauugnay sa terorismo o krimen para sa layuning pang-edukasyon, dokumentaryo, siyentipiko, o artistiko, tandaang magbigay ng sapat na impormasyon sa mismong video o audio para maunawaan ng mga manonood ang konteksto. Puwedeng patawan ng mga paghihigpit sa edad o screen ng babala ang graphic o kontrobersyal na footage.

Nalalapat ang patakarang ito sa mga video, paglalarawan ng video, komento, live stream, at anupamang produkto o feature ng YouTube. Tandaang hindi ito kumpletong listahan. Pakitandaang nalalapat din ang mga patakarang ito sa mga external na link sa iyong content. Puwedeng kasama rito ang mga naki-click na URL, pasalitang pagdirekta ng mga user sa iba pang site sa video, at iba pang anyo.

Mga Halimbawa

Narito ang ilang halimbawa ng content na hindi pinapayagan sa YouTube.

  • Mga raw at hindi binagong reupload ng content na gawa ng mga organisasyong terorista, kriminal, o extremist
  • Pagdiriwang sa mga pinuno ng terorista o sa mga krimen nila sa mga kanta o paggunita
  • Pagdiriwang sa mga organisasyon ng terorista o kriminal sa mga kanta o paggunita
  • Content na nagdidirekta sa mga user sa mga site na nagsusulong ng paniniwala ng terorista, ginagamit para mamahagi ng ipinagbabawal na content, o ginagamit para sa pag-recruit
  • Footage na kinunan ng salarin habang may nakakamatay o malaki at marahas na pangyayari, kung saan makikita o maririnig ang mga sandata, karahasan, o napinsalang biktima
  • Nagli-link sa mga external na site na naglalaman ng mga manifesto ng mga marahas na attacker
  • Content ng video game na binuo o binago (“modded”) para purihin ang isang marahas na event, at ang mga may kagagawan nito, o suportahan ang mararahas na organisasyon ng extremist, kriminal, o terorista
  • Pumupuri sa karahasan laban sa mga sibilyan
  • Fundraising para sa mararahas na organisasyong kriminal, extremist, o terorista

Pakitandaang ilang halimbawa lang ang mga ito, at huwag mag-post ng content kung sa tingin mo ay posibleng labag ito sa patakarang ito.

Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content

Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong content, aalisin namin ang content at papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo.

Kung ito ang iyong unang paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, malamang na makakatanggap ka ng babala. Kung hindi, posible kaming maghain ng strike laban sa iyong channel. Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Puwede kang matuto pa tungkol sa aming system ng mga strike dito.

Posibleng magresulta ang mga paglabag sa pag-disable ng pag-monetize sa alinman sa iyong mga account alinsunod sa aming Mga patakaran sa pag-monetize ng channel sa YouTube. Puwedeng kasama rito ang mga babala. Kung sa tingin mo ay nagkamali kami, puwede kang umapela. Kung babawiin ang paglabag, puwede kang mag-apply para sa pag-monetize kapag kwalipikado ka na sa YouTube Studio.

Puwede naming wakasan ang iyong channel o account dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Puwede rin naming wakasan ang iyong channel o account pagkatapos ng isang matinding pang-aabuso, o kapag nakalaan ang channel sa isang paglabag sa patakaran. Puwede naming pigilang sumailalim sa mga pagsasanay sa patakaran sa hinaharap ang mga paulit-ulit na lumalabag. Matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5381634347190882773
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false