Paggamit sa mga benepisyo ng YouTube Premium

Isa ang YouTube Premium (dating kilala bilang YouTube Red) sa ilang serbisyo ng premium na membership na inaalok namin para sa pagpapalawak sa iyong karanasan sa YouTube. Matuto pa tungkol sa aming mga inaalok na may bayad na membership.
Manood ng mga video na walang ad

Sa YouTube Premium, makakanood ka ng milyon-milyong video nang walang pagkaantala ng mga ad bago mag-play at habang nagpe-play ang isang video, kasama ang mga video overlay na ad. Hindi ka rin makakakita ng mga third-party na banner ad at search ad.

Posible ka pa ring makakita ng branding o ng mga promosyong naka-embed sa content ng creator at ng mga pampromosyong link, shelf, at feature sa content o sa paligid nitong idinagdag at na-enable ng creator. Ang mga link, shelf, at feature na ito ay posibleng para sa kanyang website, merchandise, membership sa kanyang channel, mga ticket ng event, o iba pang kaugnay na destinasyong pino-promote nila.

Sinusuportahan ang mga video na walang ad sa lahat ng device at platform kung saan ka puwedeng mag-sign in gamit ang iyong Google Account—pati na rin sa mga tugmang smart TV/gaming console at sa YouTube, YouTube Music, at YouTube Kids mobile app, kung available ang mga ito sa iyong lokasyon.

Mag-download ng mga video para manood offline

Mag-download ng mga video at playlist na papanoorin offline kapag hindi ka nakakonekta sa internet. Puwede kang mag-download ng mga video na papanoorin offline gamit ang YouTube o YouTube Music app (at manood ng mga video na awtomatikong na-download sa YouTube Kids app) kung available ang mga app na ito sa iyong lokasyon at kung naka-sign in ka sa YouTube Premium account mo.

Tandaan: Hindi available sa computer at mga laptop device ang pag-download ng mga video at playlist na papanoorin offline.

Mag-download ng video

  1. Magsimulang manood ng video sa YouTube mobile app.
  2. I-tap ang I-download sa ibaba ng video player.
  3. Piliin ang kalidad ng video.
  4. Lalabas ang icon na "Na-download" sa ibaba ng video player kapag kumpleto na ang pag-download sa video.

Puwede mong tingnan ang iyong mga na-download na video sa mga tab na Library o Account .

Para mag-alis ng na-download na video, i-tap ang Na-download at piliin ang Alisin.

Baguhin ang mga setting ng pag-download

Sa ilang partikular na mobile device, mada-download lang ang mga video at playlist kapag nasa partikular na uri ng koneksyon ang iyong device - karaniwang default ang Wi-Fi network. Para payagan ang mga pag-download ng video sa iyong mobile network:

  1. Buksan ang YouTube app.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile.
  3. I-tap ang Mga Setting Settings.
  4. I-tap ang Library at mga download.
  5. I-tap ang koneksyon sa Pag-download.
  6. Piliin ang “Lahat ng uri ng koneksyon.”

Nagbibigay ng access ang ilang mobile network carrier sa unlimited na mobile data, na data na hindi naibabawas sa anumang quota o limitasyon. Kung gumagamit ka ng isa sa mga carrier na iyon, puwede ka ring makakita ng opsyon para mag-download sa “Wi-Fi at unlimited na mobile data.” Kapag pinili ang opsyong ito, mabibigyang-daan ang mga video at playlist na ma-download kapag may koneksyon sa Wi-Fi o nasa unlimited na koneksyon ng mobile data ang iyong device.

Available lang ang unlimited na mobile data sa bersyon ng Android na R o mas bago. Limitado ito sa mga kalahok na mobile carrier (kasalukuyang Verizon at AT&T) sa United States, kung saan posibleng limitado ang access sa 5G.

Itakda ang kalidad ng pag-download ng video

Para baguhin ang default na kalidad para sa pag-download ng mga video, pumunta sa Mga Setting Settings at piliin ang Kalidad ng download sa ilalim ng "Background at Mga Download." Posibleng mas matagal i-download ang mga video na mas mataas ang kalidad at posibleng gumamit ang mga ito ng mas malaking storage space sa iyong device.

Kung wala nang 5% ang available na storage space sa iyong device, hindi ka makakapag-download ng mga karagdagang video. Para magbakante ng espasyo, subukang mag-alis ng na-download na video o playlist.

Mga bagay na dapat malaman tungkol sa mga na-download na video:

  • Dapat ay naka-sign in ka sa iyong YouTube Premium account para mag-download ng mga video na papanoorin offline.
  • Posibleng hindi available ang ilang video, gaya ng mga libreng pelikula mula sa Mga Pelikula at Palabas sa YouTube, para i-download para sa offline na panonood dahil sa mga paghihigpit sa content mula sa mga partner.
  • Hindi available ang ilang pagkilos, tulad ng pagkomento at pag-like, habang nanonood ng mga video offline.
  • Awtomatikong ire-renew ang mga na-download na video basta't mag-online ka sa iyong bansa/rehiyon kahit isang beses lang bawat 30 araw.
  • Posibleng hindi available offline ang ilang video na na-download mo dati kapag kumonekta ka ulit sa internet dahil sa mga paghihigpit sa content mula sa mga partner.
  • Kung nawalan ng koneksyon ang iyong device habang nagda-download ng isang video o playlist, awtomatiko itong magpapatuloy kapag kumonekta ka ulit sa isang mobile o Wi-Fi network.
  • Makakapag-download ka lang ng mga video sa mga bansa/rehiyon kung saan available ang YouTube Premium.
  • Matuto pa tungkol sa mga offline na video ng YouTube.
Pag-play sa background

Mag-play ng mga video sa iyong mobile device habang gumagamit ng iba pang app o kapag naka-off ang screen mo. Available ang pag-play sa background sa YouTube, YouTube Music, at YouTube Kids mobile app (kung available sa iyong lokasyon ang mga app na ito).

I-customize o i-off ang pag-play sa background

Available ang pag-play sa background sa mga YouTube mobile app kapag naka-sign in ka sa iyong YouTube Premium membership account. Bilang default, palaging magpe-play ang mga video sa background.

Para baguhin o i-off ang pag-play sa background:

  1. Pumunta sa Mga Setting Settings.
  2. Piliin ang Pag-play sa Background sa ilalim ng "Background at Mga Download."
  3. Pumili ka:
    • Palaging naka-on: Palaging magpe-play ang mga video sa background (default na setting).
    • Naka-off: Hinding-hindi magpe-play ang mga video sa background.
    • Headphones o mga external na speaker: Magpe-play lang ang mga video sa background kung nakakonekta ang iyong device sa headphones, mga speaker, o external na output ng audio.
YouTube Music Premium

Magkakaroon ka rin ng access sa YouTube Music Premium bilang bahagi ng iyong mga benepisyo. Sa YouTube Music Premium, magagawa mong:

  • Mag-enjoy sa milyon-milyong kanta at video sa YouTube Music nang walang ad.
  • Mag-download ng mga kanta at video sa iyong mobile device para sa offline na pakikinig.
  • Gamitin ang pag-play sa background para patuloy na mag-play ang iyong musika habang gumagamit ka ng ibang app.
  • I-on ang audio-only mode para makinig sa musika nang hindi nilo-load ang video.
YouTube Originals
Panoorin ang lahat ng serye at pelikula ng YouTube Originals mula sa ilan sa pinakamalalaking creator ng YouTube, sa sandaling i-release ang mga ito, at nang walang karagdagang gastos.
Tips:

Alamin kung paano mag-sign up

Paano makakakuha ng YouTube Premium o YouTube Music Premium

Tandaan: Hindi kasali ang YouTube TV sa mga benepisyo ng YouTube Premium o Music Premium. Matuto pa tungkol sa kung paano magkaroon ng membership sa YouTube TV.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?