Alamin ang pasikot-sikot sa Content Manager ng Studio

Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube Studio.

Ang Content Manager ng YouTube Studio ay isang web-based na tool na ginagamit ng mga partner ng YouTube para pamahalaan ang kanilang content at mga karapatan sa YouTube. Depende sa iyong tungkulin, ang ilan sa mga, o ang lahat ng, opsyong ito ay nasa kaliwang menu kapag nag-sign in ka sa isang Content Manager account:

 Dashboard

Subaybayan ang iba't ibang uri ng isyu na nangangailangan ng pagkilos, gaya ng mga salungatan sa pagmamay-ari at claim. Puwede mo ring subaybayan ang mga channel na may mga paglabag sa copyright, nakabinbing imbitasyon sa channel, at channel na may sinuspindeng pag-monetize.

 Mga Video

Tingnan ang listahan ng mga video na na-upload o na-livestream ng mga channel na nauugnay sa iyong Content Manager. Mula rito, magagawa mong mag-download, mag-delete nang maramihan, o magsagawa ng maramihang pag-update sa iyong mga video. Puwede ka ring mag-filter  para makita ang mga video na may mga claim sa copyright, strike, at iba pang attribute.

 Mga Asset

Makakuha ng pangkalahatang-ideya ng mga asset na nauugnay sa iyong Content Manager. Puwede kang mag-export ng data ng asset, tumingin at mag-edit ng metadata ng asset, at magsagawa ng maramihang pag-edit sa iyong mga asset. Para makita ang mga asset na hinahanap mo, mag-filter  ayon sa uri ng asset, mga claim, at iba pang attribute. Matuto pa tungkol sa mga asset.

 Mga label ng asset

Tumingin ng listahan ng mga label ng asset na nauugnay sa iyong Content Manager. Puwede mo ring tingnan ang mga claim na ginawa ayon sa mga asset na may partikular na label. Matuto pa tungkol sa mga label ng asset.

 Mga Isyu

Gawan ng pagkilos ang mga isyung nangangailangan ng iyong pansin at posibleng nakakaapekto sa mga asset, reference, o claim mo. Makakakuha ka ng higit pang impormasyon tungkol sa potensyal, dini-dispute, at inaapelang mga claim, pagmamay-ari mga salungatan at paglilipat, mga invalid na reference at mga overlap sa reference.

 Mga Channel

Tingnan ang listahan ng mga sukatan at pahintulot para sa mga channel na nauugnay sa iyong Content Manager. Puwedeng i-link ang iyong Content Manager sa maraming channel sa pamamagitan ng paggawa ng mga channel o pag-imbita sa ibang channel na sumali sa Content Manager account mo.

 Mga Na-claim na Video

Tingnan ang listahan ng mga na-claim na video at ang mga asset na nauugnay sa mga ito. Pinagsasama-sama ang maraming claim laban sa iisang video para madali mong masusuri at malulutas ang mga isyu ukol sa claim. Matuto pa tungkol sa mga na-claim na video.

 Mga Patakaran

Suriin at i-edit ang iyong mga custom na patakaran o gumawa ng mga bagong patakaran para sa higit pang kontrol sa content mo. Puwede ka ring magdagdag ng mga nakaiskedyul na patakaran na magkakaroon ng bisa sa tinukoy na petsa at oras. Matuto pa tungkol sa mga patakaran.

 Analytics

Kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa pagganap ng iyong content sa iba't ibang dimensyon gaya ng mga video, channel, o asset. Puwede mong subaybayan ang kita, demograpiko ng audience, mga pinagmumulan ng trapiko, at iba pang impormasyon sa pamamagitan ng mga up-to-date na sukatan at ulat. Matuto pa tungkol sa Analytics.

 Mga Campaign

Tingnan ang listahan ng mga campaign sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap at kung sa anong mga asset nakabatay ang mga ito. Puwede kang gumawa ng mga campaign na batay sa asset para pumili ng mga indibidwal na asset o ng mga campaign na batay sa label para pumili ng mga asset na nauugnay sa partikular na mga label ng asset. Matuto pa tungkol sa mga campaign.

 Allowlist

Ipinapakita ng allowlist ang mga channel na hindi kasama sa mga naka-automate na claim mula sa mga asset ng iyong Content Manager. Puwede ka ring magdagdag ng higit pang channel sa iyong allowlist ayon sa channel ID o URL. Matuto pa tunkol sa mga allowlist.

 Mga Ulat

Tumingin at mag-download ng mga ulat sa kita, mga video, asset, reference, claim, at campaign. Available ang mga ulat linggo-linggo o buwan-buwan. Matuto pa tungkol sa mga ulat.

 Paghahatid ng content

Tingnan at i-download ang mga package ng content na na-upload sa iyong Content Manager. Makakahanap ka ng mga template para sa paghahatid at pag-update ng content at i-upload ang mga package na iyon mula sa page na ito. Matuto pa tungkol sa paghahatid ng mga file sa YouTube.

Mga Setting

Tingnan at baguhin ang mga setting ng account gaya ng mga notification sa email at mga kagustuhan ng user. Para pamahalaan ang mga pahintulot sa account, puwedeng gumawa at mag-edit ng iba't ibang tungkulin ng user mula rito. Matuto pa tungkol sa mga setting ng Content Manager account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11574150801639400784
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false