Makipag-ugnayan sa Creator Support team
Kung kwalipikado ang iyong channel (halimbawa, kung nasa Partner Program ng YouTube ka), puwede kang makipag-ugnayan sa YouTube Creator Support Team para sa tulong.
Gamitin ang aming Help Center, forum ng komunidad, at @TeamYouTube
Help Center ng YouTube
Narito ka na sa pinakamainam na lugar para sa pag-troubleshoot. Sa ibaba ng anumang page sa YouTube, bumalik dito anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa button na Tulong. Puwede ka ring pumunta sa support.google.com/youtube
.
Tiyaking titingnan ang mga seksyong ito na para lang sa iyo:
- Para sa mga creator: Makakuha ng tulong sa paggawa ng mga video at pamamahala ng iyong channel.
- Para sa mga partner: Makakuha ng tulong sa pag-monetize ng iyong content at pakikipag-collaborate sa iba pang partner.
Mga video channel ng Tulong sa YouTube
Tingnan ang aming channel na YouTube Viewers para sa mga video na magpapanatili sa iyong updated sa mga pinakabagong balita at tip.
Tingnan ang aming channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga video ng pinakamahuhusay na kagawiang makakatulong sa iyong mapalago ang channel mo at maitaguyod ang iyong negosyo sa YouTube.
Komunidad ng Tulong sa YouTube
Maghanap ng mga sagot sa Komunidad ng Tulong sa YouTube - na pinapagana ng TeamYouTube. Puwede mong tingnan ang mga itinatampok na post para makita ang mga pinakabagong update mula sa TeamYouTube. Ang TeamYouTube ay isang team ng Mga Manager ng Community na masusing nakikipagtulungan sa lahat ng team ng YouTube para mag-share ng mga real-time na update at tulong. Isinusulong din nila ang iyong feedback sa kumpanya.
Twitter handle na @TeamYouTube
I-follow kami sa @TeamYouTube sa Twitter para sa mga real-time na update at tip sa pag-troubleshoot na makakatulong sa iyong masulit ang YouTube.
Nagshe-share ang aming team ng mga update at sumasagot sa mga tanong sa English, French, German, Portuguese, Russian, Spanish, Japanese, at Bahasa.
Matuto pa tungkol sa TeamYouTube.
I-develop ang iyong mga kakayahan
Mga Tip para sa Creator sa YouTube
Ang Mga Tip para sa Creator sa YouTube ang iyong tahanan para sa edukasyon para sa mga bagong creator. Makakakita ka ng mga tip, pinakamahuhusay na kagawian, at diskarte para sa Video, Live stream, at Shorts na content.YouTube para sa Mga Creator
Ang YouTube para sa Mga Creator ang pinakamainam na lugar para matuto tungkol sa lahat ng programa, tool, at paparating na event na makakatulong sa iyong gumawa ng mas magagandang video. Makakakuha ka rin ng tulong sa pagpapalago ng iyong channel sa pamamagitan ng programa ng mga benepisyo ng YouTube para sa Mga Creator.
Alamin ang tungkol sa copyright at patakaran
Gamitin ang mga tool na ito para mas maunawaan ang copyright at mga patakaran ng YouTube. Tandaang available lang sa mga limitadong wika ang ilan sa mga resource sa ibaba.
Mga tanong tungkol sa copyright
- Pamamahala sa copyright at mga karapatan: Makakuha ng impormasyon, pag-troubleshoot, at mga susunod na hakbang kung nagkaroon ka ng claim sa mga karapatan.
- Mga legal na patakaran: Makakuha ng impormasyon tungkol sa kung ano ang mga legal na isyung ito at kung paano maghahain ng reklamo.
Mga tanong tungkol sa patakaran
- Mga tool at resource para sa kaligtasan: Matuto tungkol sa mga tool at resource ng YouTube, at kumuha ng mga tip sa maraming paksa.
- Mga Alituntunin ng Komunidad: Mga alituntuning tutulong para mapanatiling nakakatuwa at kasiya-siya ang YouTube para sa lahat.
- Mga tool sa pag-uulat at pagpapatupad: Alamin kung paano mag-ulat ng content sa YouTube at kung paano namin ipinapatupad ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad.