I-edit ang mga detalye ng video
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
- Mag-click ng pamagat o thumbnail ng video.
- Itakda ang mga setting ng video at piliin ang I-save.
Mga available na setting ng video
Pamagat |
Ang pamagat ng iyong video. Tandaan: May limitasyon sa bilang ng character na 100 character ang mga pamagat ng video at hindi puwedeng naglalaman ang mga ito ng mga invalid na character. |
Paglalarawan |
Impormasyong ipinapakita sa ilalim ng iyong video. Para sa mga attribution ng video, gamitin ang sumusunod na format: [Pangalan ng Channel] [Pamagat ng Video] [Video ID] Para sa mga pagwawasto sa iyong video, idagdag ang “Pagwawasto:” o “Mga Pagwawasto:” Dapat ay nasa English ang Pagwawasto o Mga Pagwawasto anuman ang wika ng video o ng iba pang bahagi ng paglalarawan. Sa hiwalay na linya, puwede mong idagdag ang timestamp at paliwanag ng iyong pagwawasto. Halimbawa: Pagwawasto: 0:35 Dahilan ng pagwawasto Lalabas dapat ang seksyong ito pagkatapos ng anumang kabanata ng video. Kapag pinapanood ng audience ang iyong video, may lalabas na card ng impormasyon na Tingnan ang Mga Pagwawasto. Para sa naka-format na text sa iyong mga paglalarawan, piliin ang i-bold, i-italicize, o i-strikethrough mula sa mga opsyon sa ibaba ng box ng paglalarawan. May limitasyon sa bilang ng character na 5,000 character ang mga paglalarawan ng video at hindi puwedeng naglalaman ang mga ito ng mga invalid na character. Tandaan: Kung may anumang aktibong strike ang channel, o kung posibleng hindi naaangkop sa ilang manonood ang content, hindi magiging available ang feature na mga pagwawasto. |
Thumbnail | Ang larawang makikita ng mga manonood bago i-click ang iyong video. |
Playlist | Idagdag ang iyong video sa isa sa mga kasalukuyang playlist mo, o gumawa ng playlist. |
Audience | Para sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA), kailangan mong sabihin sa amin kung para sa bata ang iyong mga video o hindi. |
Paghihigpit sa edad | Paghigpitan ayon sa edad ang mga video na posibleng hindi naaangkop para sa ilang partikular na audience. |
Kaugnay na Video |
Isang video mula sa iyong channel na naki-click na link sa player ng Shorts para makatulong na idirekta ang mga manonood mula sa iyong Shorts papunta sa iba mo pang content sa YouTube. Gamit ang access sa advanced na feature, puwede kang mag-edit ng Shorts para magsama ng link sa isang video mula sa iyong channel. Puwedeng i-link ang Mga Video, Short at Live na content. Tandaan: Ang video na pipiliin mo ay dapat pampubliko o hindi nakalista at sumusunod dapat ito sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. |
Sa ibaba ng page ng Mga Detalye, piliin ang MAGPAKITA PA para piliin ang iyong mga advanced na setting.
May bayad na promosyon | Ipaalam sa mga manonood at sa YouTube na mayroong may bayad na promosyon ang iyong video. |
Binagong content | Para makasunod sa patakaran ng YouTube, nire-require kang sabihin sa amin kung binago o synthetic at parang totoo ang iyong content. Matuto pa tungkol sa kung paano ihayag ang paggamit ng binagong content o synthetic content. |
Mga awtomatikong kabanata |
Puwede kang magdagdag ng mga pamagat at timestamp ng kabanata ng video sa iyong mga video para mas mapadali ang panonood sa mga ito. Puwede kang gumawa ng iyong sariling mga kabanata ng video o gamitin ang mga awtomatikong nabuong kabanata sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa checkbox na 'Payagan ang mga awtomatikong kabanata (kapag available at kwalipikado).' Io-override ng anumang ilalagay na kabanata ng video ang mga awtomatikong binuong kabanata ng video. |
Mga tampok na lugar | Ang mga Tampok na lugar (kapag available at kwalipikado) ay gumagamit ng mga destinasyon na malinaw mong na-highlight sa iyong paglalarawan, transcript ng video, at mga video frame para ma-highlight ang mahahalagang lugar sa carousel sa paglalarawan ng video mo. Para mag-opt out sa mga awtomatikong Tampok na lugar, i-unselect ang checkbox na 'Payagan ang mga awtomatikong Tampok na lugar.' Tandaan: Hindi ginagamit ng mga Tampok na lugar ang data ng lokasyon ng iyong device o hindi nito naaapektuhan ang mga ad na ipinapakita sa video mo (kung nagmo-monetize ka). |
Mga Tag |
Magdagdag ng mga naglalarawang keyword para makatulong na magwasto ng mga kamalian sa paghahanap. Puwedeng maging kapaki-pakinabang ang mga tag kung karaniwang namamali ang pagbabaybay sa content ng iyong video. Kung hindi naman, maliit lang ang papel na ginagampanan ng mga tag para matuklasan ang iyong video. |
Wika at caption certification | Piliin ang orihinal na wika ng video at caption certification. |
Petsa at lokasyon ng recording | Ilagay ang petsa kung kailan na-record ang video at ang lokasyon kung saan kinunan ang iyong video. |
Lisensya at pamamahagi | Piliin kung puwedeng i-embed ang iyong video sa ibang website. Tukuyin kung gusto mong magpadala ng mga notification sa iyong mga subscriber para sa bago mong video. |
Pag-remix ng mga Short | Payagan ang iba na gumawa ng mga Short gamit ang audio ng iyong video. |
Kategorya |
Pumili ng kategorya para mas madaling makita ng mga manonood ang iyong video. Para sa Education, puwede mong piliin ang mga sumusunod na opsyon:
|
Mga komento at rating | Piliin kung puwedeng maglagay ng mga komento sa video ang mga manonood. Piliin kung puwedeng makita ng mga manonood kung ilan ang like ng iyong video. |
Visibility | Piliin ang mga setting ng privacy ng iyong video para makontrol kung saan puwedeng lumabas ang video mo at kung sino ang makakapanood nito. |
Mga subtitle at caption | Magdagdag ng mga subtitle at caption sa iyong video para makaabot ng mas malawak na audience. |
End screen | Magdagdag ng mga visual element sa dulo ng iyong video. Dapat ay 25 segundo o mas matagal ang iyong video para makapagdagdag ng end screen. |
Mga Card | Magdagdag ng interactive na content sa iyong video. |
Panoorin kung paano mag-edit ng mga setting ng video
Panoorin ang sumusunod na video mula sa channel para sa Mga Creator sa YouTube tungkol sa kung paano mag-edit ng mga setting ng video.