Mag-subscribe sa mga channel sa YouTube

Puwede kang mag-subscribe sa mga channel na gusto mo para makakita ng higit pang content mula sa mga channel na iyon. May makikita kang button na Mag-subscribe sa ilalim ng anumang video sa YouTube o sa page ng isang channel. Kapag nag-subscribe ka sa isang channel, lalabas sa iyong Subscriptions feed ang anumang bagong video na ipa-publish nito.

Posible ka ring magsimulang makatanggap ng mga notification kapag nag-publish ng bagong content ang channel kung saan ka naka-subscribe. Bilang default, ipapadala lang namin sa iyo ang mga highlight mula sa channel. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong mga notification.

Pagsisimula | Paano mag-subscribe sa channel sa YouTube at bakit

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Mag-subscribe sa isang channel sa YouTube

  1. Buksan ang YouTube app o pumunta sa m.youtube.com.
  2. Mag-sign in sa YouTube.
  3. Kung nasa tab na Home ka :
    • Sa ibaba ng video ng channel kung saan mo gustong mag-subscribe, i-tap ang icon ng channel.
    • I-tap ang Mag-subscribe .
  4. Kung nanonood ka ng video sa channel kung saan mo gustong mag-subscribe:
    • Sa ibaba ng video, i-tap ang Mag-subscribe .

Kapag naka-subscribe ka na sa isang channel, makakakita ka ng listahan ng mga inirerekomendang channel sa iyong screen. Nakabatay ang mga ito sa mga kaugnay na channel kung saan hindi ka pa naka-subscribe. Puwede mong tingnan ang content ng channel anumang oras bago ka mag-subscribe.

Kailan ka makakatanggap ng mga notification

Kapag nag-subscribe ka sa isang channel, awtomatiko kaming magpapadala sa iyo ng mga notification na tungkol sa mga highlight mula sa channel na iyon. Puwede mong piliing makatanggap ng notification sa tuwing magpa-publish ng content ang channel sa pamamagitan ng pagbabago sa iyong mga setting ng notification

Tandaang kung mag-a-unsubscribe at pagkatapos ay magsu-subscribe ka ulit sa isang channel, mare-reset ang iyong mga setting ng notification.

Hindi ka makakatanggap ng mga notification kung nakatakda bilang para sa bata ang audience ng isang channel. Dagdag pa rito, itatakda ang notification bell sa walang notification . Hindi mo mababago ang setting na ito.

Mag-unsubscribe sa isang channel sa YouTube

  1. Mag-sign in sa YouTube.
  2. Pumunta sa isang video ng channel kung saan mo gustong mag-unsubscribe.
  3. Sa ilalim ng video player, i-tap ang Naka-subscribe at pagkatapos ay Mag-unsubscribe.
  4. Sa ibaba ng screen, makakatanggap ka ng notification na kumukumpirmang nag-unsubscribe ka.

Pamahalaan ang iyong mga subscription sa YouTube

Maghanap ng mga channel kung saan magsu-subscribe

Nagpapakita ang YouTube ng mga video at channel na sa tingin namin ay magugustuhan mo sa tab na Home  at pagkatapos mong manood ng video. Inirerekomenda namin ang mga video na ito batay sa kung ano ang pinanood mo at kung ano ang trending.  

Kung ayaw mo ang inirerekomenda namin, puwede mong ipaalam sa aming hindi ka interesado.

  • Mag-browse ayon sa kategorya: Kung gusto mong makakita ng mga channel tungkol sa isang partikular na paksa, pumunta sa I-explore para makita ang mga sikat na channel sa iba't ibang kategorya.
  • Maghanap: Subukang hanapin ang iyong mga interes sa YouTube. Pagkatapos ay puwede kang gumamit ng filter sa iyong mga resulta ng paghahanap para ipakita ang mga channel na nauugnay sa hinahanap mo. 

Tingnan ang iyong mga subscription sa YouTube

Kapag nag-subscribe ka sa isang channel, makakakita ka ng mga bagong video sa iyong tab na Mga Subscription . Nagpapakita rin sa tab na Home  ng mga video mula sa iyong mga subscription, kasama ng mga rekomendasyon para sa mga channel o video kung saan posibleng interesado ka.

Para makapunta sa iyong Mga Subscription, sundin ang mga tagubiling ito:

  1. Buksan ang YouTube app.
  2. Mag-sign in sa YouTube.
  3. I-tap ang tab na Mga Subscription

Makakapunta ka sa isang listahan ng iyoing mga channel sa pamamagitan ng pag-tap sa Lahat, at i-filter ang iyong mga resulta gamit ang drop-down na arrow sa itaas.

Kapag may bagong content ang isang channel kung saan ka nag-subscribe, makakakita ka ng dot sa tabi ng pangalan ng channel. Kapag may live streaming content ang isang channel kung saan ka nag-subscribe, makikita mo ang salitang “Live” sa tabi ng pangalan ng channel.  

Mag-troubleshoot ng problema sa iyong mga subscription sa YouTube

Mga limitasyon sa subscription sa YouTube

Kung makakita ka ng mensahe ng error na nagsasabing "Masyadong maraming subscription," naabot mo na ang iyong limitasyon sa subscription. Maaari ka lang mag-subscribe sa 75 channel bawat araw.

Sa karaniwan, puwede kang mag-subscribe sa maximum na 2,000 channel. Pero lumalaki ang iyong limitasyon sa subscription kasabay ng paglaki ng channel mo sa YouTube — nakaugnay ito sa bilang ng mga subscriber na mayroon ang iyong channel o kung gaano katagal na ang account mo. Puwedeng magbago sa paglipas ng panahon ang iyong mga eksaktong limitasyon.

Inirerekomenda namin ang pag-cap sa iyong account sa 5,000 subsciption sa channel para matiyak ang pinakamagandang karanasan sa feed ng mga subscription at listahan ng channel.

Sinu-subscribe ka ng mga third-party na extension sa mga channel nang walang pahintulot mo

Kung makatanggap ka ng mga notification para sa mga video at channel kung saan hindi ka naman nag-subscribe, o content na nag-unsubscribe ka, posibleng dahil ito sa extension ng browser na nagsu-subscribe sa iyo nang walang pahintulot mo. Matuto pa tungkol sa kung paano kontrolin ang mga extension ng browser.

Pagkakaiba ng Mga Notification at Feed ng Mga Subscription

Ipapakita ng feed ng mga subscription, na available sa mobile at computer, ang anumang kamakailang na-upload na video mula sa iyong mga subscription.

Puwedeng ipaalam sa iyo ng Mga notification kapag may mga bagong video, update sa pag-share mula sa mga subscription mo, at puwede ring ipaalam sa iyo ang tungkol sa content na posibleng magustuhan mo. Magpapadala kami ng mga email, naka-personalize na notification sa mobile, o notification sa inbox sa iyong computer o mobile device. Kapag nag-subscribe ka sa isang channel, awtomatiko kang makakatanggap ng mga naka-personalize na notification na may mga highlight ng aktibidad.

Ang mga notification sa inbox ay nakaayos ayon sa oras, at nang nasa itaas ang mga mas bagong notification. Posibleng itampok ang ilang notification sa itaas ng mga mas bago sa seksyong “Mahalaga,” na nagtatampok ng mga notification na sa tingin namin ay posibleng pinakanauugnay sa iyo. Puwedeng kabilang sa mga halimbawa ng mahahalagang notification ang sagot sa iyong komento o kapag na-share ng mga tao ang mga video mo.

Para makuha ang lahat ng notification mula sa isang channel kung saan ka naka-subscribe, i-tap ang Notification bell  . Pagkatapos nito, ang bell ay magiging nagri-ring na bell  para ipakitang pinili mo ang lahat ng notification.

Hindi ka makakatanggap ng mga notification kung nakatakda bilang para sa bata ang audience ng isang channel. Itatakda din ang notification bell sa walang notification . Hindi mo mababago ang setting na ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9835315883663090064
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false