Bago ka magsimula:
Awtomatikong nakakonekta ang isang channel sa YouTube sa isang account. May dalawang uri ng account:
Google Account | Kailangan mo ng Google Account para mag-sign in sa YouTube. Ang pangalan ng iyong channel ay awtomatikong kapareho ng pangalan sa Google Account mo. |
Brand Account |
Ang Brand Account ay isang account na partikular para sa iyong brand. Naiiba ang account na ito sa iyong personal na Google Account. Kung naka-link ang isang channel sa isang Brand Account, mapapamahalaan ito ng mahigit sa isang Google Account. |
Alamin kung paano gumawa ng Brand Account:
- Una, tingnan kung mayroon ka nang Brand Account.
- Mag-sign in sa YouTube.
- Pumunta sa iyong listahan ng channel.
- I-click ang Gumawa ng channel.
- Punan ang mga detalye para mapangalanan ang Brand Account at ma-verify ang iyong account.
- I-click ang Gumawa.
Mga panganib ng paglipat ng channel
Puwede mong ilipat ang iyong channel at ang mga video nito mula sa isang Brand Account papunta sa isa pa, hangga't hindi nauugnay ang mga ito sa iisang Google Account. Tinatawag ang prosesong ito na paglipat ng channel.
Pananagutan mong protektahan ang sensitibong impormasyon sa pag-sign in ng account at proactive na gumawa ng plano para panatilihin ang access sa iyong account bago magkaroon ng anumang isyu. Para i-recover ang iyong channel, sundin ang mga tip na ito para sa pag-recover ng account.
Ano ang mawawala sa iyo bilang resulta ng pagkumpleto ng paglipat ng Brand Account:
Account | Content na nawala |
Brand Account A: Nauugnay sa channel na inililipat |
|
Brand Account B: Nauugnay sa channel na pinapalitan (made-delete kapag inilipat ang Brand Account A) |
|
Ilipat ang iyong channel mula sa isang Brand Account papunta sa isa pang Brand Account:
Tandaang kung isang sinusubaybayang account ang iyong account, hindi mo maililipat ang channel mo. Puwedeng magkaroon ang pampaaralang account ng opsyong ilipat ang channel nito base sa mga kwalipikasyon para sa paglipat ng channel.
Bago ka magsimula, i-verify na:
- Pangunahing may-ari ng account ang iyong Google Account.
- Na-opt out mo ang iyong channel sa mga pahintulot ng channel sa YouTube Studio. Malalapat ito kung gumagamit ang iyong channel ng Brand Account at inilipat ito sa mga pahintulot.
- Para mag-opt out, piliin ang “Mag-opt out sa mga pahintulot sa YouTube Studio” sa ilalim ng Mga Setting ng YouTube Studio
Mga Pahintulot.
- Para mag-opt out, piliin ang “Mag-opt out sa mga pahintulot sa YouTube Studio” sa ilalim ng Mga Setting ng YouTube Studio
- Hindi ka nagbigay sa iba pang user ng access sa iyong channel na may mga pahintulot ng channel.
- Para magpatuloy, dapat mo munang alisin ang mga user na ito sa Studio. Alamin kung paano alisin ang access.
- Mag-sign in sa YouTube.
- Sa itaas ng iyong screen, i-click ang larawan sa profile mo.
- Kung kinakailangan, lumipat ng mga account sa Google Account na nauugnay sa channel na gusto mong ilipat.
Babala:
Puwedeng hindi sinasadyang ma-delete mo ang maling channel. Para maiwasan ang pagkakamaling ito, tingnan kung naka-sign in ka sa Google Account na nauugnay sa channel na gusto mong ilipat.
Halimbawa, ang Channel A ang iyong lumang channel. Sa Channel B ka lilipat. Dapat kang mag-sign in sa account para sa Channel A.
- I-click ang Mga Setting.
- I-click ang Mga advanced na setting.
- I-click ang Ilipat ang channel sa isang Brand Account.
- Piliin ang account na gusto mong lipatan mula sa listahan sa iyong screen. Kung wala kang listahan ng mga account, mag-troubleshoot gamit ang mga hakbang sa itaas.
- Kung ang account na pipiliin mo ay nauugnay na sa isang channel sa YouTube, i-click ang Palitan, pagkatapos ay piliin ang I-delete ang channel sa magpa-pop up na kahon.
- Mahalaga: Kapag ginawa mo ito, made-delete ang channel na nauugnay na sa account na iyon. Permanenteng made-delete ang anumang content na nauugnay sa channel na ito, kasama ang mga video, komento, mensahe, playlist, at history.
- Tingnan kung paano lalabas ang pangalan ng iyong channel pagkatapos ng paglipat, pagkatapos ay i-click ang Ilipat ang channel.
- Tandaan: Posibleng hilingin sa iyo na ilagay ang password mo at mag-authenticate ulit. Matuto pa tungkol sa pag-authenticate ulit ng iyong account.