Narito ang ilang pangunahing tip at resource para makatulong na panatilihin ka at iyong channel na ligtas sa YouTube.
Iwasan ang mga kahina-hinalang request
Ang malware at phishing ay dalawang karaniwang uri ng mga kahina-hinalang request. Ang malware ay isang uri ng software na puwedeng magkaroon ng access sa iyong account, magmanman sa aktibidad mo, i-delete ang iyong mga file, at gumawa ng mga pagbabago sa pag-access mo online.
Phishing ang tawag kapag nagpanggap ang isang hacker bilang mapagkakatiwalaang tao para makuha ang iyong personal na impormasyon, gaya ng password. Puwedeng gumamit ang mga hacker ng mga email, text message, o web page para magpanggap na mga institusyon, miyembro ng pamilya, kliyente, o kasamahan.
Ano ang dapat gawin:
Mag-scan para sa malware.Inirerekomenda namin ang pag-scan ng mga pag-download para sa malware sa pamamagitan ng pag-on sa Pinahusay na Ligtas na Pag-browse, na partikular na mahalaga para sa mga naka-encrypt na file na puwedeng mag-bypass ng mga pag-scan ng antivirus.
Protektahan laban sa phishing.Inirerekomenda namin ang pag-on sa 2-Step na Pag-verify at pagpili ng passkey bilang pangalawang paraan ng pag-verify para makuha ang pinakamalakas na proteksyon laban sa phishing.
Huwag sumagot sa mga kahina-hinalang mensahe. Puwedeng kasama rito ang mga kahina-hinalang email, instant message, website, o tawag sa telepono, halimawa:
- Mga libreng crypto coin
- Tulong sa marketing na nagre-require ng access sa channel
- Mga password para buksan ang mga naka-encrypt na file
Huwag buksan ang mga hindi pinagkakatiwalaang link o file. Puwedeng kasama rito ang mga link o file mula sa mga hindi pinakakatiwalaang source sa mga email, text, instant message, website, pop-up, o sa YouTube na nag-aalok ng, halimbawa:
- Mga libreng template ng thumbnail
- Mga premium na program sa pag-edit
- Hindi kilalang software
Mag-ulat ng spam o phishing
Ano ang dapat gawin:
Umaksyon para panatilihing ligtas ang iyong channel
Ano ang dapat gawin:
I-secure ang iyong Channel sa YouTube at Google Account.Para i-secure ang iyong Channel sa YouTube, isagawa ang mga aksyong nakalista sa I-secure ang channel mo sa YouTube. Para i-secure ang Google Account na naka-link sa iyong channel sa YouTube, isagawa ang mga aksyong nakalista sa checklist ng Google Account na ito.
Suriin at i-update ang mga pahintulot ng channel.Kung isa kang Creator sa YouTube, puwede kang gumamit ng mga pahintulot ng channel para bigyan ang ibang tao ng access sa iyong channel sa YouTube nang hindi siya binibigyan ng access sa Google Account mo. May iba't ibang uri ng mga tungkulin na puwede mong italaga sa ibang tao:
- Manager: Magagawa niyang magdagdag o mag-alis ng ibang tao at i-edit ang mga detalye ng channel.
- Editor: Mae-edit niya ang lahat ng detalye ng channel.
- Editor (limitado): May mga pahintulot na katulad ng sa editor, pero hindi niya matitingnan ang impormasyon ng kita.
- Manonood: Matitingnan niya, pero hindi mae-edit, ang lahat ng detalye ng channel.
- Manonood (limitado): Matitingnan niya, pero hindi mae-edit, ang lahat ng detalye ng channel maliban sa impormasyon ng kita.
Kung mayroon kang Brand Account, puwede kang mag-imbita ng isang tao para pamahalaan ang Google Account mo at ang iyong channel sa YouTube. Ang mga tungkuling May-ari at Manager ay makakapag-upload ng mga video at makakagawa ng mga pagbabago, kaya tiyaking kumportable ka sa access na iyon bago ito ibigay. Alamin kung paano tingnan kung mayroon kang Brand Account at pamahalaan ang mga pahintulot ng Brand Account.
I-delete ang mga nakakonektang app na hindi mo kailangan.Para protektahan ang iyong Google Account at channel sa YouTube, iwasan ang pag-install ng mga hindi kilalang app o app mula sa mga hindi kilalang source. I-delete ang anumang app na hindi mo kailangan mula sa iyong mga setting ng account.
Huwag i-share ang iyong impormasyon sa pag-sign in. Huwag ipaalam sa iba ang mga password mo. Para magbigay ng access sa iyong channel, gamitin ang mga pahintulot ng channel o mga pahintulot ng Brand Account (kung mayroon kang Brand Account) sa halip na i-share ang mga password. Para protektahan ang iyong sarili laban sa phishing, huwag kailanman ilagay ang iyong password sa Google sa anumang website maliban sa myaccount.google.com.
Nawalan ka ba ng access sa iyong Google Account? I-restore ang iyong Google Account.